Chapter 13

11 2 4
                                    

Dahil birthday ko, may update ako hahahaha! Enjoy! ❤❤❤

Chapter 13

"Agnes."

"Ha?" Napaangat ako ng tingin. "Uy, Kier, ikaw pala. Bakit?"

Umayos ako ng upo nang makitang nakatayo si Kier sa harapan ng cubicle ko. Nakakahiya dahil paniguradong nakita niyang tulala ako kanina! Tulala ako dahil iniisip ko 'yong nangyari kanina sa elevator nang sabihin ni Page sa secretary niyang si Rachel na engaged kami.

Ngumiti si Kier bago sumagot. "Na sa 'yo raw kasi 'yong blueprint na ginawa ni Roy last month? Sa 'yo niya raw kasi 'yon pinagawan ng interior."

Kumunot ang noo ko para alalahanin 'yong sinasabi niya at 'agad ko namang naalala 'yong blueprint na tinutukoy niya. Iyon 'yong blueprint na dapat ay si Jane ang gagawa ng interior kaya lang medyo maraming ginagawa si Jane noong mga panahong iyon kaya ako ang pinakiusapan ni Roy.

"Ah, oo. Kaya lang inilagay ko na 'yon sa archived room dahil akala ko hindi na kailangan ni Roy," sagot ko sa kaniya. "Gusto mo bang kuhanin ko?"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"Sure. Samahan na kita."

Sabay kaming bumaba sa 5th floor kung nasaan ang archived room. Marami-rami na ang nadagdag na mga files at blueprints dito kaya naman nahirapan akong hanapin 'yong blueprint na gustong kuhanin ni Kier.

Kinuha ko ang isang box kung saan ko natandaang dito ko iyon inilagay.

"So, kailan ang kasal niyo ni Sir Page?" biglang tanong ni Kier habang binubuklat ko ang isang blueprint.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nag-isip ng isasagot.

"Hmm, wala pang exact date, actually," sagot ko at muling inirolyo ang blueprint dahil hindi ito 'yong hinahanap ko.

Tumulong na rin siya sa paghahanap at ako naman ang nagtanong sa kaniya.

"E, ikaw? Wala ka pang balak magpakasal? Imposibleng wala kang girlfriend," I joked.

Tumigil siya sa kaniyang ginagawa kaya napatingin ako sa kaniya. Napansin ko ring tila nag-aalangan siya kung sasagutin niya ba ang tanong ko o hindi. Pero sa huli ay sinagot niya rin.

"I had a girlfriend but... she cheated on me," ibinaba ko ang blueprint na hawak ko. "I don't know her reason why she did that to me. Am I not enough? What did I do wrong? Did she really loved me? Gusto ko siyang tanungin kung bakit, pero natatakot akong malaman ang sagot."

Nagkatitigan kami ni Kier, and somehow, I know what he felt. Alam na alam ko ang pakiramdam na niloko ka ng taong mahal mo kasi minsan na rin akong naloko. And those questions you wanted to asks, but you're afraid to know the answers? That's also what I felt when I discovered that Carlo was cheating on me. Pero ngayong naka-moved on na ako, ay wala na akong pakialam sa kung ano man ang rason ni Carlo sa pangloloko sa akin. I just accepted the fact that maybe we're not meant to be together kaya iyon nangyari sa amin.

"I'm sorry to hear that," I said, sympathetically.

He laughed, tapping the box repeatedly. "No need to be sorry. It's just that, ngayon lang ako may pinagsabihan ng patungkol dito."

Napatango na lang ako at muling hinanap ang blueprint. Pero hindi ko maiwasan na hindi magtanong.

"Nakita mo ba 'yong ipinalit sa 'yo nung ex mo?" tanong ko dahil kung nakita niya nga, gusto kong malaman kung ano ang naging reaksyon niya. Kung sinugod niya ba 'yong lalaki, o mas pinili niyang pakalmahin na lang ang sitwasyon.

Umiling siya. "No. I just knew his name. That asshole named Carlo." Halos mabitiwan ko ang blueprint na hawak ko. Did I hear it right? Carlo? Is this a coincidence? "Mabuti na lang at pumunta na siyang Italy," dagdag niya kaya tuluyan ko nang nabitawan 'yong nakarolyong blueprint na mabilis na gumulong sa sahig.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now