TRIP 21

1.3K 35 1
                                    

[HER POV]

"MAMA!?" nagulat ako. Kahit si Mama nagulat din sa nakita nya. Kahit kasi natanggal na yung salamin ko noong kinikiliti ko si Christian ay nakilala ko ang tindig at color ng damit si Mama 

Para akong naistatwa at hindi makagalaw. Para akong magnanakaw na nahuli sa aktong nagnanakaw. Para akong studyante na nahuli ng Profesor na nangongopya and much worst is nagchecheat. Para akong nahuli ng boyfriend ko na may kadate na ibang lalaki.

Wahh! Eotteoke!? 

Para akong ewan. Dapat aalis na ako dito sa ibabaw ni Christian pero ayaw magfunction ng utak ko na utusan ang katawan ko na gumalaw at umalis sa pagkakadagan ko kay Christian. 

Naramdaman ko na lang na itinulak ako ni Christian para makabangon siya at lumapit kay Mama. 

"Tita!! Huhu!! Si Chelsea po! She's trying to raped me! Wala po akong kalaban laban sa kanya. Idinadaan nya po sa lakas at sa mga pambobola nya. Huhu! Tita!! Dinungisan po ni Chelsea ang pagkalalaki ko. TITA!! DINUNGISAN NYA PO ANG INOSENTE KONG ISIPAN!! Huhuhu!!" tapos umaaktong umiiyak si Christian habang hawak hawak nya si Mama sa braso. 

Ako? Stunned! Ayaw magfunction sa utak ko ang mga pinagsasabi ni Christian. 

"Tita!! Kahit bestfriend ko po siya ay kakasuhan ko po siya. Magsasampa po ako ng kasong SEXUAL HARRASSMENT! Tita! Ano nalang po ang mukhang maihaharap ko sa magiging asawa ko? Paano nalang kung may makaalam na nirape ako!? Tita!! Tulungan nyo po ako! Kahit po ang anak nyo ang suspect ay alam nyo naman po ang tama. Ako po ang nirerape Tita! Ikaw po ang magpapatunay na totoo lahat ang sinasabi ko! Tita!! Huhuhu!" napaupo si Christian habang umiiyak kunwari sa may gilid ng pintuan. 

Si Mama, speechless parang ako. 

Pero teka! 

Anong sabi nya? 

I'm trying to raped him? 

Dinungisan ang pagkalalaki niya? 

At ano yun? SEXUAL HARRASSMENT at ako ang SUSPECT!? 

Wahh! Ngayon lang nagfunction at nag-sink-in sakin ang mga pinagsasabi ng Christian na to. 

"Tita!! Ang dumi-dumi ko na! Ang dumi-dumi ko na!! Tit---" 

Binato ko siya ng unan at sumakto sa mukha. Ang ingay. Umaatungal siya na parang baka. 

"Anong pinagsasabi mong ang dumi-dumi ha!? Eh di maligo ka. At ano yung sexual harrassment!?" tumayo ako sa kama ko habang bitbit bitbit yung isa ko pang unan. "Gusto mong iparape kita ng totoo dyan sa kapit-bahay naming bakla ha!?" sigaw ko sa kanya. 

Tumayo siya at hinawakan na naman si Mama sa braso.

"Tita! She's trying to deny it! Pero nakita naman ng dalawa nyong mata diba? Nasa ibabaw ko siya kanina and she's doing something. Gusto kong lumaban Tita pero pinagbantaan nya akong papatayin. Tita! Help me!" sabi nya habang niyuyugyog si Mama. 

"Pabu!!" [Fool!] binato ko na naman siya ng unan. Grabe kadramahan ng mokong na to wah! Lakas ng sapak eh. "Mama!! Kinukuha ko lang po yung cellphone ko sa bulsa nya. Ayaw nyang ibigay sakin!" sumbong ko kay Mama. 

"Tita! I'm sorry po pero hindi lang po sexual harrassment ang ikakaso ko sa kanya. Kakasuhan ko na rin po siya ng ATTEMPTED MURDER! She's trying to kill me now!" sabi nya kay Mama. 

Lumapit ako sa kanya.  

"Papatayin na talaga kitang Mokong ka kaya MURDER na ang ikaso mong baliw ka! Anong kadramahan yan ha? Ano!? Ganyan ba ang mga tao sa Korea kaya ganyan kinalabasan mo!" sabi ko sa kanya habang sinasakal siya. 

RelationTRIP turn to RelationSHIP?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon