Chapter 45

4 0 0
                                    

Trigger warning: Mental health. Reader discretion is advised.

Chapter 45

After everything went black, I have no idea what happened next.

But when I opened my eyes, my vision was fuzzy. My head hurts as well, so I blinked a couple of more times before my eyesight finally adjusted.

Isang lamesang kahoy ang bumungad sa paningin ko at isang silyang nakapatong sa ibabaw nito. Mahina akong napaungol nang maramdaman ko ang hapdi na dulot nang mahigpit na pagkakatali sa palapulsuhan at sa mga paa ko. Idagdag pa ang mahigpit na telang nakabusal sa aking bibig.

"Oh. Our princess is awake."

Mula sa lamesang tinitingnan, ay inilipat ko ang aking paningin sa bandang kanan kung saan nakita ko si Alyza na tumayo sa kaniyang kinauupuan bago mabagal na naglakad palapit sa akin.

Alyza crouched down on the floor, and I groaned in pain when she suddenly pulled my hair up upang mapaupo ako mula sa aking pagkakahiga.

Marahas niyang inalis ang busal sa aking bibig.

"Alyza," I breathed out in anger.

Isang nakaiinis na ngiti ang kaniyang iginawad nang banggitin ko ang pangalan niya.

"Uh, good to know you still remember my name," she said while bringing some strands of my hair at the back of my ear.

Mabilis kong iniwas ang ulo ko mula sa kamay niya.

"Of course, I won't forget the name of the person who did crazy things just to get her whims," mariin kong sabi na bahagyang nagpawala ng kaniyang ngiti.

Inihagis niya sa kung saan ang telang ipinangbusal sa aking bibig bago ako muling tiningnan.

"Yes. You're right about that," napatango-tango siya. "I did crazy things, and you know, I can still do that. Just like this. I kidnapped you. This is crazy, right?" she laughed maniacally.

"No. This is madness, Alyza. Ano ba ang mapapala mo sa ginagawa mong ito? Isn't it enough that you stabbed yourself, and you blamed me for that?!"

Tila hindi naman siya naapektuhan sa ginawa kong pagsigaw. Tumayo lang siya habang tumatawa bago kinuha ang silyang inupuan niya kanina. She sat in front of me while giving me an insouciant look.

"You deserved it," she spoke quietly, her insulting smile was no longer on her lips. "You ruined my life. You didn't know how patient I was just to get out of that fucking mental institution where they put me!" she shouted furiously.

I can't help, but sneered. "You deserved it," pag-uulit ko sa sinabi niya at kitang-kita ko kung papaanong mas nadagdagan ang galit niya.

And for a split second, I felt afraid that she might suddenly do something to me. I know I can't afford to risk that, especially right now that I'm tied up and it's impossible for me to defend myself from her.

Pero sad'yang hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na sabihin ang mga iyon sa kaniya.

"They were wrong letting you out of that institution. You should've been there until now—"

"And, what?! Para tuluyan mo nang maagaw si Page sa akin?!" Halos mapapikit ako nang umalingawngaw ang malakas niyang pagsigaw sa buong silid.

Ngunit kaagad ko ring ibinalik ang paningin ko sa nanggagalaiting mukha ni Alyza.

"Hindi ko siya inagaw, at paano ko naman siya aagawin kung sa una pa lang, ay hindi naman talaga siya sa 'yo?" I calmly stated, and please remind me to kiss myself later for being valorous at this moment.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now