CHAPTER 1
"Deserve ko ang mas marami pang kikiam! Kuya, pabili ulit kikiam sampung piso," sabi ko kay kuyang nagtitinda ng street foods malapit sa university namin at iniabot sa kanya ang ten pesos. "Dito mo na lang isama, kuya." Ibinigay ko sa kanya ang plastic cup na pinaglagyan ng binili ko kanina.
We just finished taking the final exam for second semester. Medyo na-drain ang utak ko kaya feel ko dapat bigyan ko ng reward ang sarili ko. Road to 3rd year na! Architecture is kind of stressful but I enjoy what I do so somehow I manage to survive it. It was really my dream.
"Ako rin kuya, fishball five pesos. Sama mo na lang din dito." Iniabot ni Jade 'yong baso niya. Paborito niya 'yong fishball kasi piso ay dalawang piraso. Sulit daw pero hindi ko bet ang lasa ng fishball. Ewan ko ba sa dila ko. "Saan ka magbabakasyon?" tanong niya sa akin pagkakuha ng binili niya.
"Ewan ko kina Mommy. Pero gusto ko sa bahay lang. Ikaw ba?" I asked her back.
"Baka Paris," she shrugged.
"Naks naman! Yayamanin. Malay mo roon mo na makita ang mapapangasawa mo!" Pabiro kong hinampas ang braso niya.
"Asawa agad?" exaggerated na sabi niya.
"Oo, malay mo!"
"Nako, tigilan mo nga ako! Palpak lagi ang nahahanap ko sa ibang bansa!" Inirapan niya ako.
"Wala ka kasing taste!"
My brows furrowed when the expression on his face suddenly change. Her lips parted as if she saw something strange. Lumingon ako kung saan siya nakatingin. Halos mabilaukan na ako sa kikiam ko nang makita 'yong lalaking nakaupo sa bench na tinititigan niya. Nag-cecellphone siya at may earphones sa tenga. Payat siya na matangkad. Nagulat pa ako nang mapansin na pareho lang kami nang pinapasukan base sa uniform niya. Engineering.
"Gago! Sa pilipinas mo mahahanap ang mapapangasawa mo, mhie!" Tinulak ko ang mukha niya kaya natauhan siya bigla. Sinamaan niya ako ng tingin na parang ginambala ko siya. Mukhang tutulo na 'yong laway niya, e. Pogi naman 'yong lalaki, pero hindi ko type. Itong kaibigan ko mukhang tinamaan agad doon.
"Hindi!"
Kumunot muli ang noo ko. Nakatingin na naman siya roon sa direksyon ng lalaki, ang sama ng tingin niya kaya lumingon ulit ako roon. Nanlaki ang mata ko nang makitang may katabi na siyang babae. Nagtatawanan pa sila. May jowa naman pala. Parang nasaktan ako para sa kaibigan ko. Ibinalik ko ang tingin ko kay Jade. Na-reject at first sight kaagad siya.
"Huwag ka mag-alala. Bibiyayaan ka rin ni Lord someday ng mas gwapo pa sa kanya! 'Yong mamahalin ka nang lubos!" pampalubag-loob ko sa kanya. Sumimangot lang siya at nagpatuloy sa pagsubo ng fishball. "Malay mo si kuya na," pabulong na sabi ko at itinuro si kuyang vendor.
"Timang!" Tinulak niya ang ulo ko at tumawa.
"Oh, see? Huwag ka na malungkot! Happy happy lang tayo rito. Hindi ka magugustuhan ni kuya," pang-aasar ko pa.
"Kuya, oh, si Lia, crush ka raw!" pagsumbong niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata at hinila ang buhok niya.
"Kayo talagang mga bata kayo." Umiling-iling si kuya. "Para kayong mga anak ko."
"Kuya, baka may anak ka na bagay dito sa kaibigan ko," sabi ko at pasimpleng ngumuso kay Jade. Her gaze seemed to be threatening to kill me.
"Mga babae ang anak ko na kaedarin niyo. Sampung taong gulang pa lang ang anak kong lalaki." Bahagya siyang tumawa. Medyo natawa rin ako kaya tinakpan ko ang bibig ko.
"Sige na kuya, salamat! Bibigyan ko lang ng leksyon 'tong babaeng 'to." Hinila ako ni Jade hanggang sa makarating kami sa parking lot. Pinagtinginan pa kami ng mga nadaanan namin. Tawa naman ako nang tawa sa reaksyon niya. "Siraulo!" Patulak niyang akong binitawan.
BINABASA MO ANG
Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)
RomanceADOPTED SERIES #1 Shadler Trevor is an engineering student who places a high value on his education. Because of what happened to his parents, he doesn't believe in love, so he's more focused on graduating first. But everything changed when Ellianna...