Chapter 20

6 2 0
                                    

Chapter 20

Napahikab ako nang sa wakas ay natapos na rin ang audition at nakapili na rin kami ng mga isasali para sa fashion show.

And luckily—for Krisha—ay kasama siya sa mga napili.

Well, I could say that she's really good in modeling, I won't deny that, that's why I also chose her to be part of the fashion show. Actually, all of us, judges, chose her.

Besides, I should act professional here. Hindi porket nagkasagutan kami kanina sa may backstage ay gagawin ko na 'yong dahilan para hindi siya piliin. I'm not that kind of a person.

Then, kanina nung turn niya na upang rumampa, I noticed that she was shocked for a while seeing me as one of the judges. Well, I can't blame her for that.

Furthermore, I was a bit annoyed earlier with this guy who's sitting beside me—Oliver, Page's friend.

Paano ba naman kasi, kada lilipas yata ang minuto, ay palagi niya akong titingnan at ngingitian. At kung hindi naman, ay kauusapin niya ako at tatanungin ng kung ano-ano na para bang kung kausapin niya ako ay matagal na kaming magkaibigan.

Masiyado siyang feeling close.

I'd say that Oliver is an annoying type of a person. He's too way talkative as a man but I find him kind and funny at the same time. Kaya ko rin siguro natiis ang anim na oras na katabi siya rito kahit na palagi niya akong dinadaldal.

When the audition was finally over, I bid my goodbyes to my co-judges, other staffs, and of course, to Miss Dindy. She also looked tired and weary yet I could see that she's really enjoying what she's doing.

Nang makalabas ako ng building ay madilim na. Halos mag aalas-nuebe na rin kasi ng gabi. Sa sobrang dami ng mga nag-audition ay inabot na kaming lahat ng gabi rito.

Naghihintay ako ng taxi na masasakyan pauwi nang biglang may humintong kulay puting kotse sa mismong harapan ko.

The window of the car went down and Oliver's goofy face came into view.

"Hey, hop in. Hatid na kita," he said casually.

Ilang segundo yata ang lumipas bago ako tuluyang sumagot.

"Thanks, but I can go home alone," pagtanggi ko sa alok niya.

"Come on. I'm just a concern person here. Besides, you're my friend's fiancée kaya naman I already considered you as my friend, too," aniya at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang labi.

At dahil pagod at inaantok na ako ay pumayag na lamang ako dahil feeling ko ay hindi niya ako titigilan hanggang hindi ako pumapayag sa alok niyang ihatid ako. At saka, kaibigan naman siya ni Page kaya ayos lang naman siguro kung papayag ako.

Nang makapasok ako sa kotse niya ay kaagad kong sinabi sa kaniya ang address ng condominium na tinutuluyan ko at pagkatapos ay hindi na ako umimik pa. Wala na ako sa mood na makipag-usap dahil sa sobrang pagod and I'm thankful dahil mukhang napansin niya 'yon. Hindi na rin kasi siya umimik at tahimik na lang na nag-drive.

Pagkarating sa parking lot ng condo ay 'agad akong bumaba at nagpasalamat. Pagkapasok ko sa unit ko ay mabilisan akong nag-shower at nagpalit ng damit pangtulog.

Gusto ko pa sanang uminom ng gatas pero antok na antok na talaga ako kaya naman pagkahigang-pagkahiga ko pa lang sa kama, ay wala pa yatang isang minuto ay nakatulog na 'agad ako.

---

Saturday had passed so quickly. Um-attend lang ako sa driving class ko at pagka-uwi ko ay nagpalipas ako ng oras sa isang gym then after that ay gumawa ng mga panibagong designs.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now