Chapter 6

3 2 3
                                    

Chapter 6

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko habang nagpapalingun-lingon sa paligid. Nasaan na 'yong Allen Felasco na 'yon?

Muli kong tiningnan si Page na nakangisi pa rin hanggang ngayon.

"Sino'ng hinahanap mo?" balik niyang tanong sa akin. "Ako ang nagpatawag sa 'yo."

"Ha?" naguguluhan kong tanong.

Bigla niya namang hinila 'yong kamay ko kaya napaupo rin ako sa tabi niya. Binitiwan niya ang kamay ko at inilahad iyon sa harapan ko para makipag-shakehands.

Kumunot ang noo ko.

"My whole name is Page Allen Felasco." Kaagad na napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Wait-what? "And I'm now the new CEO of this company."

Hindi ako nakapagsalita. Nakatulala lang ako sa kaniya habang pinoproseso ng utak ko ang mga sinabi niya.

So, this is the reason why he's so damn rich. He's the freaking new CEO of this company where I was working! Bakit nga ba kasi hindi ko naisipang itanong sa kaniya ang buo niyang pangalan? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil siya na ang bago naming boss.

Nagulat naman ako sa bigla niyang pagpitik ng daliri sa harapan ko.

"A-Ano?" halos mabatukan ko ang sarili ko nang mautal ako.

Tiningnan ko siya at nakita kong bumaba ang paningin niya sa kamay ko. Sumeryoso ang mukha niya bago ako muling tingnan.

"Where's your ring?" tumaas ang isa niyang kilay.

"Uh, nasa wallet ko. Hinubad ko kasi baka may makakita," napaiwas ako ng tingin.

Shit. Bakit ba kasi sa dinami-rami nang magiging anak ni Mr. Felasco ay itong si Page pa?!

"Ayaw mo bang malaman nila?"

Umiling ako nang hindi pa rin tumitingin sa kanya. "Hindi naman. I mean-fake lang naman 'to, so it's better kung kaunti lang ang makaaalam, 'di ba?" sagot ko.

"E, paano kung gusto kong malaman nila?" seryoso niyang sabi kaya nagawa ko na siyang tingnan.

"Ha?"

He shook his head then smirked.

"Never mind. Malalaman din naman nila."

Nakakunot-noo lang ako habang nakatingin sa kaniya. Iniisip ko pa lang na malalaman ng mga taong nandito na 'fiancée' niya ako ay hindi ko na maiwasang kilabutan at mahiya. Lalo na sina Elyse na for sure ay iintrigahin ako patungkol dito. Mukhang kailangan kong sabihin sa kanila ni Jane ang totoo tutal ay kaibigan ko naman silang dalawa.

"Hindi ba uso sa 'yo ang suklay?" Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang sinabi niya. Bigla niyang itinuro 'yong buhok kong alam kong kanina pa magulo. "Mukha ka tuloy mangkukulam," napahalakhak siya sa sarili niyang biro.

Sinimangutan ko siya.

"Manahimik ka nga. Bakit mo ba kasi talaga ako ipinatawag? Istorbo ka sa trabaho," nakairap kong sabi sa kaniya.

Pero imbis na sagutin ako ay nagulat ako nang bigla niyang inalis 'yong tali ng buhok ko kaya naman lumugay na ang medyo kulot kong buhok na may katamtamang haba.

"Talikod ka."

"Bakit?" tanong ko at sinubukan kong agawin sa kaniya 'yong tali ko pero inilayo niya 'yon.

"Basta. Talikod na." Hindi ako gumalaw at tiningnan lang siya. "Tsk."

Hinawakan niya ang magkabilaan kong balikat at siya na mismo ang pumihit sa akin para talikuran siya. Ano ba ang gagawin niya?

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now