CHAPTER 12
"Hala, anong nangyari sayo?" Pinitik ni Jade ang noo ko kaya bigla akong natauhan. "Lutang na lutang ka, girl! An'yare?"
Napahilamos ako sa mukha ko at napapadyak sa inis.
"Charot lang naman na friends na lang kami, e! Pero mukhang naniwala s'ya! Sa akin pa humihingi ng dating tips!" pagrarant ko kay Jade.
"Hala ka!" Natawa s'ya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Tawa ka d'yan!"
"E, anong sinabi mo?" natatawang tanong niya.
"Inayos ko 'yung tips ko 'no! Sabi ko alamin niya 'yong hilig ng tao para may idea siya sa gagawin niya gano'n." Although mukha namang may idea na siya kasi matagal na silang magkakilala. "Tapos sabi ko pa be yourself!"
Humalakhak s'ya kaya lalo akong naasar. Napatingin ako sa entrance nang pumasok si Andrae at Alivia. Mukhang may ichinichika 'tong si Alivia kasi natatawa si Andrae. Agad naman silang inasar ng mga ka-blockmates namin kaya nakiasar na lang din ako.
"Yieee! #AnLivia! New ship!" kantyaw namin. Si Andrae napangiwi. Si Alivia gulat, medyo nakaawang pa ang bibig.
"Oh my God, guys, stop. We're friends," Alivia tried to explain.
Diretso naman si Andrae rito sa pwesto niya kaya inasar-asar ko s'ya.
"Yieee, ikaw ha!" Kiniliti ko ang tagiliran niya.
"Nako, napag-iiwananan ka na talaga, Lia!" Tumawa si Jade.
"Kaya nga, e!"
"Huh? Anong sinasabi n'yong dalawa?" Napangiwi siya. "Coincidence lang na nagkasabay kami. Don't give too much meaning." He shook his head.
"Oh, ikaw kasi Jade!" paninisi ko.
"Luh, ba't ako!?"
"Luh, paniki ka pala."
Natahimik lang kami nang dumating na ang prof. Nang magtanghalian ay hindi ako sumama kay Jade kasi dadaanan niya si Ran. Ayoko makita si Shadler. Nakita ko sila kanina ni Taylor na magkasama. Baka nagde-date na sila. Magmomove on na talaga ako. Ayoko naman na umepal kung nasa dating stage na sila. Hindi ko rin pala kaya na kaibigan kami. 'Yong tipong gusto ko s'ya tapos ako ang nagtitip sa kanya. Sakit no'n, tol. Iiwas na lang ako.
"Baka magselos si Alivia, ha," asar ko kay Andrae kasi sasama raw siya sa akin.
"Huh? Why would she? We're friends. It's not like what you are thinking."
"Doon din naman 'yon papunta," pang-aasar ko pa.
"We're friends too, so is it possible that we may also end up like what you are trying to point out?" He raised a brow.
I was stunned for a moment.
"Joke lang, e. Oo nga pwede naman magkaibigan ang babae at lalaki. Mga people talaga, hays."I tsked and shook my head. "Tara na nga!" sinakbit ko ang bag ko at hinila na s'ya.
"Where are we going to eat?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa parking lot.
"Mag-Jollibee tayo!"
"Ok, I'll treat you." He glanced at me.
"Weh?"
Inirapan niya ako kaya natawa ako. Siya ang nag-drive papunta sa Jollibee. Pagkarating namin ay ako ang naghanap ng pwesto namin tapos siya ang nag-order.
"What happened?" Napalingon ako kay Andrae na katatapos lang mag-order kaya pumunta na rito.
"Huh? Wala naman." Umayos ako ng upo.
BINABASA MO ANG
Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)
RomanceADOPTED SERIES #1 Shadler Trevor is an engineering student who places a high value on his education. Because of what happened to his parents, he doesn't believe in love, so he's more focused on graduating first. But everything changed when Ellianna...