Chapter 12

9 2 1
                                    

Chapter 12

Napangiwi ako nang makitang sobrang dami ng in-order na lunch nung dalawa. Basta talaga kapag libre ay sinusulit nila. Paniguradong isang linggo akong mamumulubi sa dalawang 'to dahil ako ang natalo sa deal naming tatlo.

Kanina, pagkaupong-pagkaupo ko pa lang sa swivel chair ko ay 'agad na nilang sinabi sa akin ang pagkatalo ko. Ayaw ko pa nga sanang maniwala na pumasok sila kahapon pero nakumpirma kong hindi sila nagbibiro nang tanungin ko ang mga ka-officemates ko.

Kaya naman nang mag-lunch, ay unang-una kaming tatlo na lumabas ng office para pumunta rito sa cafeteria.

Sinamaan ko ng tingin si Jane nang makita kong um-order pa siya ng ice cream para sa aming tatlo.

"'Wag mo akong tingnan nang ganiyan. E, kung pumasok ka kahapon, edi sana hindi ka natalo," sabay silang humalakhak ni Elyse habang ako ay napapairap na lang.

Nang makuha na namin ang mga tray ng pagkain namin ay kinuha ko na ang wallet ko para makapagbayad. Pero hindi ko pa man iyon naaabot sa babaeng staff ay nagsalita na ito.

"No need to pay, Ma'am. Bayad na po ang lunch niyong tatlo for one week," nakangiti nitong sabi na nagpakunot ng noo ko.

"What?"

"Talaga?" sabay na react nung dalawa. Ngumiti lang at tumango 'yong babaeng staff bago umalis sa harapan namin para kunin ang order nung susunod sa amin.

Tiningnan ko sina Elyse. "Hindi pa ako nagbabayad—"

Inirapan ako nung dalawa. "Bayad na nga raw 'yong lunch natin. Ayaw mo 'yon, wala ka nang babayaran?" Kinindatan ako ni Jane.

Hanggang sa makaupo kami ay nakakunot pa rin ang noo ko. Maya maya lang din ay nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto ako.

"Ako na ang bahala sa mga lunch nila."

Napasapo ako sa noo ko nang maalala ko 'yong sinabi ni Page. So, ibig sabihin ay totoo ang sinabi niyang siya na ang bahala sa consequence ko? 'Tapos hindi lang si Elyse at Jane ang inilibre niya, pati ako!

"Sino kaya ang nagbayad ng lunch nating tatlo?" painosenteng tanong ni Jane habang hinihiwa 'yong steak na nasa plato niya.

"Oo nga. Sino kaya? Ikaw, Agnes, kilala mo?"

Inirapan ko silang dalawa dahil sa pang-aasar nila. Alam kong alam na nila kung sino ang nagbayad ng mga lunch namin kaya hindi ko sinagot ang mga mapang-asar nilang tanong.

"Mas masarap talaga ang pagkain lalo na kapag libre," ani Jane habang inuubos 'yong kanin at steak na in-order niya.

Ako naman ay kanina pa tapos kumain dahil hindi 'tulad nung dalawa ay kaunti lang ang in-order ko.

"Oo nga pala. 'Di ba, sinundo ka ni Sir Page nung nag-bar tayo? Saan ka niya dinala?" nakangising tanong ni Elyse.

Sumubo ako ng ice cream bago sumagot.

"Malamang sa condo ko," I lied. Kilala ko ang dalawang 'to, lalo na si Jane. Paniguradong may iisipin sila kapag sinabi kong sa condo ako ni Page natulog that time.

Mukha namang naniwala 'yong dalawa sa sinabi ko.

"Pero hindi ko nakita si Sir Page kahapon," tinusok ni Jane ang huling slice ng steak niya bago isinubo. "Hindi rin siya pumasok?" dagdag niya sabay ngisi sa akin.

"Pumunta kami sa bahay nila kahapon," pag-amin ko at nakita kong napanganga silang dalawa.

"Bahay? You mean, bahay talaga nila?" hindi makapaniwalang tanong ni Jane.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now