Chapter 10

29 2 1
                                    

CHAPTER 10

"Malapit na ang birthday mo." Napaangat ako ng tingin kay Mommy sa sinabi niya. "We're planning to give you a small party if it is ok to you."

Tumango ako dahil may laman ang bibig ko. Uminom muna ako ng tubig para makapagsalita. "Ok lang po," pagpayag ko.

"You can invite your friends and blockmates," she told me with a smile. Ngumiti naman ako sa kanya pabalik.

Pagkatapos namin kumain ay nagbihis na ako ng uniform ko. Nag-ayos lang ako at pagkatapos ay nagdrive na papunta sa school. Tumingin ako sa side view mirror ko nang makitang may nasa likuran ko ako habang papasok ko sa parking lot. Napakurap ako nang paulit-ulit nang makitang kay Shadler 'yon.

Hindi ko alam kung sinadya niya bang itabi sa akin 'yong kotse niya o dahil lang may space pa sa tabi ko. Pero meron pa rin naman sa iba, pero malalayo na. Siguro dahil may space pa nga. Hay, Lia, pati ba naman pagpapark binigyan mo pa ng malisya.

"Uy," bati ko sa kanya pagkababa ko. Sabay na sabay pa kami! Tumango lang s'ya sa akin. Naglakad ako papalapit sa kanya para sabay na kami. "Punta ka sa birthday ko," pag-invite ko sa kanya.

"When?" tanong niya habang sa unahan lang nakatingin at patuloy sa paglalakad.

"Sa 26. Sunday naman 'yon."

"I'll see." He shrugged.

"Pasabi na lang din sa tropa mo. Pwede mo sila isama. Ichachat ko na lang din sayo ang address."

"Ok."

Patuloy lang kaming naglakad hangagng marating namin ang engineering department. Kumaway ako sa kanya bago ako nagpatuloy sa paglakad para pumunta sa room ko. Pagkarating ko ay gulat kong nandito na si Andrae. Nakakapanibago kasi ang aga niya. First time niyang mauna sa 'kin! May dino-drawing siya sa sketch pad niya.

"Uy, ano 'yan?" tanong ko kahit nasa pintuan pa lang ako. Gulat s'yang napatingin sa akin  at agad na isinara ang sketch pad niya. "Huy, ano 'yon?" pangungulit ko pagkalapit ko. Sinusubukan kong buklatin 'yong sketchpad niya pero pinatong niya roon ang kamay niya kaya napasimangot na lang ako at umupo. "Punta ka sa birthday ko, ha," parang may sama pa ng loob na sabi ko.

"I'll see."

"Puro I'll see mga sagot n'yo. Libre na nga pagkain parang nag-aalinlangan pa kayo pumunta!" Umirap ako.

Nang dumating si Jade ay sinabihan ko rin siya. Syempre 'yes' agad 'yon. Sinabihan ko rin ang mga ka-blockmates ko. May nag-oo, may hindi raw sure pero ita-try, pero karamihan naman ay siguradong makakapunta. Bahala sila kung ayaw nila, 'di ko naman pinipilit.

"Saan tayo gagawa?" tanong ni Jade tungkol sa gagawin naming scale model.

Buti na lang at tatluhan kaya automatic na kami nina Andrae ang magkakasama. Mahihirapan ako kung nagkataong by pair. Ayoko naman mahiwalay sa dalawang 'to! Ayokong mamili. Magsosolo na lang ako kapag gano'n.

"Sa bahay na lang namin," sagot ni Andrae. Tumango na lang ako dahil wala namang kaso sa akin kung saan nila gusto gawin. Kaya ko naman mangdayo.

"O, sige. Bili na tayo mamaya ng materials, ha. Ambagan, mapwera na lang kung gusto sagutin lahat ng isa d'yan," pagpaparinig ni Jade at pasimple akong nilingon.

"Luh, 'di ako rich!" Umirap ako at humigop sa milktea ko.

"Coming from the daughter of a wealthy business owner." She rolled her eyes at me.

"Oh, itong si Andrae may-ari ng hospital!" depensa ko rin. Napataas naman ang kilay niya.

"Jade also owns a prestigious school," Andrae also argued.

Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon