TRIP 24

1.2K 31 3
                                    

[HER POV] 

Umalis na rin si Christian sa bahay. Ini-off ko na yung laptop ko at humiga sa kama. Matutulog ulit ako. Wala namang pasok bukas eh. Kinapa ko yung cellphone ko sa ulunan ko. 

Bakit wala akong makapa? 

Dumapa ako at tiningnan ang ulunan ko pero wala ngang cellphone dun. 

"Aist! Si Christian!!" napaupo ako. Hindi ko nga pala nakuha kanina. 

Nakalimutan na rin nya siguro. 

Humiga na lang ulit ako. Tulog na lang ako. Paano kaya kung magtext si boyfie? Tss! Di naman siguro yun magtetext.

Nakatingin ako sa glow-in-the-dark sa may ceiling ng room ko. Si boyfie ko kasi tinutukoy ko nung napag-usapan namin yun ni Christian. Parang gusto ko na ring basahin yung fist and lipstick.

____________

[CHRISTIAN'S POV] 

Nandito na ako sa bahay. Pabagsak akong humiga sa kama ko. Nakatingin ako sa kisame. 

"Makabili nga rin ng glow-in-the-dark star para..." napangiti ako sa naisip ko. "Para kunwari nasa iisang room kami." 

Hindi mawala-wala ang pagkakangiti ko. Ang saya dahil nakatabi ko sa pagtulog si Love. 

*Beep 

Napakunot noo ako. May nagtext ba sakin? Pero nakasilent mode ang cellphone ko. 

Tumayo ako at pumunta sa study table ko. Binuksan yung drawer. Dun ko yun nilagay kanina bago ako pumunta sa bahay nila Love. Kinuha ko yung phone ko. Wala naman akong mensaheng nakita. 

"Nevermind." sabi ko nalang at hinubad ko na yung pantalon at damit ko. Magshashower nalang ako. Di na rin naman ako makakatulog dahil nakadami na ako ng tulog sa kwarto ni Love. 

Kapag naiisip ko na nakatabi ko si Love sa iisang kama. Parang may kumikiliti sakin kaya napapatawa na lang ako o kaya napapangiti. 

Kinikilig ba ang tawag nun? 

Haha! Basta! 

Hinayaan ko lang na nakakalat ang damit at pantalon ko. Pumunta na akong banyo at naligo. Nang matapos na akong maligo ay lumabas na ako ng banyo ng nakatapis lang sa pambaba. Natisod ko pa yung nakakalat kong damit. Pinulot ko iyon at may nahulog. 

"Ha?" 

Kinuha ko yung black rectangular thing. 

"Cellphone?" nabatukan ko ang sarili. Oo nga pala! Ibinulsa ko itong cellphone ni Love kanina noong pinagtitripan ko siya. Hindi ko pala naibigay kanina. 

Ipinatong ko muna ang cellphone ni Love sa may bedside table. 

Kumuha muna ako ng boxer short at isinuot iyon. Humiga ako sa kama at kinapa yung cellphone na pinatong ko kanina sa side table. 

"She really loved pink." sambit ko. 

Kinalikot ko ang bawat sulok ng cellphone ni Love. Buti na nga lang at walang password. 

"Hindi talaga mahilig magpicture taking si Love." 

Wala akong nakitang mga pictures nya. Puro pictures lang ng pamangkin nya yun mga nakasaved. Pumunta naman ako sa inbox nya. Sa kanya pala yung nagtext kanina.  Nang maopen ko na ang inbox ay umasim ang mukha ko sa nakita ko. Yung kasiyahan ko kanina ay nawala lahat. Yung energy ko ay nadrain. 

RelationTRIP turn to RelationSHIP?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon