Chapter 8

8 2 0
                                    

Chapter 8

Isang nakabibinging katahimikan ang namutawi sa aming tatlo pagkatapos iyong sabihin ni Page.

Gusto ko siyang tanungin ngayon kung sino ba ang babaeng 'to. Pero sa totoo lang, may kutob na ako kung sino ito. Kompirmasyon na lang ang kailangan ko para malaman kung totoo ba ang kutob ko.

Tinitigan ko ang babaeng nasa harapan namin. I could clearly saw her eyes glistened because of tears. Halatang pinipigilan niya lang na umiyak sa harapan namin.

"Is this some kind of a prank?" Tumawa siya ng mapait. "Come on, Page. Pumunta ako rito para mapaghandaan na natin ang mangyayaring engagement party natin next week."

So, I was right. Siya nga ang babaeng ipakakasal kay Page.

"This isn't a prank, Krisha. I'm engaged with this girl. Only her. At kung may paghahandaan mang engagement party, kaming dalawa ang maghahanda niyon," seryosong sabi ni Page na tila walang pakialam kung nasasaktan niya na si Krisha dahil sa mga sinasabi niya.

Krisha shook her head repeatedly.

"No..." Lumapit siya sa amin at binalingan ako ng tingin. She looked at me from head to toe na para bang sinusuri niya ang buong pagkatao ko.

Tumatawa siyang tumingin kay Page.

"Talagang nanghila ka pa ng empleyado mo para magpanggap?" muli niya akong tiningnan. "It's okay, Miss. Puwede ka nang bumalik sa trabaho mo."

Kumunot ang noo ko. So, akala niya nagpapanggap lang kami? Well, nagpapanggap naman talaga kami. Pero buong akala niya siguro ay niloloko lamang siya ni Page.

Hindi ako umimik at nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Kumunot din ang noo niya at kita ko sa mga mata niya na kanina niya pa ako gustong paalisin.

I prevented myself from smiling. Okay. This is the right time to do your part as Page's fiancée, Agnes. You should act well and properly.

"Yes, you're right. I'm his employee. Pero hindi niya ako hinila para magpanggap lang. I really am his fiancée as you can see." Ipinakita ko sa kaniya ang kamay kong may suot na engagement ring.

Her jaw dropped. Gulat na gulat siya habang itinuturo ang singsing.

"T-That ring..." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "But, Page... You told me na wala kang girlfriend! Kaya imposibleng magkaroon ka ng fiancée!"

"It's possible, Krisha. I thought, hindi itutuloy ng mga parents natin ang pagpapakasal sa atin kaya hindi ko muna sinabi sa kanila na may girlfriend ako. But you were so persistent na maikasal sa akin kaya noong malaman kong magkakaroon ng engagement party next week, hindi na ako nagdalawang-isip na mag-propose kay Agnes. So, stop this, Krisha. You're just wasting your time loving me gayong iba ang mahal ko," seryoso at mahabang paliwanag ni Page.

Tuluyang naiyak si Krisha at nagulantang ako nang bigla niyang sampalin si Page.

I know that this is hard for her. He loves Page so much pero wala na siyang magagawa kung hindi naman siya mahal ni Page. Totoong nagpapanggap lamang kami ni Page pero hindi ko maiwasang mahabag gayong may masasaktan kami sa pagpapanggap na ito. Hindi ko nga rin alam kung tama pa nga ba 'tong ginagawa namin? Alam kong umpisa pa lang 'to nang pagpapanggap namin pero parang gusto ko na yatang umatras. Knowing na may masasaktan kaming tao na nagmamahal lang naman.

I bit my lower lip. I must ready myself. Lalo na kapag nalaman na ng mga parents nila ang tungkol sa amin. Hindi ko alam kung magagawa ko pa bang umarte at magpanggap nang maayos kapag nangyari 'yon?

"Paasa ka! Pinaasa mo ako! I thought... I thought na ayos lang na tayo ang magpakasal! Akala ko gusto mo rin, but I was so stupid hoping for that!"

Bigla akong nagpalingun-lingon sa paligid dahil sa biglaang pagwawala ni Krisha. Nakahinga lang ako nang maluwang nang makitang kaming tatlo lang ang nandito sa lobby maliban sa dalawang guard na tila kinausap na ni Page na magbantay upang walang makakita sa pangyayaring ito.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now