TRIP 13

1.5K 39 6
                                    

 [HER POV]

"Ui Chelsea Love, sama ka."

"ha?" walang kaalam alam na tanong ko kila Sy. Kasama nga pala namin yung iba naming friends.pare-pareho kasi kaming walang Prof ng six to nine ngayon. 

"lumilipad na namang yang isipan mo!" sabay batok sakin ni Sy. 

"Aray ko naman." reklamo ko. Tapos binatukan ko rin si Sy. 

"congrats gumaganti ka na Chel." sabi ni Tet. Dati kasi hinahayaan ko lang na batukan, hampasin nung sadistang babaeng yun (Sy) pero dahil nagbabago ang tao kaya gumaganti na ako for a change. 

"Ang sakit kasi. Para mabawasan ang sakit. Kailangang gumanti hehe." pagdadahilan ko. 

"Siya na kaya ngayon ang nananakit samin." depensa naman ni Sy. Totoo naman yun. 

"weh?" sabay sabay na react nila Janine, Diane, Fenina at Tet. 

"pinipigilan ko na ngayong manghampas. Siya na yung laging namhahampas ngayon." pagdadahilan pa ni Sy. 

"oo nga. Grabe pagpipigil nya ngayon hehe tsaka lumalayo na agad ako kapag natatanaw ko yung crush nya. “

"Tama lang yan Chelsea! Haha!" natatawang sabi ni Tet. 

"ui ano na? Sama ka ba?" Diane. 

"sama ka na. Dami boys dun. Pogi. Magboboy hunting tayo." Janine 

"Saan?" 

"Playgroud." 

"maglalaro tayo? Eh puro bata andun eh. Alangang jowain natin ang mga bata. Child abuse tayo nya." sabi ko. Playground langa pala eh. Akala ko naman kung saan. 

"Tangek! Pangalan lang yun ng bar." Janine 

"BAR!?" react namin ni Sy. 

"oo! Makareact naman kayong dalawa. May kasama pang panlalaki ng mata." Fenina. 

"Sasama ako kung sasama si Sy." hamon ko sa kanila. Pinaka KJ kasi samin ay si Sy. Siya yung laging hindi sumasama. 

"Ui! ui!" react ni Janine. "sumama ka na. Malay mo may mahanap kang jowa dun." 

"may jowa naman ako." bulong ko. "di nga lang nya alam na jowa ko siya.“

"di naman totoo yan. Ang tinutukoy ko eh yung totoong jowa. Boyfriend." Janine. 

"Tss! Ge na! Sige na! Sasama na ako. Kapag di lang ako nakahanap ng jowa." napipilitan ko kunwaring pag-sang-ayon. 

"kunwari pa neto. Gustong-gusto naman." Sy. 

"eto naman. Sama ka na rin ng makahanap ka rin nam boyfie." ako 

"ayoko. Kung para talaga kami sa isa't-isa, magkikita at magkikita pa rin kami kahit anong mangyari." Sy. 

"But if you not going to move to search for him or if you're not doing some effort to know him. I doubt kung makakatagpo mu pa siya." Diane. 

Napahawak naman ako sa ilong ko at suminghot kunwari ako. 

"nosebleed." sabi ni Fenina habang nakatakip yung kamay nya sa ilong nya. 

RelationTRIP turn to RelationSHIP?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon