Chapter 18

6 2 0
                                    

Chapter 18

"I'm sorry, I'm late. Sobrang traffic kasi," I apologized when I sat down beside Kier.

"It's alright. Kadarating lang din naman naming tatlo," nakangiting sagot ni Kier. "Oh, by the way, this is Christine, my friend, and her husband, Romell," pakilala ni Kier sa dalawang taong nasa harapan namin.

Ngumiti naman ako at nakipagkamay sa kanilang dalawa.

"And she's Agnes, 'yong interior designer na ni-recommend ko sa 'yo, Chris."

"Nice meeting you, Miss Agnes. Um, nag-breakfast ka na ba? Magpapatawag ako ng waiter," sabi ni Christine at itinaas niya ang kaniyang kamay upang tumawag ng waiter.

"Coffee will do," sagot ko nang tanungin niya ako kung ano'ng gusto ko.

Hinayaan ko silang tatlo na sabihin sa waiter ang kani-kanilang mga order.

Nandito kami ngayon sa isang coffee-resto na hindi gano'n kalayo mula sa opisina. Kahapon kasi ay sinabi ni Kier na ni-recommend niya raw ako sa isa niyang kaibigan at ngayon daw namin imi-meet ang kaibigan niya na magiging client ko—which is his friend named Christine na kasama ang asawa nito.

Christine looks so calm and soft. Napakaamo ng kaniyang mukha at mukha pang mabait. She has a curly short hair that bounces whenever she moved her head. Maganda rin ang kaniyang kilay na halatang natural. Kapansin-pansin din sa kaniya ang suot niyang contact lense na kulay gray na bumagay naman sa kaniya. Well, like her, mukha naman ding mabait ang kaniyang asawa. Pero hindi ito ngumingiti at palagi lang seryoso.

Mabuti na lang talaga at mabait silang dalawa. Nakakahiya talaga dahil na-late ako sa oras ng usapan namin.

Kanina kasi, noong paalis na ako ay nahirapan akong mag-abang ng masasakyan na taxi. Lahat ng pinapara ko ay puro may mga sakay na. Gusto ko mang gamitin na 'yong sasakyan ko ay hindi pa puwede. Hindi pa kasi ako nakakapasa sa driving class ko. 'Tapos 'yong license ko ay hindi ko pa nakukuha.

"So, Miss Agnes, mayroon na kaming naiisip na mga possible designs for our house and ang gusto na lang namin ay hingin ang tulong mo about doon," pag-uumpisa ni Christine nang ma i-serve na ang mga order namin.

"Pero 'yong designs na naiisip namin ay para lang sa magiging kwarto namin. Then, the rest ay ipauubaya na namin sa 'yo," sabi naman ng kaniyang asawa na si Romell.

I slowly took a sip from my coffee.

"Well, may mga dala akong designs dito." Inilapag ko sa table 'yong clear book ko na may mga iba't ibang klaseng interior designs na sariling ideas ko. "Puwede kayong pumili riyan at tingnan kung babagay ba sa bahay niyo."

They both look at the clear book and flip it to scan my designs.

"Kaya kita ni-recommend, e."

"Huh?" tanong ko dahil hindi ko naintindihan ang ibig sabihin ni Kier.

Nilingon niya ako at nginitian. Busy pa 'yong mag-asawa sa pagtingin sa mga designs kaya naman nakakapag-usap kami ni Kier.

"You're a girl scout. Talagang may hinanda ka nang mga designs for them," bulong niya.

Natawa ako. "Yeah. I'm always prepared sa mga ganito," sagot ko sa kaniya.

"That's... impressive," he gave me a thumb's up.

Nginitian ko na lang din siya bago muling tumingin kina Christine na nakatingin na pala sa amin.

"Bagay kayo," biglang sabi ni Christine at kahit hindi ako umiinom ng kape, ay para akong nasamid.

"Come on, Christine. We're just friends. Besides, Agnes' already engaged," Kier answered nonchalantly. Itinuro niya pa ang kamay ko na may suot na singsing.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now