[CHRISTIAN'S POV]
Ang tagal namang lumabas sa cr ni Love. Ano naman kayang ginagawa nun? Nagbabawas siguro hehe. Kaya di siya makagalaw kanina haha!
Ang totoo nyan, ayokong mag-isip na may gusto si Love dun sa nakabunggo nya kanina kahit napaka-obvious naman. Sasaktan ko lang ang sarili ko kung iisipin ko yun.
May lihim akong pagtatangi kay Love. Kaya nga Love tawag ko sa kanya. Hehe! Dinadaan ko lang sa biro at pagpapaka-OA ang lahat para di obvious. Kahit naman gustong gusto kong sabihin sa kanya di maaari dahil may posibilidad na masira ang friendship namin. Obvious naman na hanggang kaibigan lang turing nya sakin.
So, why risk the friendship?
Simula nung umalis ako papuntang Korea. Pinutol ko ang communication ko sa kanya. Sinadya ko yun para sa ikakabuti ko rin ng hindi nya nalalaman.
Noong una kong malaman na maninirahan na kami sa Korea dahil sa trabaho ng Papa ko ay di ako sumang-ayon. Sabi ko nga noon na magpapaiwan nalang ako. Ayoko kasing iwan si Chelsea. Ang taray kasi ng babaeng yan kaya konti lang nakikipagkaibigan. Kaya kapag umalis ako, baka malungkot siya dahil wala na siyang nakakasama. Tapos may malas din yang kasa-kasama. Pero yung kamalasan nya ay hindi siya yung napapahamak kundi yung taong malapit sa kanya. Unfortunately ako yung lagi nyang kasama. Kaya ako lagi ang nadadapa, natatapunan ng kung anu-ano, nadudulas, nahuhulog sa kanal at marami pang iba. Ang dami para imention. Kaya kapag umuuwi ako sa bahay ay ganito lagi ang sinasabi sakin.
"Ano ka bang bata ka! Kalalaki mong tao ay ang lampa lampa mo. Kung hindi putik ang dumi ng damit mo ay amoy kanal ka o kaya ay spaghetti! Libre ang mag-ingat baka hindi mo alam!" yang lagi sinesermun sakin. Memorize ko na nga eh.
Sasagot naman ako ng ganito.
"Si Chelsea kasi lagi nalang sakin pinupunta ang kamalasan nya." Chelsea pa tawag ko sa kanya noon.
Eto naman sagot nila.
"Dinamay mo pa yung walang kamalay-malay na bata! Ikaw talagang bata ka! Ito lang pakatandaan mo! Pag-iingatan mo yang salamin mo at wala tayong pampaayos nyan kaya bawas-bawasan mo ang kalampahan mong bata ka!"
Pareho kaming nakasalamin ni Chelsea noon pero ngayon wala na.
Noong maghighschool kme at habang tumatagal na kasama ko siya ay nahuhulog ako sa kanya. May naramdaman akong sakit sa puso ko ng makita kong may kausap na lalaki si Love. Di ko na nacontrol ang sarili ko noon kaya nilapitan ko agad si Love at hinila palayo dun sa lalaki.
"Anong problema mo at bigla ka nalang nanghihila?" nagtataka noong tanong sakin ni Love. "Ang sakit ha?"
"Wala lang, gusto lang kitang hilahin hehe." palusot ko.
“Baliw ka talaga!” sabay batok sakin.
Simula noon nagpapahiwatig na ako na may gusto ako sa kanya sa pamamagitan ng pagbibiro pero ang manhid nya. Kaya noong umalis na kami paKorea ay di na ako nagpaalam sa kanya.
Ayokong makita na malungkot siya pero mas lalong ayokong makita na mas masaya siya na aalis ako. Na makita na wala siyang pakialam na aalis na ako.
Masakit yun. Ayokong torturing ang aking pusong nagsusumamo na mabigyan ng kahit konting pagtingin.
Noong bumalik kami dito sa Pilipinas ay akala ko wala na tong nararamdam ko. Nagkagirlfriend na nga ako ng ilang beses sa Korea.
Pero nang makita ko siya kanina na parang walang makita at kakapa-kapa sa paligid nya ay parang instant noodles sa pagka-instant na bumalik lahat ng nararamdaman ko sa kanya na akala ko ay wala na. Na akala ko ay nakalimutan ko na.
BINABASA MO ANG
RelationTRIP turn to RelationSHIP?
Novela Juvenil[COMPLETED] they started being IN A RELATIONSHIP in facebook..they both agree of having a relationship in that social networking site. And they both know that it is only TRIP. They don't have commitment. but then .. umaasa si girl na ang isang relat...