Chapter 8

19 2 0
                                    

CHAPTER 8

"Crush mo?" bulong sa akin ni Jade pero hindi ko siya sinagot. Nanatili akong nakatingin kay Andrae. Hindi ako makapaniwala. Weh? Siya ba 'to? Ang daming nagbago sa kanya, ah, o dahil nanibago lang ako dahil ngayon ko lang ulit siya nakita? Bahagya pa siyang ngumingiti sa iba. Humble 'yarn?

Mukhang hindi niya ako nakikita kasi hindi pa dumadako ang paningin niya rito. Umupo silang dalawa sa likuran din pero sa kabilang dulo dahil doon may bakante. Paminsan-minsan ko siyang nililingon pero hindi ako nagpapahalata.

"Mababago ang sitting arrangement niyo. As you can see, there's a number in the backrest of your chairs. Bububot kayo sa box na ito." Inaangat ng prof 'yong box ng hopia. "Kung anong number ang mabunot niyo ay 'yon ang magiging pwesto niyo." Tumango-tango naman kami. "Get one and pass." Ibinigay niya sa nasa unahan 'yong box.

"Hala, si Jaycee, ang daya! Pinalitan!" reklamo ni Remy

"Kunin mo 'yong nauna mong binunot," seryosong sabi ng prof. Mukhang natakot 'tong si Jaycee kaya hinanap niya 'yong nauna niyang binunot.

"Hoy, 'yan 'yong una kong nabunot!" sabi naman ni Jaycee kay Mike. Parang elementary lang 'tong mga 'to.

Napatingin tuloy ako sa prof na mukhang naiinis na. "Huwag nang palitan," sabi ng prof na mukhang nauubusan na ng pasensya sa tono ng pananalita kaya nanahimik na lang si Jaycee pero mukhang natuwa pa.

Nang ipasa sa akin ni Jade ang box ay pumikit pa ako para bumunot. Pinasa ko naman 'yon sa katabi ko nang makabunot ako.

"Anong sayo? Gagi 1 sa 'kin!" disappointed na sambit ni Jade. "Ayoko sa unahan!" nagpapadyak pa siya na parang bata.

Binuksan ko naman 'yong papel na nabunot ko. "11! Sa likuran mo ako!" sabi ko nang makita ang nakasulat doon at mahinang hinampas ang balikat niya.

Matapos ang bunutan ay kumilos na kami para pumunta sa pwesto namin. Nakita ko na padabog na nilagay ni Jade ang bag niya sa upuan niya kaya mahina naman akong tumawa para asarin siya.

Napalingon ako sa kaliwa ko nang may naglagay ng bag doon. Nanlaki ang mata ko nang makita si Andrae. Hindi niya ako nililingon! Hindi ko alam kung hindi niya ako nakikita o iniiwasan niya ako o hindi niya rin ako nakilala na ako si Lia, kaibigan niya noong kinder!

Pinatong ko ang siko ko sa arm chair niya para maagaw ang atensyon niya. Napakagat ako sa labi ko nang maramdaman kong nasanggi ng braso niya ang siko ko dahilan para maagaw ko ang atensyon niya. Nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay na parang hindi ako kilala!

"Your elbow."

"Ay sorry! Uy, Andrae?" pagpapanggap ko na parang hindi ko siya nakilala.

He raised his a brow. "Yes?"

"Hindi mo ako kilala? Ako 'to si Lia. Ellianna Ghale!" I pointed to myself in the hopes that he would still remember me!

"Ellianna?" nagtatakang tanong niya. Agad na nawala ang ngiti ko sa labi at napasimangot. Hanep 'di ako tanda. "Joke! Of course I remember you," bawi niya agad kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Long time, no see!"

"I thought-"

"Mr. Avila. Ms. Alcantara." Sabay kaming napalingon kay Sir. "Mamaya na ang daldalan," seryosong sabi niya at nagpatuloy sa sinasabi. Hindi ko na namalayan na nagsasalita na pala siya.

Wala pa naman masyadong ganap kasi first day. Nang mag-lunch ay isinama ko si Andrae sa amin ni Jade. Dadaan kami sa engineering department dahil kasama raw si Ran. Hindi ko lang alam kung kasama 'yung dalawa niya pang tropa o baka magsasarili 'yung dalawa at magde-date. Pake ko.

Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon