Chapter 9

9 2 1
                                    

Chapter 9

Mabilis na lumipas ang mga araw.

Linggo ngayon at kagagaling ko lang mula sa driving class ko. Mag aala-una na at hindi pa ako nakakapag-lunch. Hindi naman ako sobrang gutom kaya ramen na lang ang iniluto ko.

Pagkatapos kong kumain at maghugas ng pinggan ay pumasok na ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. Balak kong maglinis ngayon ng condo unit ko since ang tagal na rin noong last na nakapaglinis ako. At saka, masiyado talaga akong na-conscious noong makita ko kung gaano kalinis ang condo unit ni Page. Mahihiya kang itapak ang sapatos mo sa sahig ng unit niya.

Dapat nga ay kahapon talaga ako magge-general cleaning. Kaya lang, naisip kong kahapon na lang tapusin ang mga designs na kailangan ko para ngayon ay paglilinis lang ang aatupagin ko.

Ipinusod ko ang buhok ko at nagsimula nang maglinis.

"So, he cooked for you?"

Tiningnan ko si Elyse at Jane na kausap ko through video call.

As usual, I told them about what happened nang dalhin ako ni Page sa condo niya. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa sinabi sa dalawang 'to gayong alam kong makatatanggap na naman ako ng mga pang-aasar mula sa kanila.

"Yeah," sagot ko at nagpatuloy sa pagpupunas ng mga frames.

"But, wait. It means, tatagal pa ng ilang buwan ang pagpapanggap niyo?" tanong ni Elyse.

Binitiwan ko ang pamunas na hawak ko bago ako umupo sa sofa. Ipinatong ko ang laptop ko sa lap bago sagutin ang tanong ni Elyse.

"Nope," huminga ako nang malalim. "May sasabihin ako," seryoso kong sabi sa dalawa.

"Oh, my God!" Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon ni Jane. "Don't tell us na may nangyari sa inyong dalawa?!"

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"What the hell? Ano'ng pinagsasasabi mo riyan?"

"Relax, Jane. Engaged pa lang sila, hindi pa kasal," humalakhak si Elyse.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"You're both crazy," naiiling kong sabi sa kanila.

"We know," they said in unison.

Tumawa si Elyse sa nakabusangot kong mukha.

"Pft. Ano ba kasi 'yang sasabihin mo? Masiyado ka kasing seryoso riyan," sabi ni Elyse.

"Oo nga. Pero walang nangyari-"

"Oh, shut up, Maryjane! Wala!" naiinis kong sigaw kay Jane. Seriously, alam kong may pagkasaltik ang isang 'to, pero ganoon ba ang tingin niya sa akin?!

"Oh, chill. Nagbibiro lang ako. I'm sorry," she made a peace sign.

"Hayaan mo na 'yan, Agnes. May saltik talaga 'yan. So, ano na nga 'yong sasabihin mo?"

Huminga ako nang malalim at napapikit. Ayokong sabihin sa kanila 'to pero kailangan ko ng advice para dito.

"Gusto ko nang itigil 'tong pagpapanggap namin," sabi ko bago dumilat para tingnan silang dalawa.

"What?"

"Pardon?"

Hindi ko na inulit 'yong sinabi ko.

"Wait, wait, wait. Aayaw ka na sa pagpapangap niyo?" tumango ako. "Why? I mean, dahil ba tatagal pa ito?" naguguluhang tanong ni Elyse.

Napailing ako. "I don't know. Maybe yes, maybe no? I just realized na parang hindi tama na magpanggap kami."

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now