[HER POV]
Hindi ko alam kung paano ako nakapaglog-out sa facebook at nai-off ang laptop ko. Namalayan ko na lang na naglalakad ako papuntang sakayan pa-University.
Habang nasa bus ay tulala ako habang nakatingin sa labas ng bintana.
"me and my wifey." bigkas ko. Naramdaman ko na namang nag-teary eye ako kaya tinanggal ko ang salamin ko. Pinunasan ko na agad ang luha ko na nagbabanta na namang tumulo. Kahit ayokong umiyak in public, ayaw sumunod ng sistema ko. Ang sagana naman ng tubig sa katawan ko ngayon kaya siguro lumalabas iyon sa mata ko.
I have good and bad news kaya ganito ako.
Good news: ang sweet ni Boyfie!
Bad news: sa girlfriend nya.
Wah! Naitakip ko na sa mukha ko yung panyo ko. Oo, may girlfriend na si boyfie at alam nyo ba ang tawag ni boyfie sa girlfriend nya? Those efin word that start with letter W. Capital W, I, F, E, Y!
Sweet? Isn't it?
Bakit ba kasi hindi nalang ako. Sana ako na lang yun. Sana ako na lang ang girlfriend ni boyfie. Sana ako na lang ang wifey nya. Sana ako na lang yung kasama nya sa picture. Sana..
Naalala ko na naman yung display at cover photo ni boyfie sa facebook nya. Edited yun with pink line frame. Pink pa talaga na favorite color ko. Pink!! Naiinis ako and at the same time nasasaktan.
Naiinis ako dahil favorite ko ang pink na ginamit dun sa picture. Nasasaktan dahil dun sa mga nilalaman ng pictures.
Those pictures that make my heart turn into pieces. Na durog-durog na nga ay para pang pinag-aapakan ng mga nagdadaanang mga walang puso.
Yung picture, dalawa yung shot. Isang pareho silang naka-smile sa camera. Ang ikalawa... ayoko ng maalala. Sobrang nasasaktan ako. Yung ikalawa magkalapat ang kanilang mga labi at makikita mong masaya ang mga mukha nila. But then, yung magkahalikan sila?
Ugh. Ang sakit alalahanin nun at ang sakit din sa mata. Pero bakit ganun?
Alam ko ng masasaktan ako pero bakit tiningnan ko pa ng matagal? Ganun ba ako katanga? O nagbabakasakali lang ako na mali lang yung una kong pagkakakita dun sa larawan?
Sana magka-amnesia nalang ako at makalimutan ko yung mga nakita ko sa facebook ni Boyfie. Sana hindi na lang ako nagfacebook.
Nang pababa na ako ng bus ay napatingin ako dun sa katabi kong lalaki. Nakatingin siya sakin habang nakaarko ang kanyang kilay. Nagtataka siguro dahil umiiyak ako kanina. Siguro mukha na akong ewan kanina.
"Namatay po aso namin." sabi ko dun sa lalaki at binigyan ko siya ng tipid na ngiti.
Halata naman hindi naniwala yung lalaking katabi ko sa bus pero hinayaan ko na lang at bumaba na ako ng bus. Habang daan ay nakatulala lang ako. Parang may sariling isip ang mga paa ko na kahit hindi ko sila utusan ay alam na nila ang daan.
Dahil sa hindi naman ako nakafocus sa dinadaanan ko ay may nabunggo ako.
"Sorry." sabay naming paumanhin pero hindi ako tumingin sa mukha nung babaeng nakabunggo ko.
_______________________________________
"Hoy!" ginulat ako ni Sy galing sa likuran ko pero tumingin lang ako sa kanya ng sandali at binalik ko rin sa pagkakatingin sa sahig ang paningin.
Sa floor na nga ako nakatingin pero bakit parang nakikita ko pa yung pictures nila Boyfie?
"Okay ka lang?" umupo sa tabi ko si Sy.
Umiling lang ako bilang tugon. Maiiyak na naman ako kaya iniiwasan kong magsalita at baka pumiyok.
Hinawi ni Sy yung buhok ko na tumatakip sa mukha ko. "Umiiyak ka?"
"Hindi." mahinang sabi ko ng may kasamang iling.
"problema mo?"
"si Boyfie..." suminghot ako dahil feeling ko lalabas na ang sipon ko sa ilong dahil sa pag-eemote ko.
"May girlfriend na?"
Napatingin ako kay Sy dahil sa sinabi nya. Nakatingin lang siya sa harapan namin habang nakasandal sa upuan.
Tumango ako at tumulo na ang luha ko.
"Okay lang yan. Makakamove-on ka rin dyan. Sabi naman sayo. Malabong mawalan ng girlfriend ang mga ganyan. At malayo kayo eh. Kung malapit lang sana ang mga bahay nyo at palagi kayong nagkikita. May possibility sigurong mahulog siya sayo."
Hindi ako nagsalita. Pinunasan ko lang ang luha ko at ngumiti ng malungkot kay Sy.
She pats me on my shoulder. "Alam mo namang iniiyakan ko rin yang mga ganyan. Mas masakit lang sayo dahil may interaction kayo. Nakakausap mo siya kahit sa facebook or text message. Plus, nakita mo pa siya. Yung sakin naman, hindi nila alam na nag-eexist ako."
"Pero bakit ganun? Naka-in a relationship kami dun sa baba ng DP nya tapos ibang tao naman yung kahalikan nya sa picture nya. Sana sinabihan nya man lang ako."
"Baliw ka ba? Bakit ka naman nya sasabihan? Facebook girlfriend ka lang nya."
"Oo nga pala." nakalimutan ko. Facebook girlfriend nya nga lang pala ako. Facebook girlfriend! Hindi nga pala totoong kami. Ang tanga tanga mo naman Chelsea eh. Sa dami-dami ng kakalimutan mo ay yun pa. Itatak mo nga dyang sa kukute mo na hindi naman talaga kayo. Yung facebook girlfriend, wala lang yan. Mas maganda pa nga yung totoo ka nyang kaibigan.
Pero yung facebook girlfriend lang kayo? Damn! Ang sakit! Ang sakit sakit! Kung pwede lang idelete tong nararamdaman ko para kay Drew, eh di sana hindi ko na nararamdaman tong sakit. Wala na akong karapatang tawagin siyang boyfie dahil baka any moment ay wala ng nakalinked na facebook boyfriend ko sa facebook ko.
Tumayo ako habang nakatungo. "Cr lang ako, Sy."
Hindi ko na siya inintay na sumagot at naglakad na ako papunta sa Cr. Kung sa pangkaraniwang sitwasyon lang to ay magpapasama ako kay Sy.
Pumasok ako sa ladies room at tiningnan ang reflection ko sa salamin. Namumula ang ilong ko. Namumugto ang mga mata ko. Ang paligid ng upper lip ko ay medyo namumula rin. Naghilamos ako para mawala ng konti ang ebedinsya na umiyak ako. Ngumiti ako sa harap ng salamin. Ang ganda ng girlfriend ni boyfie. Ang kinis ng mukha. Parang anghel kapag nakasmile yung babae.
Ano nga ba namang laban ko dun? Eversince naman wala na talaga akong laban eh. Nakakainis lang dahil alam ko naman yun sa simula pa lang pero ang tanga lang. Hinayaan ko ang sarili ko na umasa.
Bakit ba ang tanga tanga ko sa tinatawag na pag-ibig? Hanggang sa ikalawang pagkakataon ba naman I'll ended up broken?
-----------------
mensahe ni michiimichie
nakaprivate po yung last chapter .. so need niyo pong i-FOLLOW ako .. mandatory po iyon para mabasa niyo .. kung ayaw niyo naman akong i-FOLLOW pero gusto niyong basahin.. UNFOLLOW niyo nalang ako after niyong mabasa haha!!
nasa profile ko po ang link. Hindi ko na kasi makita ang extrnal link sa wattpad dahil ang dami nang nagbago. More on mobile na rin ako. Or you can click this link https://www.wattpad.com/18285269-relationtrip-turn-to-relationship-final-trip
BINABASA MO ANG
RelationTRIP turn to RelationSHIP?
Teen Fiction[COMPLETED] they started being IN A RELATIONSHIP in facebook..they both agree of having a relationship in that social networking site. And they both know that it is only TRIP. They don't have commitment. but then .. umaasa si girl na ang isang relat...