CHAPTER 6
"Parang tanga 'to!" Maharot kong hinampas ang braso niya. Alam niya talaga kung paano ako kukunin, e!
Napailing na lang s'ya at uminom ng tubig sa tumbler niya.
Kilig na kilig ako! Gusto ko sumigaw. Gusto ko tumili. Gusto ko nagpagulong-gulong kasi nabuhay ang pag-asa ako! S'ya na ang nagsabi na hindi 'yon imposible kaya hangga't wala siyang jowa, kampante at ok ako. Siguro madadala naman sa panglalandi. Gumana nga kay Jade, e! Mabibihag ko rin ang puso n'ya!
"Sure ka?" pangungulit ko dahil hindi ako makaget over.
"I'm just saying that it's not impossible, but the answer is still uncertain," pagpapaliwanag niya.
"Pero ano sa palagay mo?" I pursed my lips, waiting for his answer.
"I don't know." He sighed. "As I said, the answer is still uncertain. It is hard to tell as of now," he said, giving me even more optimism.
Jusko feel ko meron, e! Feel ko talaga. Malakas ang kutob ko! Feel ko nararamdaman niyang posible kaya hindi niya masagot ng oo at hindi! Ito 'yung sinasabing don't underestimate a woman's instinct. Madalas talaga nagkakatotoo kapag hinala ng babae kaya alam na this.
"I could sense what you were thinking." He glanced at me. "I just said it's not impossible, but that doesn't mean I'm hoping for something. Do you get it?"
"Oo na!" napasimangot ako.
Siguro nga huwag ko muna masyadong paasahin ang sarili ko dahil baka mabokya lang din ako sa huli. Sa ngayon focus na lang ako sa goal ko para mapatunayan ko na indii lang 'yon basta 'hindi imposibleng mangyari' kundi 'posible talagang mangyayari!'
"'Yung totoo, nauuncomfy ka ba minsan kasi hinaharot kita?" nahihiyang tanong ko.
"Not exactly uncomfortable, though. I just feel weird sometimes because it's the first time someone has done this to me." He shrugged.
"First time?! 'Wag nga ako!" Mahina kong hinampas ang braso niya.
Sa gwapo niyang 'to? First time? Alam kong hindi lang ako ang mauulol sa ganitong mukha kaya hindi ako maniniwala.
"I mean, some had already tried to entertain me, but after I made them clear I wasn't interested, they also stopped. Unlike you.."
"Wala ka bang ex? Ex-girlfriend or ex-flings ganoon?"
Umiling siya. "I don't have time for that."
"Weh? Kahit happy crush lang, wala?"
Umiling lang ulit siya.
"Weh?" pang-aakusa ko. "Totoo, kahit celebrity crush?"
"I don't even watch television."
Hindi lang ako makapaniwala. May tao pa palang kagaya n'ya? Mukha tuloy lumubog ulit ang pag-asa ko. Mukhang mahihirapan talaga akong pakagatin ang isang 'to.
"Weh?" Hindi pa rin ako makapaniwala. "Umamin ka na! Normal lang naman magka-crush 'no!"
"It's ok. I'm not forcing you to believe me, Ellianna."
Hala, kinilig ako nang banggitin niya ang pangalan ko! First time ko 'yun narinig sa kanya! 'Yung pag-pronounce niya sa pangalan ko parang bigatin na mahirap ma-reach. Tanginang boses 'yan, ang sexy.
"Kilala mo pala ako," I teased. "Isa pa nga."
"What?" He raised a brow.
"Sabihin mo ulit ang pangalan ko," tuwang-tuwang request ko. Napailing na lang s'ya at kinuha ang phone niya sa bulsa. "Damot," bulong ko.
BINABASA MO ANG
Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)
RomanceADOPTED SERIES #1 Shadler Trevor is an engineering student who places a high value on his education. Because of what happened to his parents, he doesn't believe in love, so he's more focused on graduating first. But everything changed when Ellianna...