Chapter 28

6 2 1
                                    

Chapter 28

"Good morning, Mrs. Felasco! How was your sleep?"

"What the—" Muntik na akong mapamura nang pagkadilat ko ay ang mga pagmumukha kaagad nina Jane at Elyse ang bumungad sa akin. Parehas silang nakaupo ngayon sa sahig habang nakapangalumbaba sa may edge ng kama.

Inirapan ko silang dalawa bago ako nag-inat. Kaagad na hinanap ng mga mata ko si Page pero hindi ko siya nakita. Wala rin naman siya sa bathroom dahil nang tumingin ako roon, ay nakapatay ang ilaw.

Umupo na lang ako sa kama at muling binalingan ng tingin 'yong dalawa kong kaibigan na ngising-ngisi na naman.

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" Napahikab pa ako pagkatapos ko iyong itanong.

"Maaga kasi kaming pumunta rito at sakto namang palabas na pala si Sir Page. Ang sabi niya tulog ka pa raw kaya naman pinapasok niya na lang kami rito," paliwanag ni Elyse.

"In fairness sa room niyo, ha! Ang laki!" sabat ni Jane sabay halakhak. Tumayo rin siya mula sa pagkakaupo niya bago siya nangialam ng mga gamit na nandito.

"Ang aga niyo naman akong pinuntahan?" Kinuha ko ang cellphone kong nasa bedside table at tiningnan ang oras doon. 6:01 AM. Ang aga namang mambulabog ng dalawang 'to!

"Duh! Ganito kami ka-concern sa 'yo, ano! You almost drowned yesterday and we're so worried!" Jane exclaimed. Padabog pa siyang umupo sa kama kaya naman medyo tumalbog kaming pareho.

Umupo na rin sa may kama si Elyse na sumang-ayon sa sinabi ni Jane.

I sighed deeply. "Alright. I'm sorry kung nag-alala kayo sa 'kin. Hindi ko rin naman inaasahan na mangyayari 'yon at hindi ko ginusto na mangyari 'yon," sabi ko sa kanilang dalawa.

Napabuntong-hininga rin sila.

"We know. We're just so worried. Mabuti na lang talaga at nasagip ka 'agad ni Kier," Elyse said.

Napatango ako. Hindi pa nga pala ako nakapagpapasalamat kay Kier. I need to thank him for saving me.

"Where's Page?" tanong ko at parang bigla kong gustong bawiin iyon nang bumalik na naman ang mga mapang-asar nilang ngisi.

"Nasa resto na, kasama ang mga managers para mag-breakfast. Alam mo na, new CEO. Kailangang magpa-impress ng mga managers," sagot ni Jane. Sabay kaming napailing ni El sa sinabi niya.

"Speaking of him," napatingin ako kay Elyse. "He's so weird yesterday. Nakita na niyang muntik ka nang malunod pero hindi ka man lang niya nilapitan? Kung hindi mo pa binanggit ang pangalan niya bago ka mawalan ng malay, siguro ay hindi pa lalapit 'yon," wika niya na tila takhang-takha sa inasta ni Page kahapon.

Well, at first, I was confused as well. Pero nang malaman ko ang dahilan niya, ay 'agad ko siyang naintindihan.

"May trauma siya sa tubig," sabi ko sa kanilang dalawa.

Nanlaki ang mga mata ni Jane habang si Elyse naman ay napakunot-noo at napanganga.

"Remember the boy I told you before? Iyong lalaki na iniligtas ko kasi muntik nang malunod?" sabay silang napatango. "Well, I just learned that that boy was Page," walang-preno kong sabi sa kanila.

Jane's eyes widened more. "Oh, my God! Seriously?!"

"What a small world!" komento naman ni Elyse na nagulat din sa sinabi ko.

"Yeah, seriously. Kahit ako ay hindi pa rin makapaniwala na siya iyon." Pinaypayan ni Jane ang sarili niya gamit ang kaniyang kamay. Tila hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman.

"Grabe! Feeling ko kaya kayo hindi pinagkita noon ay dahil ngayon kayo pinagtagpo! Oh, my God!"

Napa-face palm na lang ako sa mga pinagsasasabi ni Jane. Kahit kailan talaga.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now