Chapter 5

25 2 0
                                    

CHAPTER 5

jaysonylagan: Hello mtgal na ktang crush. 😅 ang Ganda at ang talented mo. ok Lang kung hndi mo ako magustuhan pabalik Kasi cno ba nman Ako hehe. 😅 alm Ko naman na pogi Ang mga tipo mo. 😅

Kagigising ko lang tapos ito ang bumungad sa akin. Nagtitingin kasi ako sa mga message request ko.

Kinusot ko ang mata ko at bumgangon. Hindi ko s'ya kilala sa totoo lang kaya in-stalk ko muna. Namilog ang bibig ko kasi criminology pala. Same university rin kami pero hindi ko s'ya namumukhaan. Wews ang layo ng narating ng ganda ko, ha.

iamliaghale: hi, jayson! i really appreciate your courage! thank you for admiring me, but i can't reciprocate the way you feel for me pero i really appreciate. huhu thank youu, jayson!

Na-seen niya kaagad 'yon. Typing siya kaya hinintay ko na lang muna. Sanaol matapang mag-confess 'di ba?

jaysonylagan: Sabi ko na nga ba e hehe hndi kasi Ako pogi 😅

Napasapo ako sa ulo ko. Oh my God. Umagang-umaga sinubok agad ako ni Lord.

iamliaghale: no no! ok ka naman. it's not because hindi ka pogi. i just don't feel the same way you do.

jaysonylagan: Ok lng hehe. Pero cguro kung pogi ako may chance Ako hehe

Napahilamos ako sa mukha ko. Bakit ba s'ya puro pogi? Ayos naman talaga s'ya sa totoo lang. He has looks naman, but the manner he accepted his rejection turned me off. May mga pogi rin namang nagddm sa akin dito pero hindi ko pinatos. Aminado naman ako na pogi sila pero hindi lang talaga nila masyadong nakuha ang atensyon ko.

Aminado rin ako na parte ng standard ko ang pogi pero syempre hindi lang basta pogi.

Hindi na ako nagreply dahil mauulit lang ang sasabihin ko. It really meant a lot to me because I'd also had the experience of confessing my feelings with someone. I understand how difficult it is to gain the bravery and confidence to confess, so I am really grateful, kaso medyo manipulative sad boy s'ya.

Nagpunta ako sa convo namin ni Shadler. Parang nabuhay ang dugo ko kasi online s'ya.

Ellianna: good morning :)

Na-seen n'ya kaagad 'yon. Kinikilig na agad ako ro'n. Lakas naman niya sa 'kin.

Shadler: morning

Ellianna: namiss mo ba 'ko?

Shadler: Huh?

Ellianna: ay eenglishin ko pa ba?

Ellianna: did you miss me?

Ewan, ko na lang.

Shadler: Why are you asking?

Ellianna: uy, 'di masagot. yes or no lang ih. miss mo 'ko 'no? miss you too <3

Shadler: Why would I miss you?

Ouch, ha.

Ellianna: wow, kung hindi ba kita kausapin, hindi mo 'ko hahanapin?

Na-seen niya 'yon pero ang tagal niya mag-reply. Typing s'ya tapos mamaya like lang din 'yan.

Ellianna: baka naman naggagawa ka pa ng essay jan ha, hindi lang din naman sasabihin mo HAHAHAGHAHAHAHAGAGAFADADS

Ellianna: ayos lang beh dahil hindi naman kita titigilan

Shadler: Lol

Baka ako lang din ang mangulila sa kanya kapag hindi ko s'ya kinausap.

Ellianna: uy 'di sinagot ang tanong ko. mamimiss mo 'ko ano? ikaw ha, nako strict parents ko

Shadler: No

Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon