TRIP 5

1.8K 47 3
                                    

[HER POV]

----flashback----

Text conversation 

Janiel: hi!

Me: oh bakit pink?

Janiel: hindi to si janiel. Si Mark to!

Me: ahh! Hehe. Bakit?

Janiel: invite lang kita sa gig namin. Birthday ko kasi yun eh.

Me: kelan naman yun?

Janiel: Jan. 19

Napaisip ako. hindi muna ako nagreply dahil tiningnan ko muna sa calendar sa cellphone ko kung anong date yung January 19. Baka kasi may masagasaan na major subject. Di ko pa naman ugaling umabsent.

January 19, Thursday

Paano na? Gusto ko siyang makita pero masasagasaan yung subject kung saan yung Professor namin is yung crush ko. Sayang naman yun. Pero sayang din naman, hindi ko makikita si Mark.

Me: may pasok kasi kami nun eh.

Janiel: oh sige. After school nalang. Diretso ka nalang sa bahay.

Hala! Gusto ko talagang pumunta kaso nine na ng gabi yung uwian namin. Tapos hindi ko pa alam kung saang lupalop yung bahay nila. Baka mamaya maligaw pa ako eh.

Natatakot ako kapag mag-isa lang.

Me: 9 pa uwian namin eh.

Labag man sa kalooban ko ang pagtanggi ko pero wala naman akong magagawa. Hindi ako natatakot magbyahe kahit hindi ko alam ang pupuntahan ko, basta umaga o may araw. Ibang usapan na yung gabi. Delikado pa naman ang magpagala gala ang magandang dilag na katulad ko. Hehe.

Janiel: sige! Wag nalang!

Me: try ko nalang.

Hay naku. Kasi naman eh.

Bakit Thursday pa. Gusto kong pumunta eh. Gusto ko siyang makita.

Hindi na siya nagreply kaya tinext ko nalang si Pink.

Me: ui Pink.

Janiel: oh kamusta naman ang pagkakatext niyo?

Me: ok naman. Ay hindi pala. Kasi ininvite niya ako sa gig nila sa birthday niya.

Janiel: di nga? Hindi ko alam na may gig sila ahh. Wala siyang sinasabi sakin. Kaw pink ha?

Me: oh bakit? Hehe. sa birthday daw niya eh. Paano yan? May pasok ako eh tapos gang 9 pa uwian namin.

Janiel: yun lang. sayang naman. Minsan lang yung mang-invite eh. Baka hindi na yan maulit. Mahihiya na yung yayain ka.

Wahh! Lalo na akong nanlumo sa nabasa kong text ni Pink.

Aabsent ba ako?

Pero...

Ehh..

----EndOfFlashback----

Napabuntong hininga ako nang maalala ko yun.

Nanghihinayang pa rin kasi ako hanggang ngayon eh. Ilang months na kasing nakakalipas pero hindi ko pa rin siya nakakakita.

Sayang yung pagkakataon noh?

Pero baka hindi pa lang talaga kami magkikita kaya ganun.

“Hoy makabuntong hininga ka diyan ahh. Ang lalim.” Puna sakin si Sy.

RelationTRIP turn to RelationSHIP?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon