TRIP 31

1.2K 30 9
                                    

[HER POV]

"Chelsea?" 

Napalingon ako dun sa tumawag na papalapit sakin. Automatic napako ang paningin ko sa kanya. Hindi ko rin maiwasan na hindi mapanganga.  

Nang nasa tapat ko na siya ay tumigil siya at ngumiti. "You're Chelsea?" 

"Hoy Pink, Chelsea, pasok ka na dito. Wag ka ng mahiya!" sigaw ni Janiel galing sa loob ng room. 

Bigla akong natauhan sa pagtawag sakin ni Pink. Muntik na akong magmukhang parang ewan sa harap ni boyfie. Tama! Si boyfie nga yung tumawag sakin and take note, he called me. So, nakilala nya ako. 

Oh my! Oh my! Parang biglang uminit. 

"Oh!" nasa pinto na pala si Janiel, "Loko, andyan ka lang pala." ng mapansin nya si Boyfie sa harap ko. 

"Hey?" bati ni Drew at ginulo ang buhok ni Janiel. 

Sumimangot naman si Janiel habang inaayos ng dalawang kamay ang buhok nya. 

"Pink, tara na sa loob." sabi nya sakin at hinila na nya ako. 

Napatingin na lang ako kay Boyfie na nakangiti sakin. Feeling ko nag-e-slow motion ang bawat galaw nya. 

"Pwede makigamit ng cr?" tanong ni Chelsea dun sa babae na vocalist ng Swifty Rock. 

"Sige lang." sagot ng girl vocalist at tinuro lang yung cr. 

Hinila lang ako ni Janiel at para akong sira na nagpapatangay lang. 

"Oh ayan, pink. Cr ka na muna at baka magkalat ka pa dito." She laughed on her joke. 

Pumasok na lang ako para pakalmahin ang sarili ko. Umupo ako dun sa bowl at pinaypayan ang sarili ko gamit ang kamay ko. 

Sobra na kasi tong nangyayari. Sumama lang naman ako dito para makita si Boyfie hindi para magpakita sa kanya. 

I'm not prepared, you know? Matagal pa dapat ako magpapakita kay boyfriend eh. Kapag totoo ko na syang boyfriend. Kapag alam na nya na boyfriend ko siya at girlfriend nya ako. Yung mahal na nya ako at alam nyang mahal ko siya. At kapag maganda na talaga ako!

Hindi yung ganito na ni excitement wala atang nararamdaman na makita ako ni Boyfie. Napatakip ang dalawa kong kamay sa buong mukha ko at isinuklay sa buhok ko. 

Magustuhan nya ba ako sa lagay na to? 

Tumayo ako at tumingin sa salamin. Di naman ako kapangitan. Maganda naman ako eh. 

Lumapit na ako sa pinto para lumabas. Nang hawakan ko na yung doorknob ay bigla na naman akong kinabahan. Alam ko na kasi na pagbukas ko ng pinto ay sasalubong ang gwapong mukha ni Boyfie. 

Huminga muna ako ng malalim bago ko dahan dahang binuksan ang pinto. 

Nakatungo akong lumabas ng banyo. 

"Oi Chelse, parang di naman tayo magkakilala nyang kung iignore mo ako." 

Nagulat pa ako ng may magsalita sa tabi ko. Tiningnan ko yung nagsalita at si Boyfie pala. 

"B-boy--" tinikom ko ulit ang bibig ko. Muntik ko ng tawagin siyang boyfie. 

"Titingnan mo lang ako? Gezz, you're going to snob me?" malungkot na sabi nya. 

Naitaas ko naman ang dalawa kong kamay at winagayway para sabihing hindi at umiling-iling. Naputulan na ata ako ng dila dahil hindi ko magawang magsalita. 

RelationTRIP turn to RelationSHIP?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon