Chapter 7

5 2 2
                                    

Chapter 7

Naging busy ako sa trabaho these past few days. Hindi nga rin natuloy ang pagba-bar namin no'n nina Elyse dahil nagkaroon siya ng emergency. Bigla ko ring naalala that time na hindi ako puwedeng maglasing dahil kailangan kong i-meet ang client ko kinabukasan.

At para hindi magtampo si Jane ay inaya ko na lang siyang mag-movie marathon sa kanila. Mabuti na lang at pumayag siya at sinabing sa susunod na lang kami mag-bar.

Nandito kaming tatlo ngayon sa cafeteria at kumakain ng lunch. Ngayon na nga lang ulit kami nagkasabay-sabay kumain dahil nga pare-pareho kaming mga naging busy sa trabaho.

"Bakit ang malas natin sa love life at trabaho, Agnes?" nakabusangot na sabi ni Jane.

Bilib nga ako sa babaeng 'to, e. Isang araw lang um-absent. Parang wala lang sa kaniya kahit makita niya si Roy araw-araw. Hindi ko nga alam kung mabuti bang ganito siya o hindi. Sa inaasta niya kasi ay parang hindi sila nag-break ni Roy.

"Mabuti pa ako kahit walang love life ay swerte sa trabaho," pagsabat ni Elyse sabay halakhak kaya inirapan namin siya ni Jane.

"Palit nga tayo ng kliyente! Naba-badtrip ako sa bago kong kliyente. Wagas makareklamo. Tsk!" Padabog na kinain ni Jane 'yong spaghetti niya.

"Hah. Ayoko nga. Ang swerte ko kaya sa kliyente ko. Ang gwapo! Feeling ko magkaka-love life ako dahil sa trabaho!" kinikilig na sabi naman ni Elyse.

Kumagat na lang ako sa pizza ko habang tahimik lang na nakikinig sa kanilang dalawa.

Well, hindi ko alam kung sinasad'ya ba ng tadhana pero pareho kami ni Jane ngayon na naiinis sa mga kliyente namin. Habang ito namang si Elyse ay mukhang sinuswerte. Nakahanap ng gwapo at mayamang kliyente kaya ganiyan.

"By the way, kumusta naman ang kaibigan naming engaged na?" Tumigil ako sa pagkain bago tiningnan si Elyse.

"Tumigil ka nga. Mamaya may makarinig sa 'yo. Saka, fake nga lang 'yon. Tss," inirapan ko silang dalawa.

Ilang araw na ang lumilipas simula nang magpunta rito si Page. After that, ay hindi na ulit kami nagkita pero nagme-message naman siya sa akin paminsan-minsan. Hindi ko na rin alam kung ano na ba ang ganap sa pagpapanggap namin. Kung ano ba talaga ang plano niya at kung ano ba ang gusto niyang mangyari.

Well, ayos pa naman sa akin ang set-up na ganito as long as walang makaaalam na nagpapanggap lamang kami. Pero gusto ko na rin itong matapos as soon as possible pero mukhang malabo dahil hindi ko talaga alam ang plano ni Page. Siguro ay once magkita kami ay tatanungin ko na siya patungkol dito.

Uminom ako ng juice at napatingin sa kabilang table kung saan may apat na babaeng kumakain doon. Kumunot ang noo ko sa kanila nang makitang tinitingnan nila ako at maya maya ay magbubulungan.

Ano'ng problema ng mga 'yon sa akin?

"Oy, Agnes. Sino'ng tinitingnan mo?" tanong ni Jane kaya lumingon din siya sa apat na babaeng tinitingnan ko.

"Naku. Siguro nagtatakha ang mga 'yan kung bakit magkakilala kayo ni Sir Page." Nginisian ako ni Elyse.

Bigla ko tuloy naalala 'yong pangyayari noon sa lobby. Hindi ko talaga ine-expect na walang maglalakas-loob na magtanong sa akin kung paano ko nakilala o kung bakit kami magkakilala ni Page. It's just so weird. Pati mga ka-officemates kong halos ka-close ko lahat ay hindi nagtanong. Nakuntento na lang sila sa pagtingin sa akin at pagbubulungan.

Tiningnan ko ang dalawa kong kaibigan.

"Hindi ba't parang ang weird?"

"Weird? Ang alin?" tanong ni Jane.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now