Chapter 13

13 2 0
                                    

CHAPTER 13

"Hoy, tara na!" Hinihila na ako ni Jade patayo pero hindi niya ako madala. "Tanginang 'to. May nangyari ba sayo sa library kanina?" nag-aalalang tanong niya pero nanatili akong tahimik at iniisip 'yong nangyari kanina at 'yong sinabi ni Shadler. Hindi pa rin nagsisink in sa akin.

"Aray!" daing ko ng sampalin niya ako. Hinaplos ko 'yong pisngi kong sinampal niya habang masama ang tingin sa kanya.

"Nagising ka ring hayop ka. Sampal lang pala kulang sayo," inis na sabi niya at aambahan sana ulit ako ng sampal kaya tumayo na agad ako.

"Si Andrae?" Nilingon ko ang katabi ko pero wala na.

Nang iikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng room namin ay kami na lang pala ang natitira rito! Muli akong nagbaling ng tingin kay Jade na masamang masama na ang tingin sa akin.

"Tanga! Kanina pang nakaalis." Tinulak niya ang ulo ko gamit ang hintuturo niya.

I glanced at my watch and it was 5:30 already! Napasapo ako sa ulo ko. Lumulubog na ang araw pagtingin ko sa labas. Tinext ko si Andrae dahil hindi ko na namalayan ang pag-alis niya. Nag-reply naman siya kaagad at sinabing nasa bahay na raw siya samantalang kami ay gagabihin na rito.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Jade habang naglalakad kami papuntang parking lot.

I bit my lower lips to stifle my urge to smile. Sasabihin ko na sana pero natatawa ako. Nakakakilig naman ikwento.

"Jade," I called her name in a low tone.

"Oh? Ano?" parang badtrip na agad siya.

"Gusto n'ya raw ako," sabi ko habang nakatingin sa dinadaanan. Napakagat ako sa labi ko dahil nakikita ko sa gilid ng paningin ko ang gulat sa mukha niya.

Natigilan muna siya sa una bago niya ako inalog-alog nang malala kaya napahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay nagulo ang pwesto ng utak ko sa sobrang tindi ng pag-alog niya sa akin. Mukhang siya pa ang mas kinikilig.

"Omg! Omg! Omg!" tili niya at patuloy siya sa pag-alog sa akin. "Weh? Totoo ba? Kailan niya sinabi?" tuwang-tuwang tanong niya.

"Kanina lang... sa library," sagot ko. "Pati bitawan mo na ako, 'yong utak ko letche ka. Kapag ako nabobo, kagagawan mo!"

"So, ano na? Nililigawan ka na niya?" excited na tanong niya pero umiling ako kaya agad na nagbago ang reaction niya.

Wala naman siyang sinabi na ganoon. Ang sabi lang niya ay gusto niya ako. Pati hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol doon. Hindi naman ako nagmamadali. Sa ngayon, masaya na ako na gusto niya ako. Ibang level na 'yung feels.

"Ha, bakit?" parang nawalan siya ng pag-asa.

"Huwag ka ngang padalos-dalos. Baka mausog. Hindi naman kami nagmamadali," sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Napasimangot na lang siya at naglakad na lang din. "Si Ran nga pala hindi mo dadaanan?"

"Tangeks kanina pa 'yon nakalabas. Sabi ko hintayin ako roon sa may tinatambayan nating street foods pero hindi ko alam kung hinintay pa ako kasi ang tagal mong hayop ka!" Inirapan niya ako.

So kasalanan ko pa? Bakit parang kasalanan ko?

Nang marating namin ang parking lot ay agad na hinanap ng mata ko ang kotse ni Shadler pero wala na roon kaya baka nakaalis na. Nag-drive na lang kami roon papunta sa tinatambayan namin at agad naman kaming nakarating dahil sobrang lapit lang noon.

My heart immediately throbbed faster when I saw Shadler's car parked on the side of the road. May space pa naman sa likuran noong kanya kaya doon ka na lang pinark ang kotse ko.

Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon