Chapter 27

5 2 0
                                    

Chapter 27

Antok na antok kong idinilat ang mga mata ko pero 'agad din akong napapikit nang maramdaman kong tila nasa tubig pa rin ako hanggang ngayon.

I could feel the thick comforter covering my body right now but I still felt cold.

Muli kong idinilat ang aking mga mata bago iniangat ang comforter at nanlaki ang mga mata ko nang makitang panty at isang malaking t-shirt lang ang tangi kong suot!

"Oh, my God!" I said hysterically. Ano'ng nangyari? Sino ang nagbihis sa akin?!

Napalingon ako sa aking tabi at mas nanlaki ang mga mata ko nang makitang katabi ko pala si Page! Mukhang alam niyang gising na ako dahil sa biglaan kong pagsigaw kaya naman isinarado niya na ang kaniyang laptop bago iyon ipinatong sa may bedside table.

Halos mapatago ako sa ilalim ng comforter nang balingan niya na ako ng tingin.

"How you feeling?" tanong niya at napaiwas ako ng tingin nang makitang naka-boxer shorts lang siya. What the heck! Bakit ganiyan lang ang suot niya?!

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya. Mas lalo ko lang na ibinalot ang sarili ko sa ilalim ng comforter.

Inalala ko ang mga nangyari kanina noong muntik na akong malunod.

Hindi ko alam kung bakit pagkadismaya ang naramdaman ko kanina nang malamang hindi si Page ang sumagip sa akin. I mean, I know that he was there, pero bakit noong naiahon na ako ni Kier mula sa pool ay tila wala siyang pakialam sa akin? Bakit hindi niya ako nilapitan? Bakit tinitigan niya lang ako at pagkatapos ay iniwasan ng tingin?

Alam kong hindi lang siya ang pupuwedeng magligtas sa akin, and I should thank Kier for saving me. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi niya man lang ako nilapitan kahit na nakatingin na ako sa kaniya.

'Tapos ngayon ay tatanungin niya kung ano'ng nararamdaman ko?

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay. Hindi ko alam kung sino ang naghatid dito sa akin, pero mukhang si Kier tutal ay siya naman ang may hawak sa akin kanina.

Pero ang hindi ko lang alam ay kung sino ang nagbihis sa akin? Siguro ay sina Jane at Elyse? Dahil alangan namang ako ang nagbihis sa sarili ko, e wala nga akong malay.

"Agnes, how's your feeling?" muli niyang tanong nung hindi pa rin ako sumasagot.

"Um, I-I'm fine," mahina kong sabi. Sinubukan ko ulit siyang tingnan pero hindi ko talaga magawa dahil masiyadong nakaka-distract ang well-built niyang pangangatawan.

God, bakit ba siya naka-topless? Hindi ba siya nilalamig?!

"Are you mad at me?" he asked and that made me look at him.

Kumunot ang aking noo habang pilit na ipinopokus ang paningin sa kaniyang mga mata.

"No..." Umiling ako. "Bakit naman ako magagalit sa 'yo?" balik kong tanong.

Umayos siya ng upo. Ipinatong niya ang kaniyang kanang braso sa may gilid ng ulo ko habang ang kaniyang kaliwang kamay naman ay walang-sabi niyang ipinatong sa tiyan ko. Napasinghap ako nang dahil doon at halos ilubog ko ang ulo ko sa aking unan nang yumuko siya at bahagyang inilapit ang mukha sa akin.

Mariin akong napalunok nang maramdaman ko ang init ng kaniyang katawan.

"I'm sorry," he gently said. "Ako dapat ang sumagip sa 'yo..." dugtong niya.

Nagtatakha man ay napailing ako. "Don't be sorry. It's okay, you know," sagot ko habang nakatingin pa rin sa kaniyang mga mata. Tila biglang bula na nawala ang nararamdaman kong pagtatampo sa kaniya nang marinig ang sinabi niya.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now