Chapter 7

29 2 0
                                    

CHAPTER 7

Isang buwan na agad ang lumipas. Hindi ko talaga kinausap si Shadler at syempre ganoon din s'ya sa akin. Matik na 'yon. Baka nga natuwa pa 'yon e kasi wala ng gumagambala sa kanya. May times na gusto ko siya kausapin kaso para saan pa? Ayaw niya, e. Ayaw ko naman magmukhang tanga kakahabol sa kanya gayong nireject na ako ng tao. Ganda ganda ko, e. 'Di ko 'yun deserve. Pero kung s'ya... Charot. Tama ka na, girl.

Hindi ko rin siya nakikita kasi hindi na rin ako lumalabas simula nang sagutin ni Jade si Ran. Hindi nagpatumpik-tumpik ang ate n'yo. Tatlong linggo pa lang na nangliligaw, sinagot agad. 'Di ko rin masisisi kasi kahit naman ako, kung ligawan ako ng crush ko, siguro tatlong araw pa lang na nangliligaw, sinagot ko na agad.

Ngayon na lang ulit ako lumabas dahil napagkasunduan namin ni Jade na mamili ng school supplies dahil bukas na ang start ng pasukan. Parang ang bilis. Naglalakbay pa ang utak ko. Pero at some point, maganda 'yung timing kasi mababaling ko na ulit dito ang atensyon ko. Sakit sa ulo lang naman 'yang mga lalaki na 'yan sa buhay ko.

"Hala, ang mahal!" reklamo ni Jade nang makita ang presyo noong pens na balak niyang bilhin. Kumuha ako ng isa noon at nilagay sa basket ko na hawak ni Kuya Wren. Hawak niya rin ang kay Jade sa isang kamay niya. Siya naman nag-volunteer. "E 'di ikaw na mayaman!" Nakangusong sabi ni Jade pero nilagay din 'yong pens na hawak niya sa basket niya.

Binigyan na kasi ako ni Daddy kahapon ng allowance ko na good for 1 month dahil magsisimula na nga ulit ang class. Nilabisan niya pa ng 5k para raw may pambili ako ng school supplies ko kaya sinusulit ko na.

"Makareklamo ka lang e pero ending bibilhin din."

"Si kuya naman magbabayad, e." Tumawa s'ya.

Napailing ako at naglakad-lakad pa para magtingin ng pwede ko pang bilhin na magagamit ko.

May mga art materials pa naman ako sa bahay na mapapakinabangan pa pero karamihan ay hindi na magagamit, pati mas ginaganahan ako kapag bago ang ginagamit ko. Isipin mo 'yung amoy ng bagong paint brush. 'Yung tunog ng bagong pens. Nakakagana kaya kapag bago ang gamit mo. Magandang simula 'to para sa 3rd year.

"Mahirap ba ang architecture?" tanong ni Kuya Wren.

"Oo!" sagot ko agad nang walang alinlangan. "Wala sa vocabulary namin ang mag-cram kasi halos dalwa hanggang tatlong oras bago namin matapos ang isang plates kaya no to cramming kung gusto ko mapadali ang buhay mo." I laughed.

"Hmm... right." He nodded.

Nang matapos kaming pumili ng bibilhin namin ay pumila na kami ni Kuya Wren. Nagpaiwan si Jade sa waiting area dahil ang kuya naman niya ang magbabayad. Pasikip lang siya rito.

"Three thousand two hundred seventy-nine, ma'am."

Kinuha ko ang wallet ko sa bag para magbayad. Napasigaw ako nang mabitawan ko ang wallet ko pagkabukas ng zipper kung saan nandoon ang mga barya kaya nanabog 'yun sa sahig. Napapamura ako sa isip ko habang nanlilimot. Tinulungan na rin ako ni Kuya Wren.

"Miss, teka lang po, ah!" nagpapanic na sabi ko.

"Calm down. We can pick up all your coins." Kuya Wren chuckled.

Nang malimot lahat ay ibinigay sa akin ni Kuya Wren ang nakuha niya. Napalingon ako sa likuran ko nang may makitang may isa pang kamay na nag-aabot ng barya sa akin. Kumurap ako nang dalwang beses nang makita si Shadler pagkaangat ko ng paningin ko.

Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon