Chapter 25

9 2 2
                                    

Chapter 25

"Agnes, may nagpapabigay."

"Ha? Kanino raw galing?" tanong ko kay Lianne na isa sa mga katrabaho ko.

Nagkibit-balikat siya. "Pinasuyo lang sa akin nung guard sa baba. Ibigay raw sa 'yo," sagot niya bago naglakad pabalik sa cubicle niya.

Tiningnan ko ang puting envelope na ibinigay sa akin. At kahit hindi ko pa man ito nabubuksan, ay alam ko na kaagad kung ano ang nasa loob nito at kung kanino ito galing.

This is the same white envelope that Krisha gave me when we talked a few days ago. Sinabi ko na sa kaniyang hindi ko gagawin ang gusto niya, but she's still keep on insisting. Talagang ipinadala niya pa ito rito.

"Ano 'yan?" Hindi pa man ako nakasasagot ay nakuha na ni Jane 'yong envelope mula sa kamay ko.

"Is this legit?" gulat na tanong ni Elyse nang mabasa nila kung ano ang nasa loob nito.

"Kanino galing 'to?" tanong naman ni Jane kaya wala na akong nagawa kung 'di ang sabihin sa kanila ang naging pag-uusap namin ni Krisha sa may fire-exit.

"Wow," reaksyon ni Elyse. "Talagang patay na patay siya kay Sir Page, ah."

Nagkibit-balikat ako.

"Pero maiba ako," isang mapang-asar na ngisi ang ibinigay sa akin ni Jane. "Nagpapanggap pa rin ba kayo, o totohanan na? May pahalik-halik na sa noo, e," pang-aasar niya at sabay silang tumawa ni Elyse.

"Kasama 'yon sa pagpapanggap," mariin kong sabi bago sila inirapang pareho. Napakamalisyosa talaga ng dalawang 'to.

"By the way, nakapag-impake na ba kayo para bukas?" pag-iiba ni Elyse sa usapan. "Nae-excite na ako!" aniya na tinutukoy ang tungkol sa team building namin dahil bukas na iyon.

Sabay naming tiningnan si Jane na ngayon ay nakasimangot na. And somehow, parang alam ko na kung paano ko matutulungan si Roy. Siguro ay gagawa ako ng way para makapag-usap sila sa darating na team building namin. Kailangan ko itong ikuwento kay Elyse para matulungan niya ako.

Bumalik na rin naman 'yong dalawa sa mga pwesto nila dahil may mga tatapusin pa raw sila. Ako naman ay nakatunganga lang dahil kahapon ko pa tapos ang mga designs na kailangang tapusin. Dapat pala ay hindi na lang ako pumasok at nag-impake na lang ng mga dadalhin ko para bukas.

"Everyone, listen. Sa tapat ng building ang meet-up place tomorrow, okay? 5 AM sharp ay dapat kompleto na ang lahat. Ayoko nang may mala-late."

Tumango kaming lahat sa sinabi ng manager namin. Pumunta siya rito ngayon para ipaalala iyon at sabihing maaga ang magiging out namin ngayon para makapag-prepare pa kami.

"Hatid ka na namin pauwi?" tanong ni Elyse habang nasa elevator kami. Sasagot pa lang sana ako pero naunahan na ako ni Jane.

"Baka nakakalimutan mo, may taga-hatid at sundo 'yan," nginisian niya ako.

"Ay, oo nga pala," sagot ni Elyse at sabay silang tumawa. Napairap na lang ako dahil nag-uumpisa na namang mang-asar ang dalawang 'to.

Simula kasi noong nagkasakit si Page, ay nagulat na lang ako na inihahatid at sundo niya na ako nung mga sumunod na araw. Kapag lalabas na ako ng building, ay 'yong sasakyan niya kaagad ang makikita kong naka-park at siya na nakasandal doon, hinihintay ako.

Wala akong ideya kung bakit niya iyon ginagawa pero hinahayaan ko na lang. Maybe, it's his way of saying thank you when I took care of him when he was sick.

Pero mukhang hindi niya ako maihahatid ngayon dahil pagkalabas ko ay hindi ko namataan ang kaniyang sasakyan. Hindi ko alam kung alam niya bang maaga ang out naming mga empleyado niya ngayon o hindi. Or baka naman alam niya, pero may importante pa siyang ginagawa?

The Fake Engagement (On-going)Where stories live. Discover now