Chapter 1

13 2 5
                                    

Chapter 1

Tumigil kaming dalawa sa tapat ng isang mamahaling sasakyan. Binuksan niya 'yong pinto sa passenger bago ako binalingan ng tingin.

"Sakay na," sabi niya pero nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko.

"Look, 'wag mong totohanin 'yong sinabi ko. I'm sorry kung ginamit kita para lubayan na ako nung ex ko, okay? 'Yon na lang kasi talaga 'yong naisip kong way-and thankfully, it worked! I'm sorry, pero hindi mo kailangang totohanin—"

"Sino ba ang may sabing tototohanin ko 'yong nangyari kanina?" Kumunot ang noo ko at nagtakha.

"E, sabi mo—" Muli niyang pinutol ang pagsasalita ko.

"Hindi ako tumatanggap ng sorry, Miss," aniya at diretso akong tiningnan sa mga mata. "Kailangan mong panindigan 'yong ginawa mo kanina," dagdag niya pa.

Napalunok ako dahil ang seryoso nung mukha niya. Agh. Gusto kong pagsisihan 'yong ginawa ko sa kaniya, pero hindi ko magawa lalo pa't naging effective 'yon kay Carlo.

I heaved a sigh. Okay, Agnes. Tama siya. Kailangan mong panindigan 'to. Pero siyempre ay kailangan mong maayos ito sa lalong madaling panahon.

"Ano ba'ng gusto mong i-point out?" walang paliguy-ligoy kong tanong sa kaniya.

Ngumisi siya bago iminuwestra ang loob ng sasakyan niya.

"Sumakay ka na at sasabihin ko sa 'yo."

Gusto ko siyang irapan pero pinigilan ko. Labag sa loob na lang akong sumakay sa loob at gano'n din ang ginawa niya.

Nang paandarin niya na itong sasakyan ay tinitigan ko siya para ipaalalang kailangan niyang ipaliwanag sa akin ang gusto niyang mangyari.

Tiningnan niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano ba kasi talaga ang gusto mong mangyari?" tanong ko habang diretso pa rin siyang nakatingin sa daan.

"I want you to be my fiancée." Napapikit ako sa isinagot niya.

"Hindi nga totoo 'yong nangyari kanina. Ginawa ko lang 'yon para lubayan na ako nung ex ko. I know na ginamit kita kaya nga ako nagso-sorry, 'di ba?" mahinahon kong sabi sa kaniya.

Inihinto niya ang sasakyan dahil sa traffic kaya nagkaroon siya ng chance na lingunin ako.

"I told you. Hindi ako tumatanggap ng sorry-"

"What do you want, then?" naiinip kong tanong. Paliguy-ligoy pa kasi, hindi na lang diretsuhin!

"I want you to be my fiancée."

"Ano? E, ni hindi nga kita kilala at hindi natin mahal ang isa't isa tapos gusto mo talagang totohanin 'yong mga sinabi ko kanina?" hindi ko makapaniwalang sagot sa kaniya.

Pinaandar niya na muli ang sasakyan kaya naman naka-focus na ulit siya sa daan.

"Well, hindi naman natin kailangang mahalin ang isa't isa. This is just a fake engagement, after all." Kumunot ang noo ko dahil hindi ko talaga maintindihan ang ipinupunto niya.

"So, you mean, magpapanggap tayong engaged kahit hindi naman talaga?"

Ngumisi siya at tumango. "Exactly."

"Bakit naman?" curious kong tanong. Bakit niya gusto ng fake engagement? At bakit ako?

Parang gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko.

Ang gusto ko lang naman ay ang lubayan na ako ni Carlo pero mali yata ang ginawa kong way para mapaalis siya. Mukhang maling ginamit ko ang lalaking 'to para lang sa sarili kong hangarin. Pero mali rin naman yatang magpanggap kaming engaged kahit hindi naman talaga, 'di ba?

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now