Chapter 14

10 2 1
                                    

Chapter 14

"I'll tell you driving tips that a beginner, like all of you, should keep in mind. The first one is; get familiar with your car..."

Sinubukan kong makinig sa mga sinasabi ng instructor namin, pero wala pa yatang ilang minuto ay muli na naman akong matutulala dahil palaging sumasagi sa isip ko ang mga napag-usapan namin ni Ate Pat noong nagkita kami.

Actually, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko puwedeng balewalain ang mga sinabi ni Ate Pat dahil tama siya. Paniguradong papayag 'agad ang parents nila na ikasal kami ni Page, lalo na ngayong nalaman ko na magkaibigan pala ang mga parents namin.

Naguguluhan na rin ako sa mga maaaring mangyari. Kung alam ko lang na kilala nina Mom ang parents nina Page, ay hindi na sana ako pumayag sa pagpapanggap naming ito. Pakiramdam ko ay mapupunta lang sa wala itong ginagawa namin. Kaya naman, kailangan ko talagang makausap si Page patungkol dito. Sigurado akong kapag nalaman niya ito, ay hindi rin siya papayag. Kaya nga kami nagpanggap na engaged ay dahil ayaw niyang ipakasal siya sa babaeng hindi niya naman mahal, 'di ba?

Paniguradong hindi rin siya papayag kung ipakakasal siya sa akin dahil hindi naman namin mahal ang isa't isa. Besides, kung mangyari nga 'yon, ay hindi rin ako papayag.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at inalis muna 'yon sa isipan ko.

"You should also drive with care. 'Wag kayong magmamaneho na tila nasa isang karera kayo dahil hindi ninyo alam kung kailan maaaring mangyari ang mga ganito." Gamit ang isang projector ay ipinakita roon ang mga aksidenteng nangyari dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan.

Napangiwi ako hindi dahil sa nakita kong aksidente, kung 'di dahil sa tatlong babaeng magkakaibigan na katabi ko na grabe kung maka-react sa napanood.

"OMG!"

"I can't watch it!"

Tumaas lang ang kilay ko at hindi na lang pinansin ang mga kaartehan nila sa buhay.

Nagpatuloy ang instructor namin sa pagdi-discuss at nag-focus na lang ako nang mabuti sa mga sinasabi niya.

Lumipas ang kalahating-oras na discussion bago kami lumabas lahat sa isang malawak na area kung saan puwede na kaming mag-practice mag-drive.

Pinasilong muna kami sa isang waiting shed para hintayin ang mga instructor na makakasama namin bawat isa. Wala naman akong ka-close o kakilala sa mga kasama ko kaya naman sa dulo na lang ako umupo.

Habang naghihintay sa magiging instructor ko ay pinanood ko na lang 'yong iba na nagsisimula nang mag-practice. 'Yong isa, hindi ko alam kung matatawa o mapapangiwi ba ako dahil kada andar niya, ay nagpe-preno 'agad siya.

"Ang pogi nung instructor natin kanina!"

"Oo nga! Kaya lang mukhang masungit."

Nilingon ko 'yong tatlong babae na katabi ko kanina sa discussion room. Medyo malayo sila sa pwesto ko pero dahil sa lakas ng kanilang mga boses ay rinig na rinig ko pa rin ang mga pinag-uusapan nila.

"Nakaka-challenge ang mga masusungit," sabi nung babaeng kulay blonde ang buhok.

"I agree. But watch me, girls. Mapapapayag ko siyang makipag-date sa akin," sabi naman nung babaeng may butterfly na tattoo sa braso at pagkatapos ay nagtilian silang tatlo.

Napairap ako dahil sila lang talaga ang maiingay rito. Isinuot ko na lang 'yong shades ko habang pinagmamasdan ang paligid.

The area was surrounded by trees kaya naman hindi gaanong mainit sa lugar na ito. Sa bandang kaliwa naman ay roon naka-park ang mga sasakyan na maaaring gamitin sa pagpa-practice. Bigla tuloy akong na-excite dahil ito ang first time na magmamaneho na ako ng sasakyan.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now