CHAPTER 36

615 7 0
                                    

"MS. Akiyama, is it true that you bought the Pineda Architectural Firm?"

"How is Mr. Seudama? Are you in a relationship with him?"

"Did Catherine Nicholson already make peace with you?"

"Is it true that Abrianna Nicholson will be a part of Akiyama Technologies?"

The media did not waste their time and bombarded her with questions as soon as she entered the conference room. There are flashes of lights directing to her.

"Please, settle down." Pagpapakalma ni Katia sa media "We will allow one question at a time so please, settle down."

"I am here to formally announce that the Pineda Architectural Firm will be under my name from now on." Tumikhim si Xaia at umupo kasabay mga bulung-bulungan sa silid

"Alam naman nating lahat na isang naluluging kumpanya ang PAF pero bakit mas pinili mo itong bilhin?" Paunang tanong ng isang media

"I am capable of buying some share so why question my reasons? Afterall, it is good to help the companies that needs my aid." Puno ng kumpiyansa nitong saad dahilan para mapangiti siya sa tinuran ng kaibigan

"Miss Akiyama, is it really true that you made peace with your mother? Catherine Soriano?"

"She's my mother and I don't see any reason to hate and be angry with her. Did I satisfy your curiosity?" Anito habang malamig na nakatingin sa kung sino mang nagtanong non "I was looking forward for her love and care afterall these years and hatred is not included in it."

"Kayo na po ba si Xanthrus Seudama ng Seudama Chain of Hotels?" Napataas siya ng kilay nang makita ang emosyon sa mata ng kaibigan

"Yes, we are." Tipid nitong sagot dahil paniguradong laman nanaman ng magazine ni Reich ang pinagsasabi niya. Mas lumapad ang ngisi niya dahil hindi nito itinanggi ang kung ano mang namamagitan sa kanila ni Xanthrus.

Good for them.

Marami pang tanong ang media patungkol sa negosyo nila maging sa relasyon nila ni Xanthrus. Hindi nauubusan ang mga ito ng katunungan tungkol sa buhay nito.

"Are you creating a competition between Akiyama and Semberova since both of you are in the field of architecture industry?"

"Seraina Semberova is my friend. So no, I am not." Huling saad niya bago ilayo ang mikropono sa bibig

"Thank you for attending the press conference requested by Xaia Akiyama." Saad ni Katia habang nakatayo sa entablado "Send our regards to your companies. Thank you."

"She really is that powerful? Imagine, having press conference while the different networks are waiting for your answer." Saad ni Daniel na puno ng admirasyon sa kaibigan

"I don't know what she's up to but I trust her when it comes to business."

"Kumain na tayo. Marami akong inihanda para sa inyo." Nanguna ang ina papunta sa hapag na kaagad naman nilang sinundan

Seraina can feel the awkwardness of Xaivana and Yeji. Or was it Xaivana alone? Yeji looks fine and chill. Maybe because she's used with socializing?

"Yeji, how long have you been here in the Philippines?" Pagbasag niya sa katahimikan

"I've been here for 3 days. I filed a leave of absence to my entertainment company since we just had our comeback and still waiting for our concern next month." Agap namang sagot nito dahilan para magtanong din ang ina

"So you are an artist in your country? Sorry if I don't know anything."

"Sikat sila sa buong mundo, Mama. Lalo na yung grupo ni Yeji." Saad niya sa ina na ngayo'y hindi na makapagsalita dahil sa narinig

"And yet, she's here with us? Oh my. Sorry if I didn't cook some more. No one said that you'll come. But anyway, you can come back here so I can cook more for you," Napangiti naman si Yeji sa kung paano siya kausapin ng ina "Since your Dandan's girlfriend, we should bond more. If your schedule is not that hectic."

"Mama naman. Hindi ko na po siya girlfriend." Nahihiyang sabat ni Daniel na ngayo'y pilit na umiiwas ng tingin

"Pasalamat ka hindi ko naabutan yung tungkol sa mga artista na balita, Reperius Danieliente," Their mother said in a warning tone that made Daniel shut up "Yeji, you can visit here if you want to. Okay? Just wear something so your fans won't see you here. I can't cook a buffet for them"

Tumawa silang lahat dahil sa biro ng ina at itinuloy ang pagkain. Na-miss niya ang luto ng ina. Ilang taon din niyang hindi natikman ang pinakapaboritong niluluto nito mula noong bata pa sila. Ang bicol express.

"So Yeji, you're a korean, right? Full-blooded?" Natatawa nalang siya dahil puno ng kuryosidad ang ina

"Yes, Mam. I am." Magalang na sagot naman nito

"That's good. My children have Czech blood. That can make a perfect combination for babies!" Halos mailuwa lahat ni Daniel ang kinain nang marinig ang huling salita na sinabi ng Mama nila

"Mama, bakit ako? Si Ate muna ang hanapan mo ng apo," Nauubong saad ni Daniel na agad namang binigyan ng tubig ni Xaivana "Siya naman ang mas matanda. Siya dapat ang hanapan mo, Mama."

"Adam and your Ate broke up. Nakikita ko sa balita na kasama siya sa Top 50 na pinaka-guwapong lalaki sa mundo, anak," At ngayo'y pagkakataon naman niya para umubo nang umubo "Pogi nga naman siya. Kahit ang mga kapitbahay dito, tinatanong ako kung may apo na raw ba akong royalty."

"Mama naman! That was a long time ago! Adam and I are in good terms. We're done. We need to grow apart, Mama." Pinunasan niya ang pawis dahil sa kaba na baka siya naman ang hanapan nito ng apo

"Good terms so may balak kayong magbalikan kapag nakapag-grow na, Ate? Am I getting this right?" Malakas na tumawa si Daniel nang sipain niya ito sa ilalim ng mesa

"Mama oh! Si Daniel ang pang-asar!" Sumbong niya sa ina sa pambatang tono na para bang mapipikon na

"Stop it, you two," Asik ng ina sa kanila ngunit agad na napalitan iyon ng pagkunot ng noo nilang dalawa "I'll give this house to the one who will give me a beautiful grandchild."

"May sarili na akong bahay, Mama. Si Daniel nalang po." Pagtanggi niya sa gusto nitong mangyari

"Balak ko pong magpatayo ng bahay, Mama." Pagtabla naman ni Daniel sa sinabi niya

Napuno ng kantiyawan ang buong hapag hanggang sa matapos silang lahat. Tinulungan niya ang mama niya na maghugas at maglinis ng pinagkainan ganoon din ang lamesa habang si Daniel naman ay inutusan na ayuson ang mga kobre kama sa itaas dahil doon magpapalipas si Yeji ng gabi at babalik sa hotel bukas.

"Anak, sana mapatawad mo ako. Hindi ko rin talaga alam paano kita kakausapin dahil alam kong may sama ng loob sa puso mo." Panimula ng ina dahilan para mapangiti siya

"Mama, matagal ko na kayong napatawad. It was a roller-coaster ride for us but I hope we can reconcile. Tsaka mas mahalaga sa akin na ganito na tayo ulit," Niyakap niya ang ina sa likuran at naglambing "Masaya ako na nandito na ulit ako, Mama."

Hindi niya alam kung saan ilalagay ang saya na nararamdaman.

She feels at home. Finally.

BC # 2: Interim Dalliance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon