TRIP 29

1.2K 24 1
                                    

si DREW yung nasa multimedia section :D

--------------------

[HER POV] 

 

Saturday ngayon at wala akong magawa. Nakahiga lang ako sa kama ko habang hawak hawak ang cellphone ko. Nag-e-scroll lang ako ng mga contacts. Nagbabakasaking may mahanap akong hidden numbers. Dumapa ako dahil nangangalay na ang kamay ko sa paghawak ng cellphone. 

 

"Sana may magyayang gumala ngayon. Kahit dun lang sa bar kung saan nagpeperform si Boyfie." bulong ko. 

Gusto ko nang makita ulit si boyfie. It's been a week or two and I miss him so bad. Kahit nakakota na ako sa kanya ng two straight days na katext ko siya. Minsan lang mangyari yun. Lahat ng conversation namin hindi ko binubura. Yun na lang kasi ang proof na nakakatext ko siya. Yun na lang ang binabasa ko kapag namimiss ko siya. 

Beep 

Nagulat ako ng marinig kong nagbeep ang cellphone ko. Naihagis ko pa ang cellphone. Sobrang tahimik kasi sa kwarto ko. 

 

Diane: tara gala. Dun uli sa maraming pogi :D GM. 

 

Me: wer? 

 

Diane: playground. Sama ka. 

 

Me: maglalaro? 

 

Diane: haha! Dun sa bar na pinuntahan natin dati. Remember? 

Nabuhayan ako ng dugo sa nabasa ko. Napaupo ako sa kama ko at nagsimulang magtype ng irereply. 

 

Me: sure! Wat time? 

 

Diane: 6 .. Dun uli sa waiting place ha? Don't be late. 

 

Me: sure ^__^ 

Nang maisend ko na yun ay nagmamadali ako pumunta ng banyo para maligo. Nang matapos na akong maligo ay binuksan ko ang closet ko at naghanap ng maayos-ayos na isusuot. Ayaw kong humarap kay boyfie na parang ewan ang suot. 

Napakamot ako sa ulo ko ng wala akong mapiling damit. Sa sobrang mapili ko sa damit nagtitiis ako sa tshirt at short. Yung iba kong damit ay napag-intiresan na ng kapatid ko at inangkin na nya. Ang dahilan nya? Hindi ko daw isinusuot. 

May nahagip ang mata ko na medyo glitters na black sleeveless na top. Kinuha ko yun at inihagis sa kama. Naghanap naman ako ng pangdoble dun. Alam ko mayron akong black na pangdoble sa mga sleeveless. 

 

"Found ya!" nasambit ko ng makita ko yun sa pinakailalim. 

 

"short na lang ako. Kahit naman maliit lang ako ay makinis naman balat ko." 

RelationTRIP turn to RelationSHIP?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon