Chapter 26

7 2 1
                                    

Chapter 26

Wala sa sarili kong inilagay ang mga damit ko sa may cabinet. Pagkatapos ay napaupo ako sa kama bago napatitig sa kabuuan nitong kwarto namin ni Page.

Laking pasasalamat ko talaga sa mga managers kanina. Habang papunta kasi kami rito ay nakasalubong namin sila na kaagad kaming nilapitan upang makausap si Page. Kaya para makatakas, ay kinuha ko sa kamay ni Page ang bag ko at ang susi nitong kwarto at nauna na rito. Ilang minuto na rin ang lumilipas pero wala pa rin siya.

Well, mabuti na iyon. Dahil hindi ko talaga alam ang gagawin oras na kaming dalawa na lang ang nandito. I mean, after nung nangyari kagabi, aaminin ko, naiinis pa rin ako sa kaniya.

Bakit niya hinayaan si Krisha na magamit ang phone niya? At una sa lahat, bakit nandoon ang babaeng 'yon sa condo niya? I really wanna ask him why but I can't. Kasi wala namang rason para magtanong, hindi ba? Ano nga namang pakialam ko kung nandoon ang babaeng 'yon sa condo niya, lasing at nadatnan ko pang nasa ibabaw siya?

God, why do I sounded like a jealous girlfriend?

Napairap ako. But he owe me an apology! Hindi ako nakapag-dinner nang dahil sa Krisha na 'yon. Nakapag-checked in pa tuloy ako sa isang hotel nang wala sa oras. At bakit ko nga ba 'yon ginawa? Nakakainis.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko bago kumuha ng damit at dumiretso sa bathroom.

Muli akong naligo para hindi mainit mamaya. Ang alam ko kasi ay marami 'agad kaming mga activities na gagawin. Isinuot ko na rin 'yong kulay dark blue shirt na provided ng company para sa aming team building ngayon. Every year ay nagpapagawa sila ng mga shirts na kailangan naming isuot sa first day ng team building.

I tucked in my shirt sa isang maong shorts. Gusto ko sanang mag-sneakers pero hindi ko na ginawa dahil puro buhangin ang sahig sa labas kaya 'yong dalang flip-flops ko na lang ang isinuot ko.

Nagmadali na ako sa pag-aayos dahil baka biglang dumating si Page. Nang matapos ay mabilis na akong lumabas ng kwarto at naglakad-lakad sa may hallway.

Ako lang ang mag-isang naglalakad dito at halos mapatalon ako sa gulat nang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko ito sa may bulsa at sinagot ang tumatawag.

"Bakit?" bungad kong tanong kay Elyse.

"Nasaan ka? Alam mo 'yong malaking puno na nasa tapat ng lobby? Punta ka rito! May ipakikita ako!" sagot niya sabay halakhak.

Kumunot ang noo ko bago nagpatuloy sa paglalakad. "Why? At ano'ng ginagawa mo riyan?"

"Basta! Bilisan mo!" sagot niya at pinatayan na ako ng tawag. Ibinalik ko na lang ang phone ko sa bulsa at pumunta na sa sinasabing lugar ni Elyse.

Nang makarating ako sa may lobby ay 'agad kong nakita ang malaking puno na sinasabi ni Elyse at sa ilalim nito, ay nakita ko siyang tila nagtatago at may kung anong sinisilip doon.

Lumapit ako sa tabi niya. "Ano'ng sinisilip mo riyan?" tanong ko. Kagaya ko ay suot niya na rin 'yong t-shirt pero ang kaibahan lang ay naka-shorts ako habang siya naman ay naka-leggings.

Bigla niya namang hinawakan ang ulo ko at inilingon ito sa direksyon nung kanina niya pa tinitingnan. At nanlaki ang mga mata ko nang makita sina Jane at Roy na nag-uusap.

Nakangisi kong nilingon si Elyse.

"Tingin mo, magkakabalikan pa sila?" tanong ko at muli kong tiningnan sina Jane. Nakita kong naglakad paalis si Jane pero hinabol siya ni Roy.

"Alam mo, paganiyan-ganiyan lang 'yang si Jane pero hindi pa nakaka-move on 'yan," tumawa siya. "You see, mas gusto ko pa ngang magkabalikan sila dahil hindi ako sanay makita ang babaeng 'yan na kung sino-sino ang nakasasayaw palagi sa bar," naiiling niyang dagdag.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now