[HER POV]
"Waeyo?" [Bakit?] tanong ko.
Pero di pa rin siya nagsasalita kaya nakatingin lang ako sa kanya habang iniintay siyang magsalita. Itinaas ko na nga yung isang kilay ko para tanungin kung bakit siya nananahimik.
Kahit magkalapit ang mukha namin ay hindi ako naiilang kaya di ko manlang inaalis ang pagkakatingin sa kanya. Ang weird kasi, bigla nalang tumtahimik.
Palapit ng palapit ang mukha nya samantalang ako ay parang wala lang.
Inilapit nya ng sobrang lapit na halos magkapalit na kami ng mukha ng bumulong siya.
"Babae ka ba talaga?"
Toinks! Akala ko kung anong ibubulong nya. Lumayo ako sa kanya at nakapameywang na humarap sa kanya.
"Lalaki ako Tian. Lalaki ako. Obvious naman di ba mas pogi pa nga ako sayo." asar din tong isang to eh.
Lumapit na naman siya sakin at inilapit na naman nya ang mukha nya sa mukha ko.
"Hindi ka kasi nagrereact kahit ganito ang position natin."
"eto bang magkalapit ang mukha natin?" tanong ko at mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa kanya. "di nga kasi tayo talo. Walang malisya sakin kahit pa magtabi tayo sa pagtulog."
Napahawak siya sa batok nya at umayos ng pagkakatayo.
"Siguro lesbian ka."
"Batukan kita dyan gusto mo?" banta ko sa kanya. Mas gusto ko pang tawaging lalaki kesa lesbian.
"Hehe. To naman di na mabiro. Oh siya, uwi na ako para makapagpahinga ka naman." sabi nya at nagsumakay na sa motorcycle niya.
"Ingat ka sa pagdadrive."
"para sayo Ma Love mag-iingat ako." sabi niya at nagwinked pa ang loko.
__
Nakahiga na ako sa kwarto. Ang saya lang ng araw na to. Nakita ko si boyfie sa malapitan tapos nakita ko pa si Christian.
Akala ko nadedo na yang Christian na yan eh. Ni ha ni ho wala akong narinig sa kanya tapos bigla bigla ko nalang siyang makikita? This day is so great!!
"pero.." napaupo ako sa kama ko. "Bakit hindi ako nakilala ni boyfie? Alam ko namang hindi ako photogenic sa mga pictures ko sa facebook pero mukha ko pa rin yun. Tapos sabi pa nga nya kamukha ko si Carly Rae eh."
Napahiga tuloy ulit ako sa kama at tumingin ng diretso sa kisame.
"Baka dahil madilim." napaupo ulit ako sa kama ko. "Tama! Dahil yun sa madilim kaya di nya ako mamukhaan."
Humiga ulit ako at tumagilid. Kinuha ko yung isang unan at niyakap.
"Pero nakita ko naman siya kahit madilim. eh malabo ang mata ko sa lagay na yun" napanguso na lang ako.
Bahala na kung nakilala nya ako o hindi. Basta nakilala ko siya at napagmasdan ko siya.
Masaya na ako dun. Wehehe! Marami pa naman pagkakataon para makilala niya ako at kung hindi man nya ako makilala ay magpapakilala ako.
I swear! Paramis! Itaga mo pa yan sa bato!
Beep*
Narinig kong nagbeep ang cellphone kaya tumayo ako at kinuha yung pouch na dala dala ko kanina. Kinapa kapa ko sa loob yung cellphone ko. Nang hindi ko makapa ay itinaktak ko ang laman sa may studx table ko.
BINABASA MO ANG
RelationTRIP turn to RelationSHIP?
Teen Fiction[COMPLETED] they started being IN A RELATIONSHIP in facebook..they both agree of having a relationship in that social networking site. And they both know that it is only TRIP. They don't have commitment. but then .. umaasa si girl na ang isang relat...