TRIP 12

1.6K 43 2
                                    

[HER POV]

Nakakapagod naman ang araw na to. Pauwi na ako sa bahay. Nakakapagod talaga ang subject ng accounting. Lusaw talaga ang utak mo kapag yun ang subject. Tss! Wala naman kasi akong maisagot sa exam kaya yun. Nga-nga forever.

Tapos hindi pa manlang nagtetext si boyfie? Kahit sa facebook wala na rin. Hayy! Buti sana kung nagtetext siya eh di sana tanggal pagod ko di ba? Stress reliever lang ampeg ni boyfie.

Nang makarating ako sa bahay ay nagpahinga lang ako ng konti at binuksan ko na yung laptop ko. meron na akong laptop dahil kailangan dun sa isang subject ko. buti nga binilhan ako eh. Kaya yun!

Habang nagfefacebook ay naisipan kong itype yung pangalan ni boyfie sa may search bar. Ngayon ko lang naalala na tingnan kung may bago ba. Buti pa yung mga poser updated sa facebook. Di katulad nung totoong facebook niya. Ang tamad talaga nun para talaga siyang taga-bundok. Well busy siguro siya sa banda niya at study.

Yung isang page niya ang inopen ko. Napatingin ako dun sa mga nagpost sa page na yun.

“tigilan niyo na si Drew. May girlfriend na yan.”

Nagulat ako sa nabasa ko. May girlfriend na si Drew? Bakit wala manlang sinasabi sakin si Janiel. May kirot akong naramdaman sa may bandang chest ko. Napahawak ako dun.

Love ko na ba si Drew kaya may nararamdaman akong kakaiba ngayon?

OMG! Eotteoke?! Eotteoke!!

Di dapat to! Di naman niya alam ang feelings ko sa kanya eh.

Nag log-out na ako sa facebook kahit hindi ko pa nalalaro yung nilalaro ko sa facebook ko. Itutulog ko nalang to. Baka wala na to bukas.

Habang nakahiga ay di talaga ako makatulog. Iniisip ko yung nabasa ko. Dumapa ako at isinubsub sa unan ko ang mukha ko. maiiyak na ako any moment.

Paano kung totoo? Ano ng mangyayari sakin? Kakalimutan ko nalang ba siya? Di pwede yun. Sa panahon ngayon hindi ko kayang kalimutan siya.

“wahh!” napasigaw na ako. di kasi ako makahinga sa pagkakasubsub ko sa unan ko at sa kirot na nararamdaman ko sa may chest ko. Wahh! Grabe naman pagkatapos ng first heartbreak ko kay first boyfriend eto naman ang kasunod. Maawa naman kayo. Ayoko ng masaktan.

Baka maging manhid na tong si heart ko kapag naHB (heartbreak) ako kay boyfie.

-----

“oh bakit nakasimangot ka diyan?” tanong sakin ni Sy ng makalapit siya sakin.

“si boyfie kasi.”

“oh anong balita sa kanya?” parang wala lang na tanong sakin ni Sy tapos umupo siya sa tabi ko. Nakasalampak kami sa may sahig dahil wala ng upuang bakante. Nag-iintay lang kasi kami ng prof eh di kami pinapasok sa loob kapag wala pang Professor.  Malinis naman tong school namin kahit public lang. aircon nga ang room namin eh.

“nagsearch kasi ako ng mga facebook page ni boyfie tapos may nabasa ako. may girlfriend na daw si boyfie. May nagpost dun sa page na yun.” Malungkot kung sabi sa kanya. Naiiyak na naman ako pero pinigilan ko dahil baka pagtawanan ako ni Sy.

“sabi ko naman sayo eh. Wag ka ng umasa dun. Umasa ka nalang sa taong sa tingin mo ay in reachable. Hindi mo pa nga yan nakikita eh tapos ganyan ka na.”

“eh kasi naman Sy. Haist! Nakakalungkot lang eh.” Sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko. “alam ko na itetext ko nalang pala si Janiel.” Oo nga noh? Confirm ko nalang kay Janiel. Bakit kasi ngayon ko lang naisipang itext yun.

“naniniwala ka naman diyan? Baka mamaya pinapaasa ka lang niyan.” Sarcastic na sabi sakin ni Sy.

“ehh yaan mo na. hehe. Sige cr lang ako. wait.” Tumayo na ako at pumuntang ladies room.

Habang nasa cr ako ay tinext ko na si Janiel.

Me: hi pink!

Janiel: oh bakit pink?

Me: may itatanong lang ako sayo. Hehe.

Janiel: ano yun?

Me: may gf na ba si Mark? May nbsa kasi ako sa facebook na may girlfriend na daw siya.

Janiel: oh saan mo nabasa? Anong date nung post?

Me: di ko maalala eh. Basta sa isa sa mga page niya.

Janiel: baka matagal na yun pink o kaya baka baka sa poser mo yun nabasa. Daming poser ng loko na yun eh.

Me: diko lang alam. Pero ano? May gf na ba siya?

Janiel: di ba ikaw yung nka-in a relationship sa kanya? Baka ikaw yung tinutukoy nila.

Nagulat ako. oo nga pala naka-in a relationship kami. Baka nga ako yung tinutukoy nila. Napangiti ako ng malapad. ^____^

Me: oo nga pala. Baka nga ako yun pink. Hehe. Kaw talaga pinapaasa mo na naman talaga ako.

Reply ko sa kanya pero syempre echoss lang yun. Hehe. Naniniwala kaya ako sa kanya at tsaka yun ang gusto kong paniwalaan.

Bakit di ko kasi naisip agad na naka-in a relationship kami ni boyfie? Haha! baka nga akala nila totoo kong boyfie si boyfie. Ayiiee!! Masaya na naman ako. haha! alam ko na ambabaw lang ng kasayahan ko pero masaya talaga ako.

Yung isipin ng ibang tao na boyfriend kong totoo si boyfie? Ang saya nun. Lahat ng naramdaman ko kagabi napalitan ng kasayahan.

Janiel: hindi naman pink. Hehe. Pinapalakas ko lang ang loob mo. At pinapasaya lang kita.

Me: asus! Hehe tnx pink!

Nakangiti tuloy akong lumabas ng CR. Parang kanina lang para akong pinagbagsakan ng langit at lupa pero ngayon para na akong nasa cloud nine. :D

“oh? Makangiti ka diyn? Ang saya ah! Parang kanina lang ampangit mo.” Puna sakin ni Sy ng makalapit ako sa kanya.

“hihi! Nakatext ko na kasi si Janiel. At alam mong sabi? Haha! natutuwa talaga ako. sabi niya kasi na baka ako daw yung tinutukoy sa post na girlfriend ni boyfie since naka-in-a-relationship ako kay boyfie. Haha! baka nga ako yun Sy,” tuloy tuloy na pagkukwento ko sa kanya. Di ko pinansin yung salitang pangit na sinabi niya sakin.

“asus! Naniwala ka naman? Pinapaasa ka nga talaga niyang Janiel na yan.”

“Napaka-nega mo talagang babae ka. Basta kahit ano pang sabihin mo. Think positive lang ako.” binalewala ko lang ang sinabi niya kahit na napapaisip ako, di ko yun pinahata kay Sy. Ayokong mag-isip ng iba ngayon dahil ayokong maging malungkot.

“sinasabi ko lang naman ang totoo at tsaka okay na tong maging negative sa lahat ng bagay. Iwas heartache. Kaya ka nasasaktan eh dahil puro positive nalang iniisip mo. Paminsan minsan di rin masama ang maging negative. Atleast kapag ganun ang set ng mind mo hindi ka ganun masasaktan. Kung masaktan ka man. Makakamovve-on ka rin agad.” Litany ng bruha.

*pout* “paminsan minsan okay na rin ang maging positive. Laging nagtetake ng risk at laging nakaset sa mind ang napaka positive na thinking para hindi rin mag regret sa mga bagay na dapat pinaniwalaan ko.” sabi ko. binaligtad ko lang naman yung sinabi niya.

“tss! Bahala ka nga! Buhay naman yan eh. Kaw naman tong masasaktan kapag pinaniwalaan mo mga sinasbai niyang Janiel na yan eh.”

“sus! Nagsalita ang hindi nasasaktan.” Pang-aasar ko sa kanya. Eh kasi naman, iniiyakan kaya niyang crushes niya lalo na kapag nakita niya na may girlfriend na pala.

“kaya sinasabi ko sayo to. Don’t expect too much. Tingnan mo mga nangyayari sakin.”

“oo na nga lang eh. Wala na akong sinabi. Hehe.”

RelationTRIP turn to RelationSHIP?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon