Chapter 19

4 2 3
                                    

Chapter 19

Sinamaan ko ng tingin sina Jane at Elyse nang maramdaman ko na naman ang pagsipa nilang dalawa sa paa ko sa ilalim ng lamesa. Kanina ko pa talaga sila gustong sabunutan dahil sa mga mapang-asar nilang tingin, pero hindi ko magawa dahil nasa tabi ko lang si Page.

Ano ba kasing pumasok sa isipan niya at sinabayan niya kaming kumain dito?

Nakita ko ring halos patapos na silang tatlo sa mga kinakain nila, samantalang 'yong pagkain ko ay hindi pa nangangalahati. Sino kayang makakakain ng maayos kung halos lahat ng mga taong nandito ay nakatingin mismo sa akin?

"Bakit hindi ka kumakain?" tanong ni Page kaya napatingin ako sa kaniya. "You want me to feed you?"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, ay hindi na napigilan nina Elyse at Jane ang mga tawa nila. Halos maluha pa silang dalawa sa katatawa. I swear, makatatanggap talaga sila sa akin ng tig-isang sapak mamaya.

Akala ko ay nagbibiro lang si Page pero nanlaki ang mga mata ko nang kinuha niya 'yong kutsara ko at nilagyan 'yon ng kanin at ulam bago itinapat sa bibig ko.

"A-Ako na," nauutal kong sabi sabay kuha nung kutsara sa kamay niya.

Damn, ano bang problema ng isang 'to? Alam kong nagpapanggap kami as engaged, pero gusto niya ba talaga na malaman 'yon ng lahat ng mga tao rito?! Kasi ako, hindi!

Nginitian niya lang ako bago siya muling nagpatuloy sa kaniyang pagkain.

Kahit nawala na ang gana ko ay pinilit ko na lang na ubusin ang pagkain ko para matapos na ito at nang makaalis na kami rito.

"Sir Page, thank you pala sa lunch treat mo sa amin," biglang sabi ni Jane at nakita kong tapos na silang dalawa ni El na kumain.

"No problem," sagot sa kanila ni Page.

Nang sa wakas ay matapos akong kumain ay 'agad na akong tumayo sa pagkakaupo at tiningnan ko ang katabi ko na tumayo rin.

Tumingin siya kina Jane at Elyse na pareho pa ring nakaupo hanggang ngayon.

"Kunin ko muna 'tong kaibigan niyo," sabi niya sa dalawa sabay hawak sa kamay ko. "Let's go."

Aapila pa sana ako pero tuloy-tuloy niya lang ako na hinila palabas ng cafeteria. Bawat tao na nakaharang sa daan ay napapatabi nang makitang si Page ang dadaan at pagkatapos ay babagsak sa akin ang mga mapanuri nilang tingin.

Oh, great!

Nang medyo makalayo na kami sa cafeteria ay saka pa lang ako nagkaroon ng chance na magsalita.

"Why did you do that?" tanong ko na nagpahinto sa kaniya sa paglalakad.

Tiningnan niya ako. "Did what?" balik niyang tanong.

I mentally rolled my eyes.

"There! In the cafeteria! Bakit ka pumunta roon at sumabay sa aming kumain?"

"Bakit, bawal bang sumabay sa inyo?" halos mapa-face palm ako sa naging sagot niya.

"Siyempre, hindi! Ang inaalala ko lang ay 'yong mga tao sa cafeteria. Ano na lang ang iisipin nila?!" naf-frustrate kong paliwanag sa kaniya.

"It is part of my plan," kumunot ang noo ko. "Mas mapaniniwala natin si Krisha na hindi tayo nagpapanggap kung pati ang ibang mga tao ay maniniwala na may relasyon talaga tayo," kaswal niyang paliwanag.

"So, kaya mo ito ginagawa dahil gusto mo talagang malaman ng mga tao na engaged tayo?"

Isang ngiti ang ibinigay niya. "Exactly."

Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga.

"Well, kung nagwo-worry ka man sa iisipin ng mga tao once na matapos na 'tong pagpapanggap natin, you need not to worry about it dahil ako na ang bahala roon," aniya kaya muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now