Chapter 16

11 2 0
                                    

CHAPTER 16

"Grabe ka naman makapagsalita. Magkakasama pa rin tayong tatlo 'no!" sabi ko kay Andrae at mahina siyang tinulak.

Para naman kasi akong ikakasal sa sinabi niya! Matagal pa naman 'yon mangyayari. Ang seryoso rin niya, akala niya naman hindi na kami magkikita. Pero totoo rin naman 'yong sinabi niya na nasa mabuting kamay ako. I was just shocked because it seemed like there was a strange feeling within me that I couldn't explain.

"We won't always be together," dagdag niya pa.

"Kahit naman magkasarili tayong pamilya magkakaibigan pa rin tayo 'no!" Umirap ako.

"Tama!" pagsang-ayon ni Jade. "Walang bubuwag sa pamilyang 'to! Walang aalis!"

Mahinang tumawa si Andrae at napakamot sa ulo niya.

Nang magtanghalian ay magkakasama kaming kumain. Hindi sana sasama si Andrae kaso wala naman 'tong ibang close dito bukod sa amin ni Jade kaya nagi-guilty kami na iwanan! Kahit napilitan, sumama naman siya. Wala namang masama kung kasama namin siya. Kaibigan pa rin naman namin siya. Siguro kaya ayaw niya kasi magiging third wheel siya!

Sa karinderya na lang kami kumain. Kami lang ni Jade ang natira sa table dahil 'yong tatlong lalaki ang bumibili roon dahil baka maagawan kami ng table.

Napakunot ang noo ko kay Jade kasi nakahalumbaba lang siya sa lamesa at tulala. Hindi ko alam kung tulala o may tinititigan lang siya kaya sinundan ko ng tingin kung saan siya nakatingin. Mas lumalim ang kunot ko kasi nakatingin siya kay Andrae.

"Huy!" Pumitik ako sa harapan niya kaya nilingon niya ako. Hindi naman pala tulala kasi hindi siya nagkilos natauhan. "Tinitingin-tingin mo kay Andrae?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi mo ba napapansin? Pumayat talaga siya!" pagpupumilit niya.

"Napansin. Oh, e, ano naman ngayon?" Napangiwi ako.

"'Di ba sinabi ko sayo rati... diyan nagsimula ang Daddy ko tapos-"

"Huy, hindi naman siguro!" I immediately cut her off. "Mas payat pa rin nga jowa mo, e."

"Gago, 'di kasi ako nagbibiro!" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi naman siguro! Siguro diet lang. Hindi naman gaanong mapayat. Magkasing-katawan na lang sila ng bebe mo." Nilingon ko sila. Nag-uusap-usap sila at ang seseryoso ng mukha. 

"Iba 'yong likas na payat sa pumayat!"

"Oh, e, anong gusto mong sabihin ngayon?"

Natigilan siya. "W-wala." Umiling siya. "Baka nga nag-diet lang."

Hindi naman totally pumayat pero mapapansing bumawas nga ang timbang niya. Kinabahan na tuloy ako lalo na at naalala ko pa 'yong birthday message niya sa akin. Hindi ko pa siya natatanong tungkol doon. Medyo weird din, e.

"Hoy, wala nga 'yon! Ikaw naman nag-o-overthink ngayon!" Tumawa si Jade.

"Pilit ka kasi nang pilit, e!" padabog na sabi ko. "Nakita mo ba 'yong pinost ko sa IG? Oo nakita mo 'yon kasi nilike mo. 'Yong childhood picture namin ni Andrae na drawing niya."

"Anong meron doon?"

"May nakasulat kasi sa likod noon na message," sabi ko habang hinuhugot sa bulsa ko ang phone ko kasi pinicturan ko 'yon. "Hindi ko alam kung ayaw niya ba ipabasa o ano kasi noong binigay niya naman, wala siyang sinabi na may message pa pala sa likuran noon. Ito, oh." Ihinarap ko sa kanya ang phone ko para mabasa niya. Nagkatinginan kami nang matapos niyang basahin.

"What's up! Ano 'yan?" Napaayos kami ng upo ni Jade kasi papalapit na ang tatlo. "Hoy, ano 'yan? Kayo, ah!" nang-aakusang sabi ni Ran pagkaupo niya sa tabi ni Jade. Tinago ko na sa bulsa ko ang phone ko at ngumiti kay Shadler pagkaupo niya. Pasimple ko namang nilingon si Andrae na kaswal lang naman kumilos.

Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon