TRIP 23

1.2K 33 0
                                    

[CHRISTIAN's POV] 

 

Naalimpungatan ako sa aking pagkakatulog ng gumalaw si Love. Nagmulat ako ng konti at sinilip ko sya. Tumagilid siya at humarap sakin kaya pumikit ulit ako. 

Hindi ko alam kung bakit ako nagpapanggap na tulog. Feel ko lang magtulog-tulogan siguro. Para talagang mga ewan ang trippings ko kapag ang kasama ko ay si Love ko. Ibang iba ako kapag kasama ko si Love. Para akong bumabalik nuong nasa highschool kami. 

"Bakit ka ba dito natutulog? Nasunugan ka ba ng bahay? Pinalayas ka ba sa inyo?" narinig ko na lang na nagsasalita siya at ramdam ko rin na nakatingin siya sakin. 

Pinadaan ni Love ang tip finger niya sa line ng nose ko. 

"Bakit tumangos ata ang ilong mo? Siguro nagparetoke ka dun sa Korea no? Ang alam ko magaling ang mga Doctor pagdating sa ganyan. Balita ko nga puro retokada mga tao dun. Yung mga kpop ang tinutukoy ko." 

Gusto kong tumawa sa pinagsasabi ni Love ang kaso nagpapanggap nga pala akong tulog. 

"Aalis ka ba ulit? Wag na muna ah! May mga friends na naman ako di katulad ng dati kahit na di naman ako nagbago." tumawa siya. "Kapag nga nagtetext ako sa kanila. Ang taray ko daw at ang ikli. Syempre sabi ko, depende yun sa nagbabasa. Kung babasahin nya ba ng malambing o pagalit." 

Napangiti ako ng lihim. Gusto ko siyang yakapin at sabihing 'Hindi na kita iiwan Love.' 

Wala na naman talaga akong balak umalis. 

Iniunat ko ang braso ko at niyakap si Love pero nakapikit pa rin ako. Meron naman talagang nangyayakap kapag tulog eh. Acceptable yun. 

Inaasahan ko na tatanggalin agad ni Love yung yakap ko pero ako ang nagulat sa ginawa nya. Ipinaikot nya ang kamay nya sa may bandang bewang ko at idinikit niya ang ulo nya sa may dibdib ko. 

"Love." bulong ko. Di ko na napigilang di magsalita. 

"Nagsasalita ka pa rin ng tulog." then tumawa siya ng mahina. "bogoshipid-a [I miss you] Christian. Ang daming beses ko ng sinabi yun sayo simula nung makita kita ulit pero bakit natatakot ulit akong mamiss ka?" 

Tinanggal na ni Love ang pagkakayakap sakin. Humiga siya ng maayos. 

"mahal na mahal kasi kitang mokong ka kahit iniwan mo ako. Alam ko sisihin mo ang sarili mo kapag nalaman mo nangyari sakin noong wala ka." tumigil siya sandali sa pagsasalita. "Kaya nga secret ko na lang yun." she chukled. "Ayoko ng isipin yun. Masakit eh." 

Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi nya pero isa lang nasa isip ko. Wala ako noong may nangyaring nakakasakit kay Love. Gusto ko siyang tanungin kung ano yun pero dahil kilala ko siya na kapag sinabi nyang secret ay secret talaga. 

"Ang ganda nga ng glow-in-the-dark star no? Ngayon ko lang napansin na maganda nga pala lalo na at iyon lang ang makikita mo." 

RelationTRIP turn to RelationSHIP?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon