[HER POV]
"Sumagot na siya? Nasabi na ba niya sayo kung anong pangalan nung friend niya?"
Naka-ilang tanong na yan sakin ni Sy. Ang kulit lang ng lahi niya eh. Ilang beses ko na ring sinagot yan at pare-pareho lang ang sagot ko.
"Uso ang maghintay Sy. Kapag sumagot na yun, di mo na ako kailangang kulitin dahil sasabihin ko agad sayo. Araseo [Understand]?" nagsasalita kami ng korean language ni Sy dahil adik kami sa korean drama. Napapagaya kami pero yung mga one word lang ang alam namin.
"Okay. Excited lang. hihi," kinikilig na sabi neto. Basta talaga lalaki ang pinag-uusapan laging kinikilig to.
"Lagi naman. Uy! andun pala sila Diane. Lapit tayo." Yaya ko kay Sy. Sila Fenina, Tet, Janine at Diane ang iba pa naming friends na dapat kasama namin sa iisang klase. I mean, dapat magka-classmate kami kaso nahiwalay kami netong year na to. Yung JPIA officer ang gumagawa ng section samin kaya hindi kami nakakapamili. Nakakapili lang kami kapag may problema sa time katulad ng mga working student.
Haist! Mas masaya sana kung sama-sama kami.
Lumapit nga kami sa kanila.
"Anong oras klase nyo?" tanong ko ng makalapit kami sa kanila.
"Six pa. Kayo?" sagot at tanong naman ni Diane.
"Six din. Hehe." sagot ko.
Usap-usap kami ng kung anu-ano lang. Mga nonsense pero ang saya.
"Ano yang tinitingnan nyo sa cellphone?" usisa ni Tet ng mapansin niyang tinitingnan ni Sy ang hawak hawak kong cellphone
"Ah-eh, wala lang to. Hehe." Di ko alam sasabihin. Secret lang kasi na hindi hehe.
"Sus! Nahiya ka pa. Patingin na." pangungulit ni Tet.
Wala na akong magawa kaya binigay ko na sa kanila. Picture pa naman yung nila boyfie. Si Sy kasi ang kulit, gusto niya daw makita ulit para ma-memorize niya ang mukha nung taong gusto niya.
Psshh! Di nila alam yun eh. Ngayon lang nila malalaman.
"Oh, sino tong mga to?" tanong ni Diane. Nakitingin na rin kasi siya.
"Pili na kayo dyan. Hehe." I'd try to joke para di masyadong awkward.
"Ang gwapo naman nila. Ano sila?" busy sila sa pagtingin ng pictures. Dami pa naman nun.
"Boyfriend yan ni Chelsea haha!" tumatawang parang lokaret si Sy.
"Sshhh! Wag kang maingay." Bulong ko kay Sy sabay siko sa kanya. Ingay-ingay eh. "Tao sila haha!" biro ko ulit kay Diane.
"Di nga? Alin dito?" Janine. Di pinansin yung sinabi ko. Nagjojoke ako pero walang pumansin? Saklap men.
"Type ko yung may headset." Fenina.
"Wag yun! Akin yun eh!" nasabi ko agad. Huli na para takpan ko ang bibig ko dahil nadulas na ako. Automatic nagreact eh.
"Iba nalang piliin niyo. Boyfie na yan ni Chel at akin naman yung katabi nun." natatawang sabi ni Sy. Di yan papaagaw. Inaangkin na niya kahit di naman alam nung taong inaangkin niya na sa kanya na yung taong yun.
"Totoong boyfriend mo to?" gulat na tanong ni Diane,
"Sana hehe, choss lang. Ka-in-a-relationship ko lang siya sa facebook pero hindi kami. Ano... ahmn... trip trip lang yan namin. Oo.. trip trip lang yan. Hehe." Di ako magkandaugaga sa pag-eexplain eh. "RelationTRIP." mahina kong sabi.
BINABASA MO ANG
RelationTRIP turn to RelationSHIP?
Roman pour Adolescents[COMPLETED] they started being IN A RELATIONSHIP in facebook..they both agree of having a relationship in that social networking site. And they both know that it is only TRIP. They don't have commitment. but then .. umaasa si girl na ang isang relat...