TRIP 1

4.2K 66 4
                                    

[HER POV]

"Woi! Gusto mong makita ang boyfie ko?" tanong ko kay Sy habang hawak hawak ko ang cellphone ko. Name niya talaga is Daisy. Classmate ko this year. Classmate ko rin siya nung mga nakaraang sem. Dalawa lang kaming magkasama this semester dahil nahiwalay kami ng section sa mga friends namin. Ewan ko ba kung bakit nahiwalay kami. Nakakasawa na nga ang pagmumukha niyan. Haha. Choss lang.

Pero seryoso. Okay na rin na kami lang dalawa magkasama. Kami lang nagkakaintindihan eh. Kahit sa mga kalokohan. Kahit sa mga crushie pero mas grabe siya sa crushness.

Ay naku!

Speaking of crush. Andami niyang crush. Pero hanggang crush lang yan hindi pa yan nagkakaboyfriend. Ako, nagkaboyfriend na eh. Isa lang naman at ang pangit ng aking karanasan sa aking first love. Balik tayo kay Sy (ayokong pag-usapan ang love life ko na tapos na), over yang kiligin sa mga crush niyan. Halos mamaga nga ang braso ko dahil sa mga pahampas-hampas niya kapag nakikita niya yung crush niya.

Buti nga ngayon, nagbago na eh. Pinipigilan na niyang maghampas. Ako naman tong nanghahamapas sa braso niya o kaya nasasabunutan ko siya kapag napag-uusapan namin yung mga crush namin. Nakiki-share ako ng crush eh. Di naman niya maangkin ang mga crush niya dahil it's either, hindi niya kilala o kaya nakita niya lang na dumadaan sa hallway ng building.

Ako naman si Chelsea Love. College student. Mahirap lang ako. haha. So poor. Pareho lang kami kaya medyo kuripot kami pero mas kuripot yang si Sy. Kahit piso ang utang namin sa isa nagsisingilan kami. Yung ultimong pinang-paxerox lang ng aming mga notes, binabayaran namin kung sino man ang nagpauna ng bayad samin. Every peso counts daw eh.

Nandito pala kami sa Mall ni Sy. Wala kasi kaming klase ngayon dahil absent si Prof kaya niyaya ko si Sy na magmall nalang. Kakatapos ko lang kumain ng ice cream na dahilan ng pagyayaya ko sa kanya dito sa Mall. Gusto ko kasi yung Brownie Ala Mode na yun eh.

Sarap nun! Kahit wala kaming masyadong pera, nakakabili pa rin kami nun. Thirty lang naman yun pero yung thirty na yun, malaki na para samin. Pero dahil minsan lang naman kaming makapag-Mall kaya gorabels na. Lagi kasing may pang-gabi kami kaya no time for malling.

"Sige. Hindi ko yan natitingnan eh," sagot naman niya. Di pa siya tapos sa ice cream niya. Inuubo pa siya ngayon pero pinilit ko lang siyang mag-ice cream. Gamot yun eh. Hahaha!

"Wait lang, iko-connect ko lang sa wifi." May wifi ang cellphone ko. Ito nga ang ginagamit ko kapag nagfefacebook ako. Hindi ako gumagamit ng computer dahil wala kami nun at ayaw ko namang pumunta sa mga internet cafe. Kahit naman mahirap ako may wifi ang cellphone ko. Hehe. Bigay lang yun eh.

"Okay."

"Oo pala, may new upload siyang photo kasama ang mga friends niya. Pero hindi ko pa natitingnan." Hindi ko naman talaga tinitingnan profile ni boyfie. Nakita ko lang sa news feed na may new upload siya.

"Oh? Gwapo ba mga friends niya?"

Napa-isip ako. Di ko kasi masyadong nakita yung photo. Ako kasi yung tipo ng taong di pinapansin ang mga picture na ina-upload ng mga friends ko sa facebook dahil opera mini ang gamit kong browser. "Siguro, tingnan mo nalang oh!" binigay ko sa kanya ang cellphone ko.

"Alin dito ang boyfie mo?"

"Yung may white headset. Bawal ng pagpantasyahan yan. Akin na yan. Hahaha!"

"Etong mukhang babae? Hindi ko type ang ganyan. Yung katabi niya ang gusto ko."

Tiningnan ko kung sino ang tinutukoy niya, "hindi ko rin naman type yang gusto mo." Si boyfie lang ang gusto ko wala ng iba. Kahit pa sabihing tumingin ako sa mas gwapo, si boyfie lang ang gusto ko wala ng iba.

RelationTRIP turn to RelationSHIP?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon