Chapter 2

10 2 4
                                    

Chapter 2

Hindi ko maiwasang mapatitig sa singsing na nasa daliri ko habang kumakain ako ng dinner.

Until now, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat ng mga nangyari kanina. Gusto kong hilingin na sana paggising ko bukas ay panaginip na lang ang lahat pero alam kong malabo dahil hindi ito isang panaginip. It's just that, ang weird lang sa pakiramdam kapag naaalala kong engaged na ako sa isang taong hindi ko lubos na kilala and worst, hindi ko mahal. Alam kong fake lang itong gagawin namin. Magpapanggap na kunwari ay mahal namin ang isa't isa-gosh, Agnes. Kilabutan ka nga.

Kanina, bago kami tuluyang umalis ng mall ay hiningi niya ang number ko para may contact daw siya sa akin. Umaasa nga ako na sana ay tawagan niya ako at sabihing 'wag na naming ituloy itong pagpapanggap. But that's impossible. Gumastos na siya ng milyon para sa singsing 'tapos maiisipan niya pang umatras?

Napabuntong-hininga ako. Siguro ay magpapadala na lang ako sa agos kung saan man papunta ang lahat ng ito? Sana lang ay 'wag akong magsisi sa huli.

Tumayo na ako at hinugasan 'yong pinagkainan ko bago dumiretso sa banyo para makapag-shower. Nagbihis ako ng pangtulog na damit bago pabagsak na humiga sa kama. Niyakap ko ang unan ko nang biglang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko 'yon mula sa table na nasa gilid ng kama at nakita kong si Mom 'yong tumatawag.

Ilang minuto rin kaming nag-usap. Nangumusta lang naman siya at muli akong tinanong kung ayaw ko ba raw talagang tumira sa Canada para daw makasama ko na sila. Sinabi ko na lang na gusto ko pang mag-stay rito sa Pilipinas at pilit kong iniba ang topic.

Nalaman din ni Mom ang nangyari sa 'min ni Carlo at tila mas galit na galit pa siya kaysa sa akin. Mabuti na rin daw ang naging desisyon kong hindi na makipagbalikan pa kay Carlo dahil wala naman nang patutunguhan ang relasyon naming nagkalamat na.

Hindi ko rin sinabi kay Mom kung paano ko napilit si Carlo na tigilan na ako. Basta ang sinabi ko ay pumunta na itong Italy para doon magtrabaho. Hindi ko pwedeng sabihin kay Mom na engaged na ako ngayon sa taong hindi ko naman lubos na kilala. Kahit na fake engagement lang ito ay alam kong hindi papayag si mom. Kapag nalaman niya ang tungkol dito ay baka siya pa ang magpa-book ng ticket ko papuntang Canada.

Kinumusta ko na lang sina Dad, Lolo and Lola. Maayos naman daw sila roon at masaya. Mas masaya nga lang daw kung kumpleto kaming lahat na nandoon.

Nang matapos kaming mag-usap ni Mom, ay akmang ibabalik ko na sa table 'yong phone nang muli iyong mag-ring. Baka may nakalimutang sabihin si Mom.

"Bakit-"

"Bakit ang tagal mong sagutin?" Natigilan ako.

Inalis ko sa tainga 'yong phone at nakita ang unregistered number nitong tumawag. Hindi man naka-register ang number niya at kahit kanina lang kami nagkakila ay 'agad kong nakilala ang boses niya.

Napalunok ako bago sumagot. "Bakit ka tumawag?" balik kong tanong sa kaniya.

"Bakit, bawal ko bang kausapin ang fiancée ko?" Naitikom ko ang bibig ko. Hindi ba siya naiilang sa sinasabi niya? Ako kasi naiilang, e. O, sad'yang naninibago lang ako?

Umalis ako sa kama ko at pumunta sa veranda. Sumandal ako sa railings habang pinagmamasdan ang buong city lights mula rito sa kinatatayuan ko.

"Hindi naman," sagot ko. "Bakit ka nga kasi tumawag?" muli kong tanong.

"Nothing. Just checking kung sasagutin mo ba ang tawag ko."

Gusto ko sanang sabihin na aksidente lang ang pagsagot ko sa tawag niya dahil akala ko ay tumatawag ulit si Mom, but it turned out na siya pala ang tumatawag.

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now