Chapter 15

22 2 0
                                    

CHAPTER 15

"Hi, Mom."

Tumayo si Shadler at tumabi sa akin nang masindihan niya ang kandila. I turned to him to give him a comforting smile. Tinapik ko pa ang balikat niya bago muling bumaba ang tingin ko sa lapida ng ina niya. Nakatayo kami sa puntod ng nanay niya. I could read in his face how much he loved his mother.

"I missed you so much," sunod niyang sinabi. There was a tinge of sadness in the tone of his voice, so I caressed his back to soothe him.

I want to make him feel that I am just always here for him, that he has someone to lean on until he becomes ready to open up to me. Handa akong makinig, handa akong intindihin kahit gaano kakomplikado.

"I remember when I was a kid, you always told me that once I found the woman I would court, I should introduce her to you... so..." He paused in a moment and turned to me. "Her." He smiled at me, mukhang nahiya pa kaya umiwas din agad siya ng tingin at muling tumitig sa lapida ng ina.

Hindi ako makapagsalita. I'm so speechless at all.

"She's a lovely woman, genuine, jolly, tough and gorgeous," he described me. Mahina kong hinampas ang braso niya dala ng kilig.

"Hindi naman halata na patay na patay ka sa akin," pang-aasar ko sa kanya at mahinang hinampas ang braso niya.

"Yes, I am." He smirked.

Parang tanga naman 'to! Hindi ko alam kung pinagtitripan niya na ba ako o ano. Mabilis pa naman ako kiligin sa kanya. Nanghihina ako, kailangan ko ng medic.

"Luh oh tita 'yong anak niyo!" pagsumbong ko. Madrama kong niyakap ang sarili ko at lumayo sa kanya kaya tinawanan niya ako.

I love seeing him smiling. I love seeing him happy and free with me. It's so overwhelming to be the reason of someone's happiness. Tumalon ako para maakbayan ko siya habang naglalakad kami pabalik sa kotse niya. Kinailangan niya pang yumuko nang konti dahil mas matangkad siya sa akin.

Nag-take out lang kami sa McDo at dumiretso sa condo niya para rito kainin dahil tanghali na rin. Hinubad ko ang sandals ko pagkapasok sa unit niya at inilapag ang bag ko sa sofa.

Kinuha ko roon sa paper bag ang in-order namin habang nagbibihis siya. Habang inilalabas ko ang foods ay may biglang kumatok sa pinto kaya mabilis akong naglakad para pagbuksan iyon.

My eyes slightly widened when I saw Taylor in front of me as I opened the door. Mukhang hindi niya rin ako inaasahang makita base sa reaksyon niya.

"Who's that?" Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Shadler. Bakas din ang gulat sa kanya nang makita si Taylor. "Oh, what brings you here?" tanong niya kaagad.

"I j-just want to give this. Peace offering. I sincerely apologise to you two.." Inaabot niya 'yong donut at tipid na ngumiti.

"Pasok ka muna kaya." Ngumiti ako sa kanya. Nilingon ko si Shadler para pakiramdaman siya. I just gave him an apologetic smile.

Pinaupo ko si Taylor sa sofa sa living room. Si Shadler naman ay nagpunta sa kusina dala 'yong donut. Umupo rin ako sa isa sa mga sofa para samahan siya. We were surrounded by silence for minutes. 

"Ellianna.." Lumingon ako sa kanya nang bigla siya magsalita.

"Bakit?" nakangiting tugon ko.

"U-uhm... sorry.." she said shyly while looking at the floor.

"Para saan?" I faked a laugh awkwardly

Nag-angat siya ng tingin sa akin at umusog para abutin ang kamay ko. Hinawakan niya iyon at pinisil. Nanatili akong tahimik.

Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon