TRIP 8

1.5K 46 3
                                    

 [HER POV]

Nalalakad ako ngayon dito sa mall. Magkikita daw kami ngayon ng aking friend. Medyo nagmamadali na ako dahil late na ako ng isang oras sa usapan. Kasi naman. Tama bang magyaya kung kailan nasa mall na siya. Ang ganda ng pagkakahiga ko sa kwarto ko eh.

Matakaw ako sa tulog kaya kapag walang pasok maghapon akong tulog. Buti nga nabasa ko pa yung text nung isang yun eh.

Makapag-group message nga muna. Hehe.

Me: gala gala din daw kahit minsan. Gm.sea

Sent to group.

Nagawa ko pang mag-giem kahit nagmamadali na ako.

*Beep

Sy: uy ano ba? Ang tagal mo wahh!!

Napasimangot ako. hay naku. Dapat di nalang ako pumunta dito kung pagmamadaliin lang ako.

Magrereply na ako ng may mabunggo ako.

Aray ko naman. Magrereak sana ako ng makita kung nahulog din ang cellphone niya.

Nakakaloka na tong araw na to wahh. Alam ko naman na lapitin ako sa disgrasya at ang masaklap. Hindi ako yung napupuruhan, yung malapit na tao sakin ang mas nadidisgrasya.

“sorry po! Sorry po!” hingi ko ng paumanhin dun sa nakabunggo ko at di ako magkandaugaga sa pagdampot ng cellphone namin na nahulog.

“okay lang.” sabi nung nakabunggo ko at inabot niya yung cellphone niya. Lalaki pala yung nakabunggo ko. Di ko naman kasi tiningnan at wala akong balak tingnan at baka kapag nagkadamage ang cellphone niya at baka sakin pabayarin. Wala pa naman akong pera. Magwiwindow shopping nga lang kami ata eh.

“sorry po talaga! Hindi po kasi ako tumitingin sa daan.” Patuloy ako sa paghingi ng paumanhin para style mabait. Hehe. Kahit hindi naman.

Inayos ko yung salamin ko na medyo tumabingi.

Sa totoo lang nasaktan ako sa pagkakabunggo sakin di ko lang ininda dahil nakita kong nahulog yung cellphone namin. Magkatulad pa nga kami ng cellphone kaya alam ko na mahal yung cellphone niya. Binigay lang kasi yung cellphone ko nung ate ko kaya meron ako nun kahit mahirap lang kami.

Hindi ko inalis yung nakaharang na bangs ko sa mukha ko para hindi ako mamukhaan nung lalaking nakabunggo ko.

Nagmamadali na akong umalis dun at hindi ko na nilingon yung lalaki.

Hay naku. Malas kasi eh.

“hoy!”

“ay kabayo!” gulat kong sabi. Si Sy lang pala. Di ko manlang napansin.

“ganda ko namang kabayo. Sino yung poging nilalang na kausap mo kanina?” nakangiti na parang kinikilig si Sy.

“gwapong nilalang na kausap ko? Wala naman akong kausap ah.” Baka ibang tao tinutukoy netong babae na to. Basta pogi talaga ang linaw ng mata ng babaeng to 

“ay naku. Pinagdadamot mo sakin?” nakasimangot na sabi ni Sy.

“ha?” nakakaloka talaga tong babae na to. Sarap batukan eh. “wala naman talaga ah.”

“ay naku! Magmemo plus ka nga.”

“eh?” no kaya yun?

“hay naku. May kausap ka kanina noh. Ang gwapo! Ayaw mo lang atang ipakilala sakin.”

RelationTRIP turn to RelationSHIP?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon