Chapter 5

6 2 7
                                    

Chapter 5

Pagkarating ko sa office namin ay 'agad kong napansin ang bakanteng cubicle ni Jane. Kapansin-pansin iyon dahil siya ang tinaguriang early bird ng department namin dahil sa sobrang aga niyang pumasok. Pero ngayon ay wala siya roon at alam naman naming lahat ang dahilan.

Nakita ko ring wala si Roy. Well, mabuti na rin 'yon dahil baka kami ni Elyse ang mag-iskandalo rito. Hindi talaga kami magdadalawang-isip na sugurin si Roy dahil sa panglolokong ginawa niya kay Jane.

Dumiretso na ako sa cubicle ko para makapagsimula na sa trabaho.

Mabuti na lang at nakikisama ang utak ko ngayon. Maraming ideas ang pumapasok sa utak ko para matapos ko 'tong design na ginagawa ko para sa isang kliyente. Interior design para sa kwarto ng kaniyang anak ang ipinagagawa niya.

"Morning," napalingon ako sa kadarating lang na si Elyse.

"Morning din," sagot ko bago muling tumingin sa ginagawa ko.

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Elyse.

"Nag-message si Jane. Samahan daw natin siya mamayang gabi sa isang bar. Libre niya raw," umangat ang tingin ko sa kaniya.

"Sure siya?"

Umirap si Elyse. "Samahan na lang natin. Saka kailangan niya rin 'to para makalimot kahit papaano. So ano, game?"

Inirapan ko rin siya. "Fine. Para naman kay Jane," ngumisi kami sa isa't isa bago siya bumalik sa puwesto niya.

Well, tama naman si Elyse. Saka, bonding na rin siguro namin 'tong tatlo since ang tagal na nung last kaming nakapunta sa bar. Naalala kong nag-aya rin pala ako noon na mag-bar nung time na nag-break kami ni Carlo.

And speaking of the devil, he's calling.

Kinuha ko ang phone ko. Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ito o hindi. Ano na naman ba ang kailangan niya? Hindi ba niya talaga ako lulubayan? Sa pagkakaalam ko ay tumuloy na talaga siya papuntang Italy pero bakit hanggang doon ay kinukulit niya ako?

Huminga ako nang malalim. Okay, kailangan ko siyang kausapin. Kailangan kong malaman kung may pinagsabihan ba siya about doon sa nangyari sa restaurant. Wala pa namang nagtatanong o nagsasabi sa akin ng patungkol doon pero mabuti na ang sigurado.

Sinagot ko ang tawag niya.

"Hello?" hindi ako sumagot. Instead ay tumayo ako at pumunta sa dispenser para magtimpla ng kape. "Agnes, I know you're listening, so don't hang up the call."

Nang makapagtimpla na ako ng kape ay lumabas ako ng office at dumiretso sa pinakadulo ng hallway. Nasa tapat ako ng malaking glass wall kung saan kitang-kita ang iba pang mga building na nagtataasan at ang kalsada sa ibaba na nag-uumpisa nang mapuno ng mga sasakyan.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong ko sa kaniya sa wakas. "Nasa trabaho ako kaya sabihin mo na ang sasabihin mo."

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga mula sa kabilang linya.

"Alam kong ilang beses ko na 'tong nasabi sa 'yo pero hindi ako magsasawang paulit-ulit na humingi ng tawad sa 'yo," tahimik akong nakinig sa mga sinasabi niya. "I'm really, really sorry, Agnes. I really do. Alam kong hindi sapat ang lahat ng sorry ko sa nagawa ko sa 'yo at tanggap ko 'yon. Na-realize ko rin na tama ka... tama ka na hinding-hindi na nga natin maibabalik ang dati."

Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang mga ito. I mean, para saan pa? Ayos na sa akin ang layuan at lubayan niya ako. Sawang-sawa na akong marinig ang paghingi niya ng tawad sa akin.

Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. May parte sa akin na gustong marinig ang mga sasabihin niya. Maybe, I should listen to him this time? Tutal ay malayo naman na kami sa isa't isa. Feeling ko rin ay ito na ang tamang pagkakataon para pakinggan ko ang mga paliwanag niya na pilit kong hindi pinakikinggan noon.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now