Chapter 11

28 2 0
                                    

CHAPTER 11

"Happy Birthday!"

Napalingon ako kay Zin na pumasok sa entrance door. Nagsusuot ako ng heels ko.

"Salamat! Ganda mo d'yan. D'yan ka na lang, ah," pang-aasar ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. She had the urge to throw her sling bag at me.

"Pasalamat ka birthday mo!" sabi niya kaya natawa ako.

Napalingon kami ni Zin nang may marinig na tunog ng heels sa hagdan. Bumaba si Farrah na nakasuot ng high waisted jeans tapos blouse. Naka-messy bun ang buhok niya. Kahit wala siyang make up ay litaw pa rin ang ganda niya.

"Wow ate ang ganda mo!" pamumuri ni Zin pero hindi siya pinansin ng kapatid at dire-diretso lang lumabas. "Sungit!" bulong niya kaya sabay kaming natawa.

I also went outside and went to the backyard to welcome my guests. Ang daming bisita na hindi ko naman kilala, siguro in-invite nina Mommy at Daddy. May mga pumunta ring kaklase ko. Binabati nila ako at inaabutan ng regalo. Nilagay ko ang mga 'yon sa table sa unahan. Buti napakiusapan ko si Mommy na huwag na ako lagyan ng chair sa unahan dahil ayoko mag-sitting pretty doon. Hindi ko naman na debut!

Napatingin ako sa phone ko na hawak ko nang marinig na tumunog 'yon. Nagtext si Jade sa akin na malapit na raw siya.

"Hi, Tita!" Tumayo ako at bumeso kay Tita Zorell nang makita ko siya na kadadating lang. Ibinigay niya sa akin 'yong medium size box na regalo n'ya.

"Happy birthday, Ellianna!" Niyakap n'ya ako at nakipagbeso.

"Thank you, Tita," nakangiting sabi ko nang humiwalay s'ya sa akin.

"Si Jade, malapit na 'yon."

"Opo, nagtext po siya sa akin. Enjoy, Tita! Thank you for coming!" sabi ko bago siya umupo sa bakanteng pwesto. Saglit muna akong umupo sa dulo kasi ang sakit na ng paa ko.

Nagbisita ako ng messenger ko para tingnan kung online si Shadler. 30 minutes ago siyang online. Ichinat ko naman sa kanya kaninang umaga ang address ko. Sineen niya lang! Wala siyang sinabi kung matutuloy ba siya sa pagpunta. Hindi ko naman tinanong. Ayoko namang pilitin kung hindi man.

"Boo!"

"Puke mo!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Buti na lang at malakas ang sound at nasa dulo ako kaya walang nakarinig sa akin. "Siraulo ka!" Mahina kong hinila ang buhok ni Jade at hinampas ang braso niya.

"Gago, 'wag mo guluhin ponytail ko!" reklamo niya at umupo sa tabi ko. "Oh, ito gifts. Itong isa, sa amin ni Ran tapos ito galing kay Kuya." Ngumisi siya. Feel ko accessories 'yong kay Kuya Wren base pa lang sa laki ng kahon.

"Thank you. Chat ko na lang s'ya. Nakaalis na 'yon, 'no?"

"Oo!"

Nagpunta ako sa IG para i-dm si Kuya Wren at nagpasalamat. Hindi s'ya active kaya hindi niya agad pa nabasa.

"Pupunta ba si Ran?" tanong ko kay Jade.

"Ang alam ko pupunta!" parang kinilig pa s'ya. Parang kinilig din ako kasi baka sabay na sila ni Shadler.

Unti-unti nang dumadami ang tao. Tinawag ako ng emcee sa unahan para pasalamatan ang mga pumunta at pagkatapos ay tinawag ang pamilya ko para sa family picture.

After the family picture, each of them gave me a birthday message. Alam ko talagang maiiyak ako kaya pinaghandaan ko na. Waterproof ang ginamit kong mascara! They also have their own gifts for me. Matapos nilang magbigay ng mensahe ay nagsimula na ang kainan. Marami pa rin ang dumadating na bisita. Mabuti na lang at malawak ang backyard kaya malawak ang space.

Amid the Endless Stars (Adopted Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon