CHAPTER 2

1.3K 20 0
                                    

NAGMAMADALI siyang bumaba mula sa condo unit na inukupahan nila ni Sidney dahil pupuntahan daw ni Lareign ang kasintahan at dapat lang siyang magtago. Takot siyang mahuli sa kasalanan dahil bukod sa menor de edad siya, alam niyang isusumpa siya ng mga magulang niya.

"Why didn't you tell me that she's coming?" Natataranta niyang saad sa elevator habang nakasuot ng polong puti, hindi alintana ang iksi ng suot

"I didn't know." Kalmadong saad ng lalaki bago bumaling sa kaniya "Let's stop this, Siri. I'm done."

"What?" Kunot-noo niya itong tinignan kahit may namumuong-luha sa kaniyang mata "Anong ibig mong sabihin? Pagkatapos mo kong pagsawaan at sabihin na sayo lang ako, ganon nalang yun?"

"I'm done playing with you, child. Now, leave." Malamig nitong sambit nang diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata

"No!" She screamed as the elevator door opened, revealing Lareign who's watching them closely, her eyes are full of questions "Lareign! Please, hear me out!"

"Siri!" Hinawakan ni Sidney ang braso niya ngunit pumiglas siya at hinila ang di makapaniwalang babae papunta sa parking lot

"Lareign, mahal ko si Sidney. Please, I don't want to lose the man who I learned to love." Lumuhod siya sa harapan nito at nagmakaawa

"What are you saying? Wait, how old are you? Why are you even here in this place?" Sinubukan siya nitong patayuin ngunit patuloy pa rin siya sa pag-iling "Sid, what is happening?"

"Lareign, mahal ko siya. Huwag mo siyang kunin sa akin." Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak nang makita ang mahigpit na pagyakap ni Sidney sa kasintahan na mas nagpadurog sa kaniya "Sidney, sabihin mo sa kaniya lahat ng sinabi mo sa akin. Na hihiwalayan mo siya para sa akin."

"A-Anong sinasabi niya?" Nagsisimulang magalit ang mata ni Lareign "Magpaliwanag ka!"

"I was resting in my room when she entered my unit," Umiwas ito ng tingin sa kaniya habang siya naman ay hindi makapaniwalang tumingala

"No! He's lying!" Marahas niyang pinahid ang luha at tumayo "We made love! He cheated on you because he chose me! Look at me! Don't you see that I'm wearing his clothes?"

"She stripped in front of me so I have to cover her."

"Nagsisinungaling ka, Sidney! Hindi ito ang sinabi mo sa akin. Sinabi mong sayo lang ako!" Dinuro niya si Lareign na nagulat sa pangyayari "Kung hindi ka na sana umuwi, ayos ang lahat! Kasalanan mo ito!"

Nagulat siya nang mataman siyang tinulak ni Sidney dahilan para mapaupo siya sa sahig at hindi makagalaw. Hindi maproseso ng utak niya ang lahat ng nangyayari.

"Do you ever think that I will fuck a child?" Hinilot pa nito ang sentido para pakalmahin ang sarili "Wala akong pakialam sayo dahil hindi kita kilala! Hindi ko alam kung paano ka nakapasok sa unit ko pero sigurado akong isa kang walang kwentang babae!"

"Sid, tama na. Bata pa siya." Lumuhod si Lareign para magpantay ang muka nila, hindi nakatakas ang awa sa mga mata nito "I don't know what you're up to but I trust him so much over the years," Pinahid pa nito ang luha na nag-uunahan sa kaniyang pisngi "you're too young to experience those things."

"Hindi mo alam na niloko ka niya! He deleted our conversation in my phone so you wouldn't know his affair!" Nanlilisik na mata niyang tinignan si Sidney "You manipulated me!"

"Shut up! Stop bugging us! Umalis ka na at bumalik sa mga magulang mo dahil nakakagulo ka rito!" Hinila nito si Lareign paalis sa parking lot habang naiwan siyang umiiyak, durog ang puso at nakatingin sa kawalan

"You will come back to me. I'm sure that you will be crazy over me."

"That was years ago, Ava. Isinawalang-bahala ko lang ang sinabi niya. I'm just doing this to make him feel that I became successful." Pagsisinungaling niya sa kaibigan "Wala akong intesyon na sirain sila ng asawa niya."

"Nakapunta ka na ba kay Aki para maayos yung property na ibebenta sa kanila?" Inikot nito ang baso para mahal ang alak "You personally chose the land so it could make them feel cozy. Around of applause for your stupidity."

"Alam mo naman na nakokonsensya pa rin ako kay Lareign," Umiwas muli siya ng tingin at bumuntong-hininga "Naging mabait siya sakin kahit na nagsabi ako ng masasamang salita kay Sidney."

"Because that asshole is a great manipulator." Maanghang na pasaring naman nito

"Kahit na. Naging mabait si Lareign sa akin kahit para akong tanga na sumisigaw noon." Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil kahit sarili niya ay napapaniwala na wala siyang masamang intensyon "Gusto ko lang tanggalin yung konsensya sa puso ko para makapagsimula na ako."

"Good to hear that. If it is the only way for you to let go, then I'll support you no matter what."

Bumaling siya sa malilikot na ilaw habang iniisip ang susunod na hakbang para makaganti sa lalaking nangwasak sa puso niya. Kung sa impyerno agad siya pupunta dahil sa gagawin niya, malugod niya itong tatanggapin.

She will be the antogonist to their love story and she will not give them the satisfaction to have an happy ending.

Just like what I have been feeling for the past years...

BC # 2: Interim Dalliance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon