Chapter 10

6 2 0
                                    

Chapter 10

Nakapangalumbaba akong napatitig sa screen ng monitor na nasa harapan ko.

Hindi gumagana ang utak ko ngayon kaya nang makabalik kami rito pagkatapos ng lunch ay wala akong ibang ginawa kung 'di ang tumunganga o 'di naman kaya ay mapatitig lang sa kung saan. Kanina ko pa sinusubukang mag-isip ng mga panibagong designs pero hindi talaga nagfu-function ngayon nang maayos ang utak ko.

Pinatay ko na lang ang desktop bago umayos ng upo. Binalingan ko ang mga ka-officemates ko na busy sa kani-kanilang mga trabaho.

Napabuntong-hininga ako. Kasalanan 'to nina Jane, e. Kung anu-ano kasi ang mga pinagsasabi. Hindi tuloy ako makapag-isip nang maayos. Tss.

Bigla ko namang naalala si Page pati na rin 'yong babaeng kasama niya kanina.

Nung una, akala ko ay roon sila kakain. Pero mukhang nag-order lang sila dahil wala pang limang minuto ay tumayo rin sila kaagad para umalis. Nakita ko pa ang dalawang staff na may bitbit na mga tray habang nakasunod kina Page.

Well, what would I expect? He's our boss. Malamang, hindi sanay kumain ang isang 'yon sa cafeteria. Pero ang ipinagtatakha ko lang ay kung bakit sa cafeteria sila um-order ng pagkain? At nacu-curious talaga ako kung sino 'yong kasama niyang babae.

Paano kaya kung pumayag akong makasabay siyang mag-lunch? Makasasabay rin kaya namin ang babaeng 'yon o kaming dalawa lang ang kakain? Dapat ba ay sumabay na lang ako sa kaniya para hindi ako nacu-curious ng ganito?

Napailing na lang ako at natulala.

"Selos ka pa rin, Agnes? Secretary niya lang 'yon," biglang sabi ni Jane sabay halakhak.

Ngayon ko lang napansin na inilapit pala nilang dalawa ni Elyse ang mga swivel chair nila sa akin.

Kunot-noo kong tiningnan si Jane.

"Talaga? Paano mo nalaman?" tanong ko dahilan para mas lalong lumawak ang ngisi niya. Gusto ko tuloy bawiin ang tanong ko dahil parang lumabas lang na tama ang hinala nilang nagseselos ako kahit hindi naman. Tch.

Mas lumapit silang dalawa sa akin.

"Tinanong ko si Jean dahil alam kong macu-curious ka kung sino 'yong kasama ni Sir Page kanina," tumaas-baba ang kilay niya na para bang alam na alam niyang tama ang hinala niya.

Inirapan ko silang dalawa.

"Pero, bakit kaya silang dalawa ang nagsabay na mag-lunch imbis na kayo?" tanong ni Elyse. "Hindi ka ba niya niyayang mag-lunch?"

"Niyaya niya ako kanina, actually. Pero dahil kasabay ko na kayo-"

"Bakit hindi ka pumayag?!" putol ni Jane sa sinasabi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ako papayag, e kayo na ang kasabay kong mag-lunch?"

Sabay na napailing ang dalawa na para bang napakamali nung ginawa ko.

"Ikaw rin naman pala ang may kasalanan, e."

"Ano'ng kasalanan ko?" nagtatakha kong tanong.

"E, 'di ba, nagseselos ka?"

"What? Sino bang may sabing nagseselos ako? At bakit naman ako magseselos?" nakangiwi kong sagot sa tanong ni Jane.

Nanunuya siyang tumawa. "Oo o hindi lang, Agnes, dami mo nang sinabi." Napahilot na lang ako sa sintido ko dahil talagang pinu-push nilang nagseselos ako.

"Hindi nga, okay? Curious lang ako kung sino 'yong kasama niya kanina. 'Yon lang 'yon. 'Wag niyong gawan ng issue 'yon, puwede?"

"Okay, okay. Nagbibiro lang kami," sabi ni El habang nakataas ang dalawang kamay.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now