CHAPTER 3
"Ano 'yon monthsary?" I grumpily whispered while combing my hair.
Naghahanda na ako dahil baka dumating na si Jade maya-maya pa. Napuyat pa ako dahil sa nakita ko kagabi. Kasasabi lang na magkaibigan lang sila tapos makikita ko 'yon! Ano 'yon? Lokohan?
Bakit ba kasi tiningnan ko pa? Pati kung sila nga, dapat iuncrush ko na siya nang tuluyan. Ayokong kumabit. Dami dami pa d'yang lalaki, bakit pipiliin ko makihati? Ganda kong 'to. Magchecheck nga ako mamaya sa message request ko sa IG.
I wore ripped jeans with a plain blouse and sandals. My blouse was tucked into my jeans. Magiging third wheel lang naman ako, e. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa akong kasama. Para may photographer sila ganoon? Ayos din, e. Nice idea, kesa naman sa manghihila pa sila ng kung sino-sino para lang picturan sila.
Nag-apply ako ng konting make up kasi baka may mahanap akong new crush. Kinulot ko rin ang buhok ko para kabog. Habang kinakabit ko ang hikaw ko ay biglang nag-ring ang phone ko. Agad ko naman 'yon sinagot nang mailagay ko 'yong hikaw ko.
"On the way na ako. Bumaba ka na, ha, para hindi na ako pumasok d'yan. Bye." Binaba agad ni Jade ang tawag. Magsasalita pa sana ako!
Nagpabango lang ako at bumaba na rin. Dinala ko 'yong palagi kong dala na sling bag para may lalagyan ako ng wallet at phone. Hindi rin naman ako naghintay sa kanya nang matagal kasi pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na siya.
I arched an eyebrow at her outfit as I sat in the shotgun seat. Taray, naka-dress si bakla! Sleeve off shoulder fitted dress iyon. Halatang pinaghandaan, ah. Naka-messy bun ang buhok niya tapos may make up rin.
"Baka mabalis ka, ha," natatawang biro ko habang nilalagay ang seatbelt.
"Huwag mong sirain ang mood ko!"
"Saan ba kasi tayo?" tanong ko habang nagmamaneho na siya.
"Tagaytay picnic grove!" excited na sagot niya.
"Doon na ba kayo magkikita?" tanong ko ulit.
"Yep."
Umirap ako at sumandal sa upuan para umidlip. Malayo pa naman kami, pati inaantok ako kasi puyat nga ako. 5 AM na ako natulog tapos ginising ako ng 7 AM tapos natulog ulit ako ng 8 AM pero gumising ako ng 10 AM para makapaghanda para rito. Mamaya baka si San Pedro na ang kaharap ko.
"Hoy! Gising, hoy!" Inalog-alog ako ni Jade. "Hoy, gising!"
"Oo, gising na punyeta malulula ako sayo," inis na sabi ko. Bumaba na siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Chineck ko lang saglit ang mukha ko sa salamin at nagretouch saka bumaba. Inirapan ko pa siya nang madaanan ko siya. "Oh, nasan ka meet up mo?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Malapit na raw sila," sagot niya habang nakatingin sa phone niya. Pero ano raw? Sila?
"Sila?" naguguluhang tanong ko pero tinawanan niya lang ako. Baka naman kasama niya ang tropa niya, ah? Edi wala pala talaga akong ganap dito? Taga-sanaol na lang siguro.
"Oh, ayan na pala sila."
Napalingon ako sa likuran namin. I slightly widened my eyes in shock. Si parking lot boy ay tumaas ang isang kilay na parang hindi kami inaasahan dito tapos itong crush ng kaibigan ko ay abot sa langit ang ngiti. Naglalakad sila papalapit sa amin. Plinano siguro nila 'to! Hinanap ko sa likuran nila 'yong tropa nilang babae pero wala?
I turned my gaze to Jade. There was a trace of threat in my gaze but she just smiled at me and made a peace sign. Sarap niya itulak! Kaya siguro sinasabi niya na magdamit ako nang maayos. Oo, maayos ang suot ko pero kung alam ko na nand'yan siya sana nag-gown nga ako! Char.
BINABASA MO ANG
Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)
Storie d'amoreADOPTED SERIES #1 Shadler Trevor is an engineering student who places a high value on his education. Because of what happened to his parents, he doesn't believe in love, so he's more focused on graduating first. But everything changed when Ellianna...