CHAPTER 9
Pumayag ako sa sinabi ni Kuya Wren kasi wala rin naman akong gagawin. Ang sabi lang niya, may sasabihin daw siya. Excited ako pero at the same time kinakabahan. Palagi akong napapaisip doon sa sasabihin niya. Sinusubukan kong mag-conclude pero wala akong maisip na malapit.
Inisip ko na birthday surprise para kay Jade kasi hindi siya kasama pero March ang birthday no'n kaya malabo. Ang aga naman masyado kung magpaplano na kami.
Ano kaya 'yon?
Nagsuot na lang ako ng long sleeve crop top at skirt na hanggang hita ko. Nag-rubber shoes ako. Tinali ko ang buhok ko at naglagay lang ng pulbo at liptint. Mabilis lang naman siguro kami.
Nagpaalam muna ako kay Mommy bago umalis. Pagkatapos ay pumunta na sa garahe. Pagkaupo ko sa driver's seat ay kinuha ko ang phone para i-chat si Kuya Wren na papunta na ako.
wrenesguerra: See you.
Nagdrive ako papunta roon sa sinabi niyang restaurant. Siguro kaya kinakabahan ako kasi mamahaling restaurant ang pupuntahan namin. Sana naman treat niya kung mag-o-order kami kasi desisyon naman niya 'yon. Pero kaya ko naman magbayad.
Pagkapark ko ay nag-retouch muna ulit ako bago bumaba. I smiled at the guard as he opened the door for me. Nang makita ko si Kuya Wren ay nakatingin siya sa relo n'ya. Wala masyadong tao sa lugar na 'yon pero malapit sa bintana.
Napaayos s'ya ng upo nang makita ako. I smiled at him as I approached him. He stood up and pulled the chair across from him so I could sit in it.
"Thanks." I gave him a smile before I sat down. Parang nag-aalinlangan pa s'yang ngumiti sa akin pabalik. "Late ba ako?" I asked shyly.
"No, you are just right on time. Let's eat first," he said. "Waiter." Agad na lumapit sa amin ang waiter. Binigyan niya kami tig-isa ng menu.
"Treat mo ba?" tanong ko muna.
"Yeah. Of course," he chuckled. It seemed like he already knew what I was thinking.
"Ito na lang. Chocolate cake and leche plan," sabi ko sa waiter kaya ni-note n'ya 'yon. Dessert na lang dahil kumain naman na ako sa bahay. Ang mahal din kasi. Nakakahiya naman kahit libre. "Tapos water sa drinks." I smiled at him before I returned the menu.
"Pareho na lang ng kanya," sabi ni Kuya Wren.
"Ok, ma'am and sir. 10 minutes for your order." Umalis na rin kaagad ang waiter.
Bumuntong hininga ako nang lingunin ko si Kuya Wren. He stared at the table with his arm crossed over his chest, seemingly deep in thought. Hindi siya nagsasalita kaya hindi rin ako nagsalita hanggang sa ma-serve ang order namin. Tahimik lang kaming kumakain. Halos tunog lang ng plato at kutsara ang maririnig namin.
Nauna kong naubos ang dessert ko. Si Kuya Wren ang dami pa pero mukhang sinasadya niyang bagalan so I faked a cough to get her attention. Agad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin. Masyado na kasi kaming tahimik! Kung kasama lang sana si Jade, kaso may pupuntahan daw sila ni Ran.
"Are you ok?" tanong niya. Tumango lang ako at uminom ng tubig.
"Ano po ba ang pag-uusapan?" I then brought up the reason we are here. Pansin ko ang paglunok niya ng matindi bago uminom ng tubig. Pinunasan niya ang bibig niya bago humugot ng hininga.
"Uhm..." He swallowed hard again. "Ellianna..."
"P-po?" Sinimulan na akong kabahan sa hindi ko alam na dahilan. I was already fidgeting with my fingers underneath the table.
"D-do you still remember the bisaya word that I told you?" He looked at me. Kumunot ang noo. Naaalala ko na may sinabi siya pero hindi ko na maalala 'yung mismong word.
BINABASA MO ANG
Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)
RomanceADOPTED SERIES #1 Shadler Trevor is an engineering student who places a high value on his education. Because of what happened to his parents, he doesn't believe in love, so he's more focused on graduating first. But everything changed when Ellianna...