Chapter 18

11 1 0
                                    

CHAPTER 18

"Official na! Kami na," pagchichika ko kay Jade at Andrae habang hinihintay ang sunod na prof sa next subject.

Mas nakakakilig na ngayon isipin kasi official na talaga. Biruin mo 'yon, nagpapapansin ka lang dati tapos ngayon may pinanghahawakan ka na. Totoo ngang kaharutan lang ang sangkap.

"Taray! Ang tagal no'n, ha!" Mahinang hinampas ni Jade ang braso ko.

"'Di naman. Sadyang mas mabilis mo lang sinagot si Ran." Napairap ako.

"Edi wow! Pero anyway, congrats! Sana legit na 'yan!" Tumawa s'ya.

"Legit na 'to! Siguradong-sigurado ako," determinadong sabi ko.

Gagi, hindi ko na 'to papakawalan. I could already picture my future with him. Ramdam kong siya na talaga.

"Congrats," sabi rin ni Andrae. "I'm happy for both of you."

"Galaw-galaw ka kasi ro'n kay Alivia," bulong ko dahil baka may makarinig sa amin.

"We're just good friends." He shook his head.

"Mukhang type ka, e, 'di ba?" Nilingon ko si Jade at tumango siya. Napangiwi na lang si Andrae at muling napailing.

Ewan ko ba rito kung bakit mukhang walang-wala talaga siyang plano mag-girlfriend. Ideal pa naman siya, not gonna lie. Siguro parang katulad siya ni Shadler, wala rin namang plano 'yon dati, e, pero dumating ako. Siguro hindi pa lang din dumadating ang the one niya o 'di kaya nand'yan na pero hindi niya pa lang makita. Maybe it's time that will tell.

Naging parte na ng routine ko na bago umuwi sa bahay ay pupunta ako sa condo unit ni Shadler dahil ito na lang din ang time na makakasama ko siya. Kahit na kung makakasama man kami ay pag-aaral pa rin ang gagawin namin. As long as we are still students, studies are still our top priority. We rarely get to see each other at school because we are both busy, especially because finals are coming up in a month, but that's okay because we are not doing this for nothing. It's for our future.

Napatigil ako sa ginagawa kong plates at ganoon na lang din si Shadler nang tumunog ang phone ko. Feel ko ito na 'yong inorder kong foods. Busy kasi kami pareho kaya hindi na kami makapagluto. Nagkatinginan pa kami bago ko 'yon tiningnan at hindi nga ako nagkakamali. Kinuha ko ang wallet ko sa bag ko kaya kumunot ang noo niya. Iniwan ko muna siya roon at dali-daling bumaba dahil nasa lobby na raw.

"Thank you!" sabi ko sa driver nang matanggap ko ang foods at makapagbayad. Dali-dali ulit akong umakyat para makakain na ang bebe ko. Saktong pagbukas ng elevator ay nagulat ako nang makita si Shadler, pero agad din akong lumabas para lapitan siya. "Pasaan ka?"

"I would follow you. You just leave suddenly." Bumaba ang tingin niya sa hawak ko.

"Kinuha ko lang 'to." Bahagya akong natawa. Umakbay siya sa akin at bumalik na kami sa unit niya. "Kain ka muna," sabi ko kay Shadler pagkarating namin.

Naglakad ako papunta sa kusina. Inilabas ko sa paper bag 'yong in-order ko na para sa kanya lang talaga. Sa bahay na ako kakain dahil paniguradong hinihintay ako nina Mommy. Mas busy kasi siya sa akin.

"Isa lang?" tanong niya pagkaupo. Hindi ako sumagot dahil alam kong kapag sinabi kong oo ay hindi siya papayag. "Hey, why didn't you buy one for yourself too?"

"Kumain ka. Ok lang ako. Sa bahay na ako kakain." I gave him a smile to assure him.

Magsasalita pa sana siya pero tinapat ko sa bibig niya 'yong chicken joy kaya sinamaan niya ako ng tingin. Wala naman siyang nagawa kundi kumain na lang. Humalumbaba ako sa lamesa habang nakatitig sa kanya. Mukha tuloy siyang nahihiyang ngumuya.

Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon