[HER POV]
Nakahiga lang ako sa kama ko. Ang daling lumipas ng araw at di manlang nagpaparamdam si Boyfie kahit sa facebook. Mas updated pa yung poser nya sa facebook. Ganun ba siya kabusy. Ang alam ko kasi seryoso yun pagdating sa study. Mas seryoso pa nga yun sa pag-aaral kesa dun sa kapatid niyang si Janiel.
Tiningnan ko yung cellphone ko.
Wala manlang nagtetext. Sobrang nabobored na ako.
Hayy!!
Dumiretso ako ng tingin sa may kisame. At iniunat ang kamay ko. Favorite kong position kapag nakahiga eh. Yung nakatingin sa kisame habang nakaunat yung kamay na parang nakahiga akong krus. It feels like I'm flying.
Naiisip kaya ako ni boyfie?
Sana hindi siya lapitan nung mukhang angel na babae tapos ang ugali naman ay parang witch. Ganda kasi nun eh. Konting arte lang nun mahuhulog na sa kanya ang lalaki.
Ay! Basta! Di naman ganun katanga si Boyfie para mahulog dun sa mukhang angel na yun. Pero lalaki pa rin siya eh. Naakit sa magaganda.
Pero di ko alam na ganun pala kasikat si Drew oppa. Lalo na sa mga babae. Ang dami ko na tuloy kaagaw. Mapansin pa kaya nya ako kung ang daming nakapalibot sa kanya na mas maganda pa sakin?
Oh no!
Bumangon ako at umupo sa may tapat ng salamin. Tiningnan ko ang repleksyon ko.
Kailangan kong maging maganda kapag nagkita kami para mapansin nya ako.
Operation: be beautiful!
Pero---
Mission imposible ata yun.
Napanguso ako. At nakita ko ang itsura ko sa salamin ng nakanguso. Ang pangit. Haha! Dapat pala poker face lang ako.
Hay! Kanina pa ako napapabuntong hininga.
Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Kumindat ako. Nagpacute ako. Nag-gwiyomi na rin ako.
"nikko, nikko." with matching turo turo tapos kindat.
Ang cute ko.
"Hahaha!" natatawa ako sa sarili ko. Mukha na akong baliw.
"TITA!! SI CHELSEA PO NABABALIW NA!! TATAWAG NA PO BA AKO SA MENTAL!!"
___
[HIS POV]
"good job guys!" sabi ni Edward ng matapos na yung huling kanta namin for this night.
"Lets have a drink muna. Lagi ka na lang umaalis Drew eh." sabi naman ni Leo.
"Oo nga Drew. Sayang pagpunta ng mga fans mo dito kung bigla ka na lang na namang mawawala. Samin ka tuloy hinahanp." si Aina na naman ang nagsalita.
"May emergency lang naman. Kayo naman, takot ko lang dun sa kapatid ko." sagot ko sa kanila. Di naman talaga ako natatakot sa kapatid. It just that, masyado ko lang siyang mahal kaya ganun.
"We know that!" Edward
"Hahaha!"
"Wait lang." sabi ko. Kailangan ko lang mag.cr. Naiihi na ako eh.
"San ka na naman pupunta? Yan tayo eh. Pasimpleng tumatakas." Leo
"iihi lang. Bakit? Sasama ka?" sagot ko.
BINABASA MO ANG
RelationTRIP turn to RelationSHIP?
Teen Fiction[COMPLETED] they started being IN A RELATIONSHIP in facebook..they both agree of having a relationship in that social networking site. And they both know that it is only TRIP. They don't have commitment. but then .. umaasa si girl na ang isang relat...